chapter 6

474 20 2
                                    


PANIC din ang naramdaman ni Steph pagdating nila ni Chester sa kinaroroonan ni Dalton. Hindi na kasi ito nag-iisa. May palapit dito, isang pigurang nakabalot ng banig.

Natulala siya. Banig? What the hell...

May naalala si Steph, iyong nabasa niya ang tungkol sa nilalang na iyon.

"Pasatsat," usal niya. "Iyon ang tawag diyan." Ito ay kaluluwa umano ng mga taong namatay noong panahon ng Hapon.

Sa hirap ng buhay nang mga panahong iyon, iyong mga walang pambili ng kabaong ay ibinabalot na lang sa banig ang kanilang yumao. May mga pagkakataon din daw na dala ng pangangailangan ay hindi na sa sementeryo inililibing ang mga namatay. Posibleng iyon ang dahilan kung bakit hindi matahimik ang mga ito. Ang pasatsat ay nagmula sa salitang satsat ng mga Pangasinense, na ang ibig sabihin ay saksakin.

Hindi na siya nag-abalang magpaliwanag ng dapat gawin. Natandaan niya kung paano pinupuksa umano ang pasatsat. Kailangang saksakin ang pigurang nababalot ng banig. Nagawa naman niya bago pa masukol nito si Dalton na napasiksik na sa isang sulok ng silid.

"For a non-gamer, you're doing well. Fast learner ka pala," sabi ni Chester.

"Kailangan eh. Ayokong ma-game over," humihingal niyang sagot. Nakakahingal ang matakot...pero mas lalo ang makarinig ng papuri galing sa lalaking ito.

"Thanks for that." Humihingal din si Dalton. "Y-yeah, fast learner ka nga. You just saved my butt. Pero teka, di ba dapat alam mo iyon?" baling nito kay Chester. "You made this game for crying out loud."

"Kagaya ng sinabi ko kay Steph, may ka-collaboration ako sa pagbuo nito kaya may mga aspeto na hindi ko kabisado. He was supposed to send me the revisions he did pero hindi ko pa nakukuha."

"Eh di wow!" sabi ni Dalton, halatang naiinis. "How are we supposed to get out of here kung..."

"This is the ultimate game, Dalton," sabad ni Steph. "Laruin mo na lang. Natin. Sa pinaka-best na makakaya natin. Wala naman tayong choice, di ba?"

Marahas na bumuga ng hangin ang lalaki. Mukhang bad trip pa rin.

"I...guess so." Sa wakas ay sabi nito.

"All for one..." Inilahad ni Steph ang kamay niya, parang maglalaro ng maalis-taya.

"One for all." Ipinatong ni Chester ang kamay nito sa kanya. Medyo nakuryente siya pero pinigilan niya ang mapakislot.

Gumaya naman dito si Dalton.

"Lets...fight!" sabay-sabay nilang sigaw.

And fight they did. Ewan kung nabulabog ng sigaw nila ang mga maligno, kaluluwa, impakto at kung ano-ano pa. Nagsunod-sunod, nagsabay-sabay pa nga, ang dating ng mga iyon.

SA DULO ng pasilyo ay may natanaw na pigura si Steph. Sana lang ay si Chester iyon at hindi kung anong maligno. Maingat itong nilapitan ni Steph. Mukhang ang lalaki nga ito. He stood by an open window silhouetted by the moonlight.

"Chester..."

He half-turned to her when she called his name. Kalahati ng mukha nito ang natatabingan ng anino pero sapat pa rin ang liwanag para makilala niya ito...at mapatulala na naman dito. Ano ba naman ang puso niya? Napakasalawahan. Noong isang araw lang maihi-ihi siya sa ideyang mai-impress niya si Dalton. Tapos ngayon, may pumitik lang, si Chester na ang pinagdidiskitahan niya?

Pero sinong babae ba ang hindi mahahatak ang pansin ng isang lalaking nagligtas ng buhay niya ng ewan kung ilang beses na? Iyong pumuri sa kakayahan niya? Iyong nag-effort na bigyang buhay ang likha ng isipan niya?

Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon