CHAPTER 8
INABALA na lang ni Steph ang sarili sa pag-polish sa isu-submit niyang short story base na rin sa mga comments ng adviser nila. Kakapindot pa lang niya ng SAVE icon nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
"Busy?" Si Corinne.
"Medyo," sagot niya. Meaning, ayaw muna kitang makausap. Baka masabunutan kasi kita.
Nagpaka-clueless ang kapatid niya. Pumasok pa rin ito.
"How's the story coming along?"
Nagulat si Steph na alam ni Corinne ang tungkol doon. Hindi niya iyon binanggit dito.
"Chester told me."
That figures. Ganoon na nga pala ka-close ang mga ito.
"Sabi rin niya na maganda iyong kuwento. Buti pa siya nabasa na niya."
"Pinakilaman niya ng walang paalam ko." Gusto niyang mangagat sa sama ng loob. Naalala niya kasi kung gaano siya kasaya nang sabihin ng lalaki na may talent siya sa pagsusulat. Hindi na siya masaya ngayon.
"Can I see it?"
"NO!" Mabilis, maigting ang pagtanggi ni Steph.
"Bakit?" Parang nasaktan ang kapatid niya.
"Pupulaan mo lang."
"Of course not."
"Ate, ikaw na ang magaling. Sa lahat. Ikaw na rin ang pinagpala. Tanggap ko naman iyon. Sa mata ng lahat, especially kay daddy, perpekto ka. Iyo na ang korona."
"Tingin mo pala ako ang pinagpala. That I have everything? Naisip mo rin ba na pati iyong responsibilidad pasan ko rin? I mean, after mom died, I felt I had to exert double effort to make sure that I can give dad the help he needs in raising a family. Kahit kasi konti lang ang agwat ng age natin, ako pa rin ang panganay kaya natural siguro na sa 'kin mailipat iyong mga responsibilities na si mommy nagdadala dati. I couldn't fool around like other kids. I had to be the mature one. At okay din lang naman. But it's not as rosy as you think it is. Sorry kung naiparamdam ko sa iyo na...na inferior ka. Hindi ko naman iniisip iyon dahil hindi iyon tutoo. Iba lang siguro ang galing mo. May ibang talents ka. Kagaya na lang ng pagsusulat. Panay ang puri ni Chester sa gawa mo."
Hindi siya agad makakibo. Na-guilty kasi siya sa pinagsasabi niya rito. Oo nga naman, mukhang mas matindi ang pressure dito na magpakatino. Na maging the best. Dahil ito ang panganay at iniatang nito sa sarili ang pag-ako ng responsibilidad. Nakakahiya naman. She resented her sister. Nainggit pa siya rito. Imbes na tulungan ito, naging pasaway pa siya.
"I'm sorry, ate," nausal ni Steph. "I mean, for everything."
"Wala iyon. Ang importante naman, kapag nagkamali, dapat may matutunan. At hindi na uulitin iyong kaparehong pagkakamali, right?" anito. "Nga pala, about Chester..."
Ah, teka lang ha. Hindi pa 'ko ready na makinig diyan. Baka hindi niya maitago ang sama ng loob sa pagkukuwento ng ate niya na boyfriend na nito ang lalaki.
"Uhh, wait, 'te. May...may gagawin ako. Importante. Ahh, puwedeng mamaya na lang natin pag-usapan iyong tungkol sa inyo ni Chester."
Her sister gave her a weird look. Sabagay, weird ang reaksiyon niya. Para siyang biglang sinilihan sa pang-upo sa ipinakita niyang pagka-aligaga.
"Gusto ko lang namang ipaalam sa iyo na si Chester at ako... I mean, kami ni Chester..."
Anak naman ng tinapay! Bakit ang kuliiit mo, 'te.
"Excuse me." Nagtatakbo papunta sa CR si Steph. Hindi pa niya keri na harapin ang masaklap, masakit na katotohanan.
"Uh, k-kung okay lang sa 'yo uhm, may...may gusto sana akong ipakita sa iyo." Pinigilan siya ng pagsasalita ni Chester.
"Ipakita? Ano?"
"Nandoon sa room ko."
Sasama ba siya? Mas gusto niyang lumayo na lang dito. Magpakalayo-layo. Para hindi na niya ito nakikita at hindi naaalog-alog ang puso niya. Pero may pasaway na bahagi pa rin ang pagkatao niya at iyon ang nambubuyo sa kanya na samantalahin ang pagkakataong makapiling ito. Kahit sandali lang.
Just this one last time. Bumigay siya.
"Ano na naman 'yan?" bulalas niya pagdating nila sa kuwarto ng lalaki at iabot nito sa kanya iyong gaming glasses na ginamit nila dati. Napaatras siya palayo sa iniaabot nito sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, hindi na mahihigop ang diwa natin papunta kung saan. This is just an ordinary VR program. Hindi rin ito game kaya walang peligro."
"Eh ano'ng nandiyan?" Duda siya.
"Secret."
Nag-atubili siya.
"Please..."
"Okay fine." Isinalpak na niya sa mga mata iyong salamin.
Sa kabila ng sinabi ni Chester na wala silang susuunging peligro, inasahan pa rin ni Steph na may lalabas na kung ano at aatakihin siya. May lumabas nga na kung ano pero hindi para umatake sa kanya. What she saw is a little girl and she is giving her a bouquet of flowers. Galing siguro iyon sa meadow na nasa di kalayuan dahil kagaya ng mga bulaklak ng halamang ligaw na natatanaw niya roon ang bungkos na iniaabot sa kanya ng bata. Kinuha niya iyon.
"This is your world and in this place I brought you to, you would understand what I am trying to tell you," hayag ng lalaki.
At natuklasan nga ni Steph ang maraming bagay sa mga nangyari sa kanya, sa kanila ni Chester, pati na ng ate niya...
STEPH won in the storywriting contest. Sa awarding ceremony, laking gulat niya nang paglabas nila ng mga kaibigan ay salubungin sila ng daddy niya. Iti-treat daw sila nito. Siyempre, pumayag agad sila.
Unti-unti nang nawala ang pasinasyon ni Steph sa mga kampon ng kadiliman. Siguro ay dahil hindi na siya nasisilaw sa liwanag ng mundo na dati, pakiramdam niya ay pinatitingkad pang lalo ang mga kapalpakan niya.
Stephanie May Lucas is a loser no more. Kaya ngayon, ah, ngayon ay maliwanag na rin ang mundo niya. So there is no more need to hide in the darkness.
W A K A S
As I've said, may mga scenes at details na sa book lang makikita. Pero sana ay nag-enjoy pa rin kayo sa kuwento. If you like to read the complete version ay available pa po ang book sa lahat ng precious stores Thanks sa pagbasa.
https://preciousshop.com.ph/home/
BINABASA MO ANG
Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)
RomanceKumpleto po ang kuwento na ipo-post ko dito sa Wattpad although may mga details na sa book lang mababasa. Unedited version nga lang ito so pardon the typo errors. I hope you enjoy the story because I enjoyed writing it.