Untitled Part 8

527 16 0
                                    


"HELLO, ano na ang nangyayari?" Steph tried to speak but even her voice seem to be swallowed by the darkness. Lintek na kadiliman, wala yata iyong hanggan. She felt as if she is swimming in black ink. Pero teka... Napatitig si Steph sa kadiliman. Para kasing... oo nga! May naaaninag siyang liwanag. Malayo pa iyon. It was just a pinprick of light. Pero liwanag pa rin. At pinilit niyang makarating papunta roon. Habang palapit siya ay nakarinig siya ng ingay. Parang mga boses na nagsasalita ng kung ano-ano.

And then her eyes were open. Ang tumambad sa kanya, isang lalaking nakaputi. Hawak nito ang isang flashlight na nakatutok sa isang mata niya.

"Ano ba 'yan?" Tinabig niya ang liwanag. Ang sakit kasi sa mata, parang tumatagos iyong ilaw sa utak niya.

"Welcome back, Stephanie." Ngumiti ang lalaki.

"Steph!" May lumapit sa kinahihigaan niya. Ang daddy niya.

"Thank heavens you're awake." Si Corinne naman ang sumunod niyang nakita.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siya sa kuwarto ni Chester.

"You're in a hospital," sabi ng daddy niya. Dinala ka namin dito nang mag-collapse ka."

"S-sina Dalton at Chester?" Ganoon na lang ang pag-aalala niya sa mga kasama niya.

"They're okay," anang daddy niya.

"A-ano po ba ang nangyari?" usisa niya.

"Nadatnan namin kayo sa kuwarto ni Chester. Si Corinne ang unang nakakita sa inyo actually. Lahat kayo may suot na salamin," pagkukuwento ng daddy niya.

"Aalisin ko dapat iyong suot mo." Sumabad ang kapatid niya. "Tinatawag kasi kita pero hindi ka nagre-react. Inalog na kita, kinurot and everything pero dedma ka pa rin. Pero nang hihilahin ko na paalis sa mga mata mo ang suot mo ay may tumunog na sirena. And then I saw this warning on the computer screen. Nagpa-flash iyon in big, bold, red letters. It said DANGER! DANGER! DON'T REMOVE THE GLASSES OF THE GAMERS. Nag-hesitate ako kung susundin ko ang warning pero napatingin ako sa screen ng isa sa mga computers at nakita ko kayo nina Chester. Para kayong video game. Noong una ay hindi ko alam kung ano iyong nakikita ko. Until it dawned on me that what I'm seeing could be the scenes from the game you're playing. Tinawagan ko agad si daddy."

"Hindi namin alam ang gagawin," salaysay ng ama nila. "Kumunsulta kami sa doktor pati na rin sa ilang IT experts na kilala namin. Iyong head ng department ng pinapasukan ni Chester ang nagrekomenda na hayaan naming bumalik ng kusa ang mga huwisyo niyo. In the meantime, you need medical support. Kinabitan kayo ng suwero habang lahat ng pansin niyo ay nakatuon sa kung ano mang game na nilalaro niyo."

"Halos sabay-sabay lang kayong well, nagising, for lack of a better term. Pero ikaw lang ang nag-collapse kaya ikaw lang ang kinailangang i-confine sa ospital," patuloy naman ng ate niya.

"Talaga bang okay lang sina Dalton?" tanong niya.

"Of course. Pina-check-up din namin sila pero hindi na sila kinailangang i-confine. In fact, they're here to see you," ani Corinne. "Here's your hero." Ang aliwalas ng mukha nito nang balingan si Chester. "I saw how he saved you many times. Nakakabilib."

"Chester!" Napabalikwas siya ng bangon. Ang saya niya pagkakita rito. Akala niya ay nawala na ng tuluyan ang lalaki.

"Steph!" Lumapit ito sa kama niya.

Hindi siya nakatiis. Hinagip niya ang kamay nito, ang braso, ang balikat. Pinisil-pisil at dinutdot-dutdot niya ito. "Ikaw nga. Buhay ka."

Napatawa si Chester. "Oo naman. Kumusta ang pakiramdam mo? Okay lang ba?"

Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon