Gino's POV.

12 1 0
                                    

Bago magsimula ang pasukan, pumunta ako sa school para magpalipat ng section B. Para maging kaklase ko si kim. Oo tama si kim ang dahilan, ayokong mahiwalay sa kaniya. Parang di ko kaya. Kaya mas okay ng nagpalipat ako kesa malungkot ako ng di sya nakakasama, ang kaso diko naman akalain na aalis ako at panandalian lang na magiging kaklase ko sya.

"Kim" sigaw ko sa kaniya habang papasok sa room.

"Oy! Akala ko di kita kaklase, ayokong maging lonely dito" sabi nya sabay pout.

Kahit kelan, di ako nag-taka kung bakit ako nagkagusto sa kaniya. Ang cute nyang tigna sa tuwing nag-ppout sya.

"Ikaw magiging lonely? Haha. Nagbago kana ba? Di halata ah" sabi ko na natatawa pa.

"Heh! Ang aga gino para mang-asar ah. Syempre nakakahiya namang kumausap sa kanila no." Palusot pa, ayaw pang sabihin na gusto niya akong kasama. Hahaha.

"Sus!" Sabi sa kanya.

"By the way, may laro ba tayo mamaya?" Tanong nya sa akin. Mukha talaga syang basketball. Kelan kaba magiging kilos babae kim?

"Wala tayong laro pero may pupuntahan tayo" sagot ko.

"Ha? Pupuntahan saan nam-" hindi na nya naitanong ang gusto nyang itanong dahil dumating na ang teacher namin. Buti nalang dumating si mam, for sure kukulitin nya lang ako.

Buong klase ko siyang di kinulit kasi nakakalungkot na iiwan kona sya. Ayokong umalis pero kailangan e.

~~~

Tapos na ang at nag-ayos na kami ng gamit ng kim.

"Gi, tuloy paba tayo?" Tanong nya.

"Oo" tipid kong sagot.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya palabas ng school. Pumunta kami sa parking lot at sumakay kami sa kotse ko, lahat ng tao ay nakatingin samin lalo na yung mga babaing nag-papantasya sa akin. Binging-bingi ako sa katahimikan na meron kami ngayon ni kim, ewan koba pero parang nabigla ko ata sya sa pagkakahawak ng kamay ko sa kaniya.

"Bakit ka tumigil mag-drive?" Tanong nya.

"Bumaba na tayo at sumunod ka sakin" ngiti kong sabi.

Bumaba na ako at alam ko namang nakasunod sya sakin. Diko alam kung bakit ko siya dinala dito sa tabing dagat, basta ang gusto ko dalhin ang taong mahal ko sa komportableng lugar. Katulad ko ang komportable ko kapag kasama sya.

"Bakit tayo nandito?" Nagtataka niyang sabi.

"May gusto ako sabihin" tipid kong sagot.

"Eh ano nanaman yang pakulo mo gino?" Napatingin ako sa kaniya at napalapit ang mukha ko habang nakatayo kami sa tabing dagat.

"A-anong ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong.

"Gusto kita" diko na nakontrol ang sarili ko. "Pero alam kong hindi moko gusto kim, matagal kona 'tong gustong sabihin sayo. Ngayon lang ako nagakaroon ng lakas ng loob." Pahabol ko.

"Gin--" diko na sya pinatapos sa sasabihin niya.

"Alam ko, alam kong kaibigan lang ang turing mo sakin. At mag-aantay ako hanggang sa magbago na yung turing mo sakin." Sabi ko sa kaniya.

"Pasensya kana" nakatalikod nya sabi.

"Okay lang kim, aalis na nga pala ako bukas. Sorry kung di kita makakasama sa pag-graduate" pagbabago ko ng usapan.

"Saan ka naman pupunta?" Bakas sa mukha nya ang lungkot.

"Sa korea na ako pinag-aaral ni mommy. Doon na din kasi kami titira. Pero don't worry kim, kapag may problema ka, handa akong makinig sayo kahit sa chat o kaya tawagan moko o kaya ako ang tatawag sayo" nakangiti kong sabi.

"Osge! Basta mag-aral kang mabuti don ah?" Nakangiti nya ding sabi.

"Nakakalungkot man na hindi ka mahal ng taong mahal mo, pero mas nakakalungkot yung malayo ka sa tabi niya."

My Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon