MATABANG lubid ang pumaikot sa beywang ni Steph. Sa mismong sandaling bumagsak ang karet ay nahila siya ng lubid palayo. Salamat naman. Kung hindi ay sa katawan niya bumaon ang talim imbes na sa sahig na kinahihigaan niya kanina. Pero bakit may lubid at sino ang sumilo sa kanya?
"Aaaaah-" Nagsimula siyang sumigaw nang bumangga siya sa kung ano. Sigaw na lalong lumakas nang may mabalingan siya, isang taong nakasuot ng robang may hood.
"Sshhh..." Pinigilan ang sigaw niya ng kamay na tumakip sa bibig niya. May kamay ding sumaklot sa braso niya, nahulaan yata ng taong naka-hood ang plano niyang pagkaripas ng takbo.
Nagpapalag siya. Hindi siya pahuhuli ng buhay. Kakapalag niya ay nasipa niya iyong may hawak sa kanya.
"Tumigil ka nga, Stephanie."
Teka, kilala niya ang boses na iyon ah. Bumaling siya sa taong may hawak sa kanya, itinulak niya paalis sa ulo nito ang hood na tumatabing doon.
"Chester!" Nakahinga siya ng maluwag. "Nandito ka rin?"
"Hindi, wala." Sarkastiko ang mokong. Kitang-kita rin sa itsura nito na hindi ito natutuwa. "Kahit kailan hindi ka marunong makinig, ano? Di ba sabi ko 'wag mong pakialam ang mga gamit ko?"
"Eh kasi... uhhh..." Ano ba ang idadahilan niya? Wala siyang maisip.
"Tinawag pa nga kita kanina, sinabihan na huwag mong isuot iyong salamin pero sumige ka pa rin. Now look what you've done." Tumingin ito sa di kalayuan.
"Aaaaahhhh" Si Dalton ang nakita niya nang sundan niya ang tingin ni Chester. Nagsisisigaw ang lalaki dahil hinahabol ito ng tikbalang.
May natanaw siya sa labas ng bintana, lumilipad-lipad. Isang...babaeng kalahati lang ang katawan. Manananggal!
Tikbalang? Manananggal? Bumaling si Steph kay Chester.
Napailing si Chester.
"It's all very complicated. But the bottom line is this. We are trapped in this virtual world. Hindi kasi katulad ng ordinaryong virtual reality game kung saan nakikita lang ng gamer iyong pangyayari, dahil sa pagkaka-kunekta ng consciousness ng player sa game ay kagaya na rin niyon ang pagpasok niya sa mundong nasa loob ng computer. Hindi rin katulad ng ordinary VR game kung saan puwedeng umalis ang player sa laro kung kailan niya gusto sa pamamagitan lang ng simpleng pag-aalis ng suot niyang salamin, sa game na ito ay kailangang mahanap muna niya ang exit o kaya ay matapos niya ang game. An exit that is not easy to find, may I add. I designed this game for those who take gaming to the extreme. Para ito sa mga expert players na. An elite group, and a very small one, may I add. Ibang level ng husay ang kailangan para matapos ang larong ito...at makalabas ng buhay. Isa pa, hindi lang ako ang gumawa nito. May ka-collaborate ako. Kaya may inputs siya na hindi ko kabisado. He was supposed to tell me what they are but he got called away to attend a seminar. Hindi pa niya nai-email sa 'kin iyong mga dine-belop niyang algorithms."
"Puwede tayong mamatay?" Sa dinami-dami ng sinabi ni Chester ay iyon ang tumimo sa isip ni Steph.
"I'm...afraid so."
"Ako ba pinaglololoko mo? Paano tayo mamamatay eh laro nga lang 'to? At bakit hindi natin puwedeng i-off na lang basta o kaya ay tanggalin ang suot nating salamin?" Baka naman ginu-goodtime lang siya ng lalaki.
"That would kill us, that's why."
"Ha?"
"I've designed the game so that all of the gamer's thought processes are linked into the console. Mahirap ipaliwanag, okay. Iyong mga terms na gagamitin ko, sigurado kong parang Greek lahat sa pandinig mo. Basta't ito ang importanteng malaman mo. We have to play the game till the end. That's the only way we can get out of here. Kaya nga ipinakabilin-bilin ko sa iyo na 'wag mong pakialaman ang mga gamit ko. Hindi pa 'ko tapos sa pag-develop nitong game. Hindi ko pa naipo-program iyong mas madaling pag-exit nang hindi nagko-conflict sa mga inilagay na commands nung ka-collaborate ko."
"Ang sakit mo sa ulo, Chester," angal niya. Wala man siyang masyadong naintindihan sa sinabi nito ay ito ang alam niya. Delikado ang lagay niya. Nila.
"Heeeeellllp!"
Napatingin sila sa sumigaw. Si Dalton. Sukol na pala ito ng tikbalang.
"Use your rock salt pellets," utos dito ni Chester.
"Rock salt what?"
"Pellets. Diyan sa canister mo. That thingy on your belt. Default weapon," paliwanag ni Chester. "And just like in any game, a player has to earn or find additional weapons and other upgrades."
"Come on. Kailangan tayong makarating sa...haunted house," saad ni Chester.
"Haunted house?" Si Steph naman ang nasindak. "Paano tayo magiging ligtas sa ganoong lugar?"
"Wala akong sinabing magiging ligtas tayo doon. But it's safer than being out here. Follow me." Tumakbo na ito. Sumunod agad dito si Dalton. Si Steph, naiwang nakatulala. Nangyayari ba talaga ang lahat ng iyon? O nananaginip siya. Ng sobrang sama.
"Come on." Natauhan na lang siya nang may kamay na humawak sa pulsuhan niya at hinila siya.
Pagkakita pa lang niya sa sinasabing haunted house ni Chester ay nanindig na lahat ng balahibo niya sa katawan. Sinong sira ulo ang gugustuhing pumasok doon? The place looks creepy. Creepier than any old house she has seen in her lifetime. Mas nakakatakot pa nga ang itsura niyon kesa sa Educ Building na notorious sa campus nila bilang pungad ng ligaw na kaluluwa. Creepy and kinda familiar to her. Parang nakita na niya ang bahay na iyon. Wait, nakita na nga niya. Sa imahinasyon niya. Ganoon ang bahay na setting ng kuwentong ginagawa niya.
"Dude, you did all this?" bulalas ni Dalton.
Iginala ni Steph ang tingin niya sa paligid. Hango sa nakakatakot na bangungot ang itsura ng bahay. It's not just because of the dust and cobwebs hanging in almost every corner. Hindi rin dahil lang sa parang kinakain ng lumang kahoy ang liwanag na galing sa chandelier na kumukurap-kurap ang mga ilaw na para bang anumang sandali ay papalya ang mga iyon. O dahil sa mga bahagi ng bahay na para guguho na dahil sa pagkabulok. It's the...whole ambiance. Iyong pakiramdam na para bang biglang may lilitaw na kung ano mula sa kung saang madilim na sulok. It's really mega-creepy.
"Uh, m-medyo," pag-amin ni Chester.
"Any surprises here? May mga bigla bang sumusulpot na kung ano? May mga secret passages na puwedeng daanan papunta sa kung saan?" usisa ni Dalton.
"I'm sure meron. Pero hindi ko masasabi kung saan eksakto ang mga iyon. The game is full of surprises. Basta maging handa lang tayo," sagot ni Chester. At parang patunay sa sinabi nito, may narinig silang malakas na tunog na parang may nakalas na kung ano. Napatingala si Steph sa eksaktong sandali kung saan bumigay mula sa pagkakakabit sa kisame ang malaking chandelier. Mababagsakan siya, sila ni Dalton na nakatayo malapit sa kanya. Mabilis ang reflexes ng lalaki. Paigkas itong tumalon palayo. Naiwan siyang nakatunganga at naghihintay ng kanyang kapahamakan.
BINABASA MO ANG
Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)
RomanceKumpleto po ang kuwento na ipo-post ko dito sa Wattpad although may mga details na sa book lang mababasa. Unedited version nga lang ito so pardon the typo errors. I hope you enjoy the story because I enjoyed writing it.