chapter 5

560 21 0
                                    

TAHIMIK ang lahat. Ang sabi ni Chester ay isa raw iyon sa mga glitches ng game na inaayos pa nito. Iyon ang pagkakaroon ng lull sa laro. Binura raw kasi nito iyong eksenang dapat ay nasa bahaging iyon ng game. Kaya ngayon, walang umaatikabong aksiyon na nangyayari. Salamat naman. Makaubos-lakas at hininga ang mga bakbakan scenes na pinagdaanan nila. So this lull is a very welcome relief.

Sinamantala ni Steph ang pagkakataon na inspeksiyunin ang bahay na nagsisilbing base nila. Lumang mansiyon iyon. Ang laki-laki pero kitang-kita rin na luma at napabayaan na iyon. Perpektong setting nga naman para sa larong ang tema ay ang pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman. At ang ambiance, wala siyang masabi. Creepy talaga.

Itinuloy niya ang paggala. Mag-isa lang siya pero hindi naman siya natatakot. Siguradong aalertuhin siya ni Chester kapag may panganib. Si Dalton ay nakatulog na. Nadaanan niya ito kanina na nakabulagta sa lumang sofa, nakanganga pa at naglalaway. Wa poise!

"Para saan naman iyon?"

"Aaaah!" Napasigaw siya. May magsalita ba naman bigla sa tabi niya. Attack mode agad siya.

"O, o, relax lang." Hinuli ni Chester ang mga kamay niyang akmang dudutdot sa hangin. Kanina ay pinag-imbentaryo na siya ng lalaki ng mga weapons niya, energy level at kung ano-ano pang hindi niya gaanong maintindihan. "Huwag kang magsayang ng sandata. Konti na lang ang imbak mo."

"Ba't ka ba kasi biglang nandiyan?" anas niya. It's funny how the warmth of the hand that held hers quickly quelled the fear she felt.

"Baka kasi kung saan ka na napadpad eh. Baka maisipan mong lumabas. Delikado."

"Hindi ako ganoon katanga." Napatingin si Steph sa bintana. Tanaw doon ang bakuran. Maganda rin ang pagkaka-design ng garden. Kagaya ng interior ng lumang mansiyon, nakakatakot din iyon, mukha talagang pinamumugaran ng maligno, engkangto at kaliliwang ligaw. Ang daming malalaking puno at masukal pa. Hango talaga sa imahinasyon niya ang kinaroroonan nila at nasabi niya iyon sa lalaki. Tumingin siya kay Chester para sabihing natutuwa siya sa pagkakagawa nito ng paligid. Nagtaka siya nang umiwas ng tingin si Chester. "O, bakit?" usisa niya.

"Anong bakit?" Patay malisya pa ito.

"Mukha kang guilty. Bakit?"

"Uhh, I'm sure napansin mo na parang...parang pamilyar ang setting," anito.

"Actually, oo," ayon niya.

"Nakita ko kasi iyong...iyong notes mo. Iyong para sa kuwentong isinusulat mo. Doon ko ibinase ang lugar na ito."

"Really? Wow!" Nakakatuwang makita ng personal iyong bagay na nasa loob lang ng isip niya. Kaya pala parang pamilyar sa kanya ang paligid.

"I hope you're not disappointed. Sabi kasi nila mas maganda pa rin ang imaheng gawa ng imahinasyon," sabi ni Chester.

"True. Pero amazing pa rin na makita ng mga mata ko, as in the tutoong mga mata ko at hindi lang mata ng isipan ko, iyong lugar na ini-imagine ko. Pero teka, bakit? I mean itong game, bakit ganito ang naisip mong gawin?"

"Basta lang." Umiwas na naman ito ng tingin. Mukha ulit guilty.

"Puwede ba iyon? I'm sure may dahilan. Ano na nga?"

"Uhm, well...b-bago ang ideya. Based sa Philippine folklore iyong kuwento mo, di ba? Ibang flavor naman, kumbaga. At saka...uhh...iyon lang."

Tingin ni Steph ay may ibang rason pa pero hindi na muna niya kukulitin ang lalaki. Mas interesado siyang makita iyong iba pang dati ay nasa imahinasyon lang niya.

"May secret passages din dito?" tanong niya. Sa kuwento niya ay may ganoong mga lagusan.

Ngumiti ang lalaki saka tumango.

Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon