chapter 4

440 13 0
                                    


BUHAY pa naman siya. Yata. Iyon ang naisip ni Steph matapos pakiramdaman ang sarili. Tumilapon siya kanina at may narinig siyang bumagsak malapit na malapit sa kanya kaya napapikit na lang siya. Pagdilat niya, hayun, nakahandusay na siya, hindi niya matukoy kung dead o alive ba siya. Buhay pa naman siguro. Dahil kung patay na siya ay bakit siya nahihirapang humugot ng hininga? At bakit siya nabibigatan?

It took her a while to realize why. May nakadagan kasi sa kanya kaya mabigat ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Nakasubsob pa nga ang ulo ng kung sino man na iyon sa balikat niya. Tao ba ito o maligno? Ah, tao naman yata. Pero teka, ito ba buhay pa? Kinilabutan siya sa ideyang bangkay na ito. Mabuti na lang at gumalaw-galaw ito. Ibig sabihin, buhay ito. Umungol pa nga kasabay ng bahagyang pag-angat ng ulo nito.

"Chester!" Nagulat na naman siya pagkakita rito. Ilang dipa ang layo nito sa kanya kaninang magsimulang bumagsak iyong chandelier. May sa pusa ba ito kaya nalundag ang espasyong nakapagitan sa kanila para itulak siya palayo sa pabagsak na chandelier?

Itinulak niya ako palayo. Nahugot niya ang hininga. Chester saved her life. Again. Kung hindi dahil dito..." Nilingon niya ang binagsakan ng chandelier. Nangilo siya pagkakita sa basag-basag na salamin at natuping bakal ng malaking ilawan. Nandoon siya sa ilalim niyon kung hindi sa mabilis na pagkilos ni Chester.

Kaso ay ito naman ang napahamak.

She suddenly became conscious of the fact that his warm breath is fanning her cheeks. And that it felt kinda...nice. Nakakakiliti. Remembering how he saved her from harm triggered something inside her. In her heart to be exact.

Heroic. Iyon ang naisip niyang salita para i-describe ang ginawa nito. Akalain mo, hero material siya? And it was like seeing him for the first time in her life.

Nang-istorbo ang isang tinig. Kay Dalton. Parang na-iirita pa ito. Aba. Mas naiirita si Steph. Ang sarap batukan ng lalaki lalo nang maalala niya kung paanong kanina ay sarili lang talaga nito ang isinalba, hindi man lang naisip na idamay na siya kahit pa katabi lang niya ito.

Mabuti pa si Chester. Kinailangan pa nitong mag-ala pusa para mahila siya palayo sa bumabagsak na chandelier.

She glanced at Chester. And she suddenly felt...well, tingly is the first word that came to her mind. Kung sabagay, first time iyon na may magligtas sa kanya mula sa kapahamakan. Masisisi ba siya kung tingin niya bigla ngayon dito ay kagaya ito ni Hercules?

"Teka, ano 'yang suot mo?" Napansin na niya kanina na kakaiba ang attire nito. Parang roba iyon na may hood. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong mag-usisa. Masyadong maraming nangyayari kanina na puro may kinalaman sa kanyang kaligtasan.

"Like it?" Umikot pa si Chester. "Kasama 'yan sa features ng game. Puwede mong piliin ang costume mo."

"Paano?"

"Secret." Ngumisi pa ito. "Think, Steph. Ang susi ay nasa mga sinabi ko na sa iyo tungkol sa game na ito."

"Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?" anas niya.

"Where's the thrill in that? Isipin mo lang. You'll figure it out." Tinalikuran na siya nito.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Dalton.

"You're a gamer. What would you do if you're playing a game?" ani Chester.

Natahimik ang lalaki. "Think. Plan. Dapat may strategy."

"Ang bahay na 'to ang base natin," hayag ni Chester.

"So we fortify the base," sambot ni Dalton.

"Now you're talking." Tumango-tango si Chester.

"Sigurado ka hindi mo alam kung ano ang tatakbuhin ng larong 'to?" Parang duda pa si Dalton.

"Like I said, hindi pa plantsado ang mga detalye. And since no one had ever created a game like this before, I'm as clueless as you are. So we do what gamers do. We play the game." Bakas ang determinasyon sa boses ni Chester. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, we're here to protect you," dagdag pa nito. "Not because you're a girl but because you're new at this," paglilinaw nito.

Sa isip ni Steph ay nailarawan tuloy niya bigla si Chester na nakasuot ng armor at nakasakay sa puting kabayo. A knight in shining armor. Bagay iyon dito. At noon nila narinig ang malakas na kalansing. Paglingon nila ay isang kabalyero ang nakita nilang palapit sa kanila.

Uh-oh, anong nagawa ko?

Tumingin sa kanya si Chester, mukhang nahulaan nito na siya ang may kagagawan ng pangyayari. Si Dalton naman, napatulala lang.

"This is a game, dude," sigaw ni Chester. "So play." Nagpipindot ito sa ere. May lumitaw sa hangin, parang listahan ng mga sandatang puwedeng gamitin. May pinili ito at sa isang kisapmata ay may hawak na itong espada.

Ginaya ito ni Dalton at ito naman ay biglang nasuotan ng armor. Mace at shield naman ang napili nito.

Two is to one. Kaya na siguro nina Dalton ang kabalyero. Kaya lang...teka, may dumating na isa pa. At isa pa. Ang daya naman. Bakit isang katerba na ang mga iyon? Baka kailangang sumali na siya sa laban. Dumutdot din siya sa hangin. Hindi niya masyadong alam kung ano ang mga bagay na nasa listahan. Basta pumili na lang siya.

And just like that they were in the thick of a fight. Hindi alam ni Steph ang gagawin. She just did the best she could. Manaka-naka ay napapatingin siya sa mga kasama. They seem to be holding their own against their foes. Hanggang sa may biglang sumulpot na kabalyero sa bandang likuran ni Dalton. Abala sa kalaban nito ang lalaki kaya hindi nito napansin iyon. Iniumang ng bagong dating na kalaban ang isang lance.

"STEPHANIE!" Napasigaw na si Corinne. Nasaan na naman ba ang magaling niyang kapatid? Ang sabi ni manang ay kanina pa ito nakauwi. At may kasama raw ito. Lalaki. May manliligaw na ang kapatid niya?

Kakalbuhin ko siya. Dagdag sakit ulo na naman iyon sa daddy nila pag nagkataon. Kung bakit naman kasi napaka-pasaway ni Steph? Siya nga hirap na hirap magpakatino para hindi na masyadong mabigatan sa pagpapalaki sa kanila ang daddy nila pero binabawi naman ni Steph ang quota niya.

Nagpunta raw sa itaas ang dalawa, ayon kay manang. Kanina pa raw. Hindi kaya may ginagawa ng milagro ang mga ito?

Hindi puwede! Nagmamadali na siyang sumugod sa itaas. Panay ang tawag niya sa pangalan ng kapatid pero walang tumutugon sa kanya. Nothing to worry about yet. May sariling mundo kadalasan si Steph kaya maraming beses na kahit nasa tabi na niya ito ay hindi pa naririnig ang pinagsasasabi niya.

Wala sa kuwarto nito ang kapatid niya. Wala rin sa kuwarto niya o sa master bedroom. Nasaan ito? Kuwarto na lang ni Chester ang hindi niya napupuntahan. Nag-atubili siya. Umalis din daw ang lalaki pero hindi sigurado si manang kung nakabalik na ito. Ayaw niya itong istorbohin. Baka kung ano ang ginagawa nito.

The guy is amazing. Parang computer ang utak nito. Kaya tuloy naiilang siya rito. Matalino siya, marami ang nagsasabi. Prueba rin ang mga medalyang iniuwi niya ng matalas niyang utak. Pero kumpara kay Chester, sisiw siya at agila ito. Kung hindi lang siguro nerd na nerd ang itsura nito ay pinag-aagawan na ito ng mga girls.

Ilag siya rito kaya ngayon ay urong-sulong siya sa pagkatok sa kuwarto nito. Pero paano kung wala naman pala ito at ang nasa silid nito ay si Steph at ang mystery guy na kasama nito? Naloko na!

After twenty years ay kumatok na rin siya. Pero walang nagbukas sa kanya. Wala ring tumugon sa pagtawag niya kaya kusa na siyang pumasok. Nakahinga siya ng maluwag pagkakitang nandoon ang kapatid niya. At wala naman palang ginagawang milagro. Nandoon din si mystery guy pero kasama din naman ng mga ito si Chester. Pawang nakasuot ng virtual reality gaming glasses ang mga ito.

"Hoy, Steph, tama na 'yan," tawag niya rito pero parang hindi siya narinig ng kapatid. Niyugyog niya ito pero hindi ito kumilos man lang. Dine-dedma ba siya o masyado lang nakatutok ang pansin nito sa laro? Pwes, tapusin ang laro. She reached out to take the glasses off her sister's eyes.

Bago pa niya iyon magawa ay may umalingawngaw na sirena.

Love in a Game by Kayla Caliente (published) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon