Tumingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na. 6 o'clock na at 7am ang class ko. Nagmadali akong pumasok sa cr at naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako.
"Good morning baby girl" bati ni kuya.
"Goodmorning anak" bati naman ni mama.
"Good morning po ma" bati ko kay mama ng nakangiti.
"Eh ako, walang good morning?" Sabi ni kuya.
"Kailangan paba nun?" Pang-aasar ko sabay subo ng isang kutsara ng kanin.
"Diko kailangan ng good morning galing sa tibo na katulad mo" pang-aasar nya sakin.
"Ah talaga lang ha?" Pagtataray ko sa kaniya.
"Kayong dalawa talaga, pati ba naman yun pag-aawayan niyo pa?" Sabi ni mama.
"Joke lang yun ma, di nako bata no. Si kim lang naman bata dito" pang-aasar pa nya.
"Atleast cute di katulad mo" pang-aasar ko naman.
"Cute? San banda aber? Hahahahahaha" tawa nyang sabi.
"Sa mukha syempre, saan paba?" Nakangisi kong sabi.
"Hahahahaha! Alam mo kim, cute ka sana kaso mas mukha ka pang lalaki kesa sakin haha" hagakgak nyang sabi.
"Tse! Ma, aalis na po ako" sabay paalam ko kay mama.
"Pikon" sigaw ni kuya bago ako makaalis sa bahay.
Huh! Ayoko syang kasabay, at ayokong malate sa first day ko no. Sana si gino at steve nalang kaklase ko wag nalang si kuya! Oo magka-grade kami ni kuya, tumigil kasi sya dahil nagka-problema.
~~~
Pagpasok ko sa room, na-eexcite ako na kinakabahan. Ang dami ko palang bagong kaklase na magaganda at gwapo. Asan kaya sila gino at steve? Hindi ko kaya sila kaklase? Maaga pa naman 6:20am pa lang naman, baka mamaya-maya ay andito na sila. Umupo na ako sa likod at tumahimik, tumapat ako sa cellphone ko at naglaro ng wordscapes.
"Kim!" Sigaw ni gino habang papasok sa room.
Napakagwapo nya talaga, ang fresh nyang tignan. Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya e. Bukod sa gwapo mabait pa.
"Oy! Akala ko di kita kaklase, ayokong maging lonely dito" sabi ko sabay pout.
"Ikaw magiging lonely? Haha. Nagbago kana ba? Di halata ah" sabi nya na natatawa pa.
"Heh! Ang aga gino para mang-asar ah. Syempre nakakahiya namang kumausap sa kanila no." Pagpapaliwanag ko.
"Sus!" Sabi nya.
"By the way, may laro ba tayo mamaya?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala tayong laro pero may pupuntahan tayo" sabi nya ng seryoso.
"Ha? Pupuntahan saan nam-" hindi kona naitanong ang gusto kong itanong dahil dumating na si ang teacher namin.
Nagpakilala si mam at nagpakilala din naman kami. Natapos na kami sa pagpapakilala pero napansin kong si gino ay malalim ang iniisip. Ano kayang nangyari at naging ganon sya?
Buong klase ay di kami nag-iimikan, kung kukulitin man nya ako ay tatahimik naman agad sya. Kaya nakakapanibago lang na ganito sya. Nakakalungkot para sakin na parang may problema sya pero di nya naman ako sinasabihan. Nalulungkot ako para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Lady Gangster
Romance"Di naman masamang magbago, o tumanggap ng tao sa buhay mo. Love, hate etc. is part of your life!"