Ang lakas ng ulan. May pasok na bukas at sana naman gumada na ang panahon. Kamusta na kaya si gino? Pati na rin si kim, nakakamiss na silang dalawa. Kaya naisipan ko nalang ichat si Kevin para kamustahin si kim sa kaniya.
Me to kevin. (Chat)
*Uy! Kamusta na si kim?-Ayun, nilalagnat sya ngayon. Naulanan kagabi.
*Ha? Pwede ba akong pumunta dyan?-Oo naman! Basta katulad kong gwapo, walang bawal haha.
*Kahit kelan ka talaga kevs haha. Sge see you later.
Nagmadali akong nagbihis at nagpahatid sa driver namin papunta kila kim. Matagal-tagal ko na syang di nakakasama, sila ni Gino. Nakakapanibago dahil ganito kaming magkakahiwalay. Pero kailangan e.
"Manong, bumalik nalang kayo dito kapag magpapasundo na ako." Sabi ko sa driver namin.
"Okay po sir" sagot nya.
Kakatok palang ako, pero binuksan na agad ito ni kevin. Nagpaalam agad ako na aakyat ako sa kwarto ni kim, pumayag naman ito. Diba nga kapag gwapong katulad nya walang bawal hahaha.
Pumasok nalang ako sa kwarto ni kim dahil ayokong magising pa sya sa katok ko. Lumapit ako sa kama nya, ang gara din ng kwarto nya e. Puro panlalaki ang nasa loob. Skate-board, bola ng basketball, at kung anu-ano pa. Kahit ganon sya. Nakakatuwa pa din sya na naging kaibigan ko siya. Di naman talaga sya tomboy e, boyish lang kumbaga.
Naalala ko tuloy nung andito pa ang matalik nyang kaibigan na si samantha. Halos pagkamalan namin silang may relasyon, dahil itong si sam babae kung manamit. Ewan koba at di niya nahawa itong kim, gayung lagi naman silang magkasama. Kamusta na kaya si sam? Sa pang-aasar ko sa kaniya diko akalaing mahuhulog ako sa kaniya.
"Makikita kopa kaya sya?"
~~~
Nagising ako at pagmulat ko nakita ko si steve na nakaupo sa tabi ng kama ko. Bakit parang malungkot sya?
"Gising kana pala" sabi nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Dahan-dahan akong umupo sa kama.
"Pinuntahan ka syempre, may sakit ka diba!" ginulo-gulo nya ang buhok ko na parang bata.
"Pano mo nalaman na may sakit ako? Aber?" Sabi ko na may pag-erap.
"Ang taray mo naman! Haha. Syempre nalaman ko sa kuya mo!" Natatawa nya sabi.
"Salamat" tipid kong sagot sabay tingin sa may bintana ko.
"Wag kana malungkot, alam kong namimiss mo siya" sambit nya.
"Ha ano bang sinasabi mo?!" Pagtanggi ko.
"Wag kana mag-akila pa! Halata namang may gusto ka rin sa kaniya! Haha" pang-aasar nya.
"Tumigil ka nga steve! Eh bakit ikaw malungkot ka nung nagising ako?" Pagbago ko ng usapan.
"Namimiss ko kasi sya" seryosong sabi nya.
"Sino? Si Gino?" Pagtataka ko.
"Hindi." Tipid nyang sagot.
"Eh sino nga? Ano? Manghuhula ako?" Pagtataray ko.
"Si samantha" sambit nya.
Natahimik kami pareho, kasi pakiramdam ko parehas kaming iniwan ng taong mahalaga samin. Tama ba? Mahalaga si Gino sakin? Bilang ano? Naguguluhan din ako. Ilang buwan na syang di nagpaparamdam, si Steve kaya nakakausap nya kaya yun? Gusto kona syang makita kaso mukhang wala syang balak umuwi.
"Siguro naman okay sya dun, kaya wag kana mag-alala sa kaniya." Nakangiti kong sabi.
"Sana nga" buntong hininga nya.
~~
Pagkatapos naming magkwentuhan, umuwi na agad ako. Para din makapagpahinga na si kim. Naisip ko nanaman si sam, kamusta na kaya sya?
-----
Okay readers! Hehe. Sorry sa pangit na story, di ako magaling gumawa e haha. Basta base ito sa istorya ng buhay ko, binago ko lang sya. Nextime na ang kasunod hehe. I hope you like it. Godbless and goodnight! Mwah!

BINABASA MO ANG
My Lady Gangster
Romance"Di naman masamang magbago, o tumanggap ng tao sa buhay mo. Love, hate etc. is part of your life!"