"SORRY, sorry..." Hindi naman pala siya sasaktan ni Chester. Mukhang sobrang apologetic pa nga ito. Agad nitong inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siya sa pagtayo.
Hindi iyon inabot ni Steph. Hindi pa rin siya maka-get over sa ginawa nito. Itinulak siya nito. Bayolente lang?
"Manulak ba?" anas niya.
"Sorry na nga. Hindi ka kasi dapat basta nangengelam sa mga gamit dito," sagot ni Chester. Parang galit ito.
"Sorry naman. Curious lang. Ang damot mo naman."
"Curiosity killed the cat. Haven't you heard of that saying? At hindi sa pagdadamot. It's just that there are some stuff here that shouldn't be messed with," anito.
"Bakit? Ano ba ang ginagawa mo? Bombang sumasabog gamit lang ang thought waves? O computer virus na magpapabagsak sa lahat ng satellite sa universe? Kung gagawa ka ng krimen, 'wag dito sa house. Baka pati kami madamay."
"Hindi ako gumagawa ng krimen. Hindi rin nakakapanakit ang device na ginagawa ko."
"Aha! So may ginagawa ka nga."
"Lagi naman, di ba?"
Kung sabagay, naisip ni Steph. Noon pa man ay palaging may pinagkakaabalahan si Chester. Hindi na nga siguro siya magugulat kung may spaceship na lang na biglang lumipad galing sa kuwarto nito.
"Ano kasi iyan?" Hindi maalis ang kuriosidad niya sa parang salamin ni Cyclops. Hawak na ito ni Chester ngayon, mukhang walang balak bitawan, natatakot yata na kunin ulit niya.
"Iyang activities mo ang atupagin mo, 'wag 'to. Kung ayaw mong makinig, umalis ka na at marami pa 'kong gagawin. Ano, itutuloy pa ba natin?"
"Oo na. Ang sungit." Padabog siyang naupo na sa tabi ng lalaki. Para lang muling lumipad ang diwa niya.
Crush ni Chester ang ate niya. Imagine that. Pero nakakaawa naman ito. Isa lang ito sa sanlaksang mga boys na nagkukumahog sa kapatid niya.
I can relate. Nakakalungkot pero ganoong-ganoon ang sitwasyon niya. Kagaya lang ni Chester, malabong pansinin siya ng ultimate crush niyang si Dalton. Napabuntonghininga siya habang ini-imagine ang itsura ng lalaki. Bulag o wala sa tamang katinuan ang babaeng hindi maguguwapuhan dito. Astig ito pero hindi mukhang basagulero. Matalino rin siguro dahil wala naman siyang nababalitaang bumabagsak ito. He's the campus hearthrob and one of the hearts throbbing for him is hers.
"Wala kang pag-asa, Steph."
Pumutok na parang bula iyong image ni Dalton na naglalaro sa isip niya. Gigil siyang bumaling kay Chester. Anong sabi nito? Wala siyang pag-asa?
"Lalo ka na," gigil niyang balik dito. "Bakit? Iniisip mo na ikaw may pag-asang magkagusto sa iyo si Ate Corinne? Not in this lifetime, dude. Pareho lang tayo ng status. No pansin sa mga crushes natin. Kaya 'wag kang malufet, okay?"
"Jeez!" Halatang iritado si Chester. Inihilamos pa nga nito ang palad sa mukha. Pero bigla rin itong napangiti. Hala, may sayad din? Kagaya niya? "But wait, what did you say? Ikaw, may crush? Wohoohoo." Napatawa na ito.
"Bakit? Anong tingin mo sa 'kin? Kabute? Walang feelings?"
"Hindi sa ganoon. Hindi ko lang ma-imagine. Wait, wait, let me guess. He's cute, right? Matangkad, maputi, tsinito at hunky."
"Whoa, nakakaduda ka. Beki ka ba?" bulalas niya. Kung maka-describe kasi ito ng lalaki, para itong babae. Detalyado. At saka paano nito nahulaan ang itsura ni Dalton? Ganoon kasi eksakto ang lalaki. Matangkad, maputi, tsinito at hunky.
BINABASA MO ANG
Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)
RomanceKumpleto po ang kuwento na ipo-post ko dito sa Wattpad although may mga details na sa book lang mababasa. Unedited version nga lang ito so pardon the typo errors. I hope you enjoy the story because I enjoyed writing it.