Kevin's POV.

7 0 0
                                    

Anong oras na dipa gising ang tibo kong kapatid. Bakit kaya? Diko na rin namalayan kung anong oras sya nakauwi kagabi. Baka naman di siya umuwi? Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko, at nagtungo sa pintuan ng kwarto nya para kumatok.

"Kim?" Sabi ko habang nakatok.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero dipa nya binubuksan. Kaya ako na ang nag-bukas, dahil hindi naman pala naka-lock. Ang tanga ko, pero gwapo naman kaya okay na din haha.

Tanghali na nakahilata pa sya! Aba naman! Boss kung boss lang?. Kumuha ako ng unan at hinampas ko sa kaniya para magising sya.

"Gising na" kasabay ng paghampas ng unan sa kaniya.

"Kuya ano!" Mahina nyang sabi.

Umupo ako sa tabi nya, tinitigan sya. Mukhang ang tamlay nya ngayon, ano kayang meron? Nilapat ko ang aking palad sa kanyang noo.

"May lagnat ka" pag-aalala ko.

Wala syang kibo kundi ang tumalikod sakin at nakabaluktot.

"Teka tatawagan ko si mama" kinuha ko agad ang cp ko at dali-daling tinawagan si mama. Umalis kasi si mama para sa business namin. Bukas pa ng umaga ang balik nya kaya ako muna ang naka-toka sa bunso kong kapatid.

(Ring.. Ring..)

"Hello anak" sabi ni mama sa kabilang linya.

"Ma, si kim may lagnat. Ano bang gamot pwede dito?" Tanong ko sa kanya.

"Bioflu anak. Uuwi kagad ako para maalagaan sya, sandali nalang to nak" sabi ni mama na may pag-aalala.

"Sge po ma, ingat ka dyan" sabay putol ng linya.

Naghanap agad ako ng gamot at nagluto ng lugaw. Di lang ako basta-basta gwapo, marunong din akong magluto haha. Umakyat na ako sa kwarto ni kim, para mapainom sya ng gamot.

"Bumangon ka dyan, kainin mo 'tong lugaw at inumin ang gamot mo" sabi ko.

Sumunod naman sya sa akin. Subukan nya lang talagang mag-pasaway, kundi pababayaan ko siya. Sayang naman effort ko.

"Salamat kuya" nakangiti nyang sabi.

"Bago ka magpasalamat, saan kaba galing kagabi? Naabutan ka tuloy ng malakas na ulan" tanong ko.

"Pumunta akong park" nakatulala nyang sabi na tila ba may iniisip.

"Ano namang ginawa mo dun?" Tanong ko ng may pagtataka.

"Wala" ngiti nyang sabi.

"Baliw kana ba? Pupunta ka sa lugar na wala kang gagawin." Pag-aamok ko.

"Oo na. Sge na iwan mona ako dito, papahinga pa ako. Salamat ulit kuya!" Sabi nya sabay higa sa kama.

"Sige na, magpagaling kana dahil bukas may pasok pa tayo" sabi ko sabay alis sa kwarto.

Abnormal na ata yung kapatid ko e. Lakas ng topak, nagkakasakit tuloy sya sa kabaliwan nya. Umuulan nanaman, nakakatamad naman kapag ganitong araw.

Mas magandang gawin i-stalk ko nalang ang crush ko sa ganitong panahon. Baka dito may mapala pa ako hahahaha!

~~~

"Magiging akin ka din"

My Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon