Misteryoso (5)

11 0 0
                                    

Mag-iisang buwan ng wala si gino dito sa pinas. Kamusta na kaya sya sa korea? Nakakapag-aral kaya sya ng maayos? Parang baliw naman ako hahahahaha.

Nagtungo ako sa park, uwian na din naman namin at bukas ay sabado na. Siguro kung andito si gino, may kasama ako dito. Namimiss kona sya sobra. Hindi ko sya makausap ng ayos sa tawag dahil mahal ang bayad kapag sa ibang bansa ka tatawag. Idagdag mopa yung busy ako, dahil graduating. Ilang buwan nalang gagraduate na kami nila kuya. Ang saya naman dahil gagraduate na ako, at magbbirthday pa ako.

"Pwedeng maki-upo?" Nagulat ako at napalingon sa lalaki.

"A-ah osge po" ano ba kim. Wag kang mautal.

Ang gwapo niya!!!! Whaaaaa!

"May problema ba? Nakangisi nyang tanong.

"Ha? Wala. Sige maupo kana" wag mong titigan kim!

"Alam mo espesyal 'tong lugar na'to sakin" sabi nya. "Alam mo kung bakit?" Pahabol nya.

"Ha? Eh bakit naman?" Sagot ko ng nagtataka.

"Dito ko kasi nakilala yung taong mahal ko" sabi nya habang nanonood sa mga batang naglalaro.

"Ah" tipid kong sagot.

"Kim!" Sigaw ng isang lalaki sa malayo.

"Steve!" Tuwang-tuwa akong lumapit at niyakap sya.

"Namiss mo naman ako ng sobra? Haha" paano ba naman hindi? Hindi ko siya kaklase at nag-iba na din sya ng school na medyo malayo sa school na pinapasukan ko.

"Pano ba namang hindi? Mag-isa nalang ako palagi simula nung nahiwalay kayo sakin ni gino" sabay pout ko.

"Mag-isa? Eh sino siya?" Sabay turo sa lalaking nasa likod ko.

"I'm bryan, just call me bry" sabay abot ng kamay nya para makipag-shake hands.

"Steve naman pare" sabay nakipag-shake hands.

"Kaibigan ka pala nya" ani ni bry.

"Ah oo. Bakit? Ano moba si kim?" Nakangiti ng nakakaloko si stev sabay tingin sa akin.

"Ano --" diko na natapos ang sasabihin ko kay steve.

"Manliligaw nya ako" putol ni bry sa sinasabi ko.

"Teka" sabi ko.

"Nako kim, babae kana ha. Sa loob loob mo pala hahahaha" tuwang-tuwang sabi ni steve.

"Steve!" Pagtataray ko.

"Nawala lang kami, pinalit mona kami sa iba ha" aniya.

"Hindi" aniko.

"Osge na uuna na ako, nakakagulo ata ako sa date nyo haha" pang-aasar ni steve.

Umalis na si steve at nakatulala ako sa lalaking gusto kong sapakin! Ang ganda-ganda ng approach ko sa kaniya tapos ganon? Tse. Porket gwapo sya akala niya maloloko nya ako? Nag-iinit ulo ko sa kaniya!

"Sino kaba sa akala mo?" Pagtataray ko.

"Sa susunod ko na ipapaalam sayo" sabay talikod at nag-wave na palayo.

"Sa susunod kona malalaman? Ang alin?"

Napaka-misteryoso naman nya. Imbes na mainis pa ako, naguluhan na ako sa inasal niya! Mabuti pa umuwi na ako, mag-didilim na at malamig ngayon. Mukhang uulan pa ata. Kung mamalasin ka nga naman wala akong dalang payong.

Naglakad na ako para umuwi, hangganh sa bumuhos na nga ang kanina pang nag-babadyang ulan. Sumilong muna ako sa maliit na shed, nakakatakot kasi ang dilim na para mag-stay ako dito pero no choice naman ako. Ang tagal tumila ng ulan, may bagyo ata. Lamig na lamig na ako, hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Diko alam ang gagawin ko, halos buong katawan ko ay nanginginig sa takot.

Bumaba ang lalaking nakasakay sa loob ng kotse, at papalapit sya ng papalapit. Diko siya makita ng ayos dahil sa ulan na napakalakas.

"Halika na, iuuwi na kita sa inyo" sabi ng tinig, na sa sobrang lakas ng ulan ay diko mawari kung sino ang lalaki.

"Ha.. P-pero" di na ako naka-angal pa ng tuluyan dahil hinila na niya ako sa kotse at dali-dali nya itong pinaandar. Nababalot pa rin ako ng takot at umabot pa sa ako ay nagdasal.

"Lord wag naman sana ako mapasama" bulong ko.

"Hindi ka mapapasama okay?" Sabi ng lalaki na unti-unti ko ng naalala kung sino siya.

"Ikaw?!" Sabi ko sa kaniya ng pataray.

"Wag kana mag-paka-chossy dyan, di bagay sa suot mo" natatawang sabi ni bry.

"Bakit ba alam mo kung nasaan ako kanina" tanong ko sa kaniya.

"Sa susunod mona malalaman okay?" Sabi naman nya.

"Okay, bilisan mo nalang at wag mo ng tignan yung kasuotan ko" pagtataray ko.

Nakarating na kami sa bahay, at diko namalayang nakatulog pala ako. Kaya naman ginising nya ako.

"Andito na tayo" sambit nya. Agad naman akong nag-ayos at kinuha ang bag kong basang-basa sa ulan.

"S-salamat" tipid kong sagot.

"Wala yun, sige na baka magkasakit kapa. Magpalit ka muna ng damit bago ka magpahinga." Aniya.

"Ha? Ah. O-oo alam ko gagawin ko. Sge salamat ulit" sabi ko.

"Bye" pinaandar na nya ang kanyang sasakyan at nag-wave.

Pumasok agad ako ng bahay dahil lamig na lamig na ako. Diko na matiis ang lamig sa basang damit ko. Buti nalang at sabado bukas, kundi wala akong magagamit na notebook miski isa. Nadatnan ako ni mama kaya inasikaso nya ako. Kahit malaki nako, alagang-alaga pa din niya ako.

~~~

Nakahiga na ako sa kama ko, at nakaharap sa mataas na kesame ng kwarto ko. Bigla kong naisip na, bakit nya alam kung saan ako nakatira? Sino ba talaga sya? Bakit sinabi nya kay steve na manliligaw ko siya? Sino ba siya? Nakatulog ako sa kakaisip ko sa misteryosong lalaki na yun.

"Guardian angel koba sya? Bakit ang misteryoso nya? Panaginip ba 'to?"

My Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon