Huling araw ng bakasyon (2)

33 1 0
                                    

Last day na nang pagkukulong ko sa kwarto, nagpahinga na ako dahil ilang araw na din naman akong nag-lalalabas para magbasketball at sumama sa mga barkada ko.

~~~

"Kim, bumangon kana at mamimili na tayo mamaya nila mama ng gamit para bukas" bungad ni kuya kev sakin.

"Pwedeng kayo nalang kuya? Mapapagod lang ako dun" sabay pout ko.

"Hoy! Tigil-tigilan mo yang pag-inarte mo ha! Di bagay sayo!" Tawa nyang sabi.

"Ang aga-aga kuya, nang-aasar ka" pagtataray ko sa kanya.

"Mag-iinarte ka kasi di naman bagay, tignan mo nga sarili ml ang pangit mo! Kapatid ba talaga kita? Hahaha!" Pang-aasar nya.

"Umalis kana nga dito sa kwarto ko!" Sabay tulak sa likod nya at nagsara ako ng pinto.

Tumingin ako sa salamin. Ilang minuto kong tinitigan sarili ko, pero wala namang mali sakin ah? Malaking damit na pang-jersey. At magulong buhok kasi kagigising ko lamang. Siguro ganito na talaga ako wala na akong magagawa pa dun. Bumaba na ako at kumain para naman mamaya, makakasama ako baka kasi asarin pa ako ni kuya kapag nag-inarte pa daw ako. Di naman ako nag-iinarte nakakapagod lang naman talaga yun.

"Ma, saan ba tayo bibili ng gamit ko para bukas?" Tanong ko kay mama.

"Saan moba gusto? Palengke o sa mall?" Tanong naman sakin ni mama.

"Sige ma, sa mall nalang. Para di na rin tayo mahirapan " sagot ko sa kaniya.

"Mamaya pumili ka nang sapatos mo nak ah?" Sabi naman ni mama.

"Opo ma, mag-aayos lang po ako" umakyat na ako sa kwarto para maligo at mag-ayos na din.

~~~

"Kuya halika kana ang tagal mo naman!" Katok ko sa kwarto nya.

"Oo ito na, bumaba kana dun at susunod na ako" sabi ni kuya.

Maya-maya ay bumaba na si kuya. Kaya naman pala ang tagal nagpapogi pa tsk. Akala naman gwapo sya, bibili lang naman kami ng gamit para bukas e tsk.

"Oh bakit?" Tanong ni kuya.

"Wala" sabi ko sa kaniya. "Akala mo gwapo e tsk" bulong ko sa isip ko.

"Aminin mona kasing nagwagwapuhan ka sa kuya mo" pagtawa nyang sabi.

"Ha? Ano? Asa ka!" Sabay sakay ko sa kotse namin at nag-saksak ako sa tenga ko ng earphone para diko sya marinig pa na mang-asar.

~~~

Pagkadating namin sa sm, dumiretso kagad kami ni kuya sa national bookstore para bumili ng notebooks at ballpens.

Habang natingin-tingin ako ng mga babasahin, may napansin ako yung libro na "the four bad boys and me". Naghanap ako ng walang balat, yung pwede syang basahin. Kaso yung nakita ko mataas, kaya pinilit kong abutin hanggang sa nalaglag sa ulo ko ang libro.

"Aray!" sigaw ko.

"Ito oh" abot sakin ng lalaki ng librong tumama sa ulo.

"S-salamat" sambit ko. Habang nakatulala sa napakakinis at napakagwapo nyang mukha.

"Wala yun miss? Sa susunod mag-ingat kana" ngiti nyang sabi na nakakunot ang noo.

"Ah.. Eh.. Bakit nakakunot noo mo?" Tanong ko na parang ewan ako dun ah. Hayss..

"Diko kasi alam if tatawagin ba kitang miss, dahil sa suot at itsura mo" sabi nya na parang natatawa.

'Ah ganon?! Bait-bait lang pala sya tse! Sayang gwapo na sana e' bulong ko sa sarili ko.

"Ano gwapo ako?" Natatawa nyang sabi.

"Ha? H-hindi! Wala akong sinasabi, makaalis na nga. Salamat nalang!" Sabay talikod ko sa kaniya.

"Miss" sigaw nya sa di kalayuan. Diko na sya pinansin, dahil nakakainis na sya at di nakakatuwa.

Pagkatapos na pagkatapos namin sa national, naghanap at bumili na ako ng sapatos. Tapos umuwi na kami.

~~~

I hope bukas maganda ang araw ko. Sana kaklase kopa din sila gino at si steve. Magpapahinga na ako ng maaga para may energy ako bukas.

My Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon