Bryan's POV.

9 0 0
                                    

Matagal kona syang sinisilayan. Diko aakalain na mabibighani ako sa kaniyang itsura. Gwapo ako aminado ako, pero bakit sya pa yung babaing lagi kong hinahanap hanap? Kim Gonza bakit ikaw? Halos lalaki kung manamit, halos puro lalaki ang kasama mo simula noong napansin kita. Pero lahat yun diko alam kung bakit, basta ang gusto ko ikaw. Mahal na nga ata kita e. Naging torpe ako once in a lifetime, at dahil sa kaniya yun. Masaya ako kapag nasisilayan ko siya, minsan nga ninanais kong maging si steve at gino para makasama sya. Kaso alam kong di mangyayari yun. Kaya wala akong ginawa kundi ang sundan sya.

Hanggang sa malaman kong nagkaiba-iba na silang tatlo ng school. Si gino nasa korea at si steve sa kabilang school na medyo malayo sa pinapasukan namin ni kim. Oo, parehas kami ng school. University of fief ang pangalan ng pinapasukan namin. Pang-mayaman na eskwelahan, maraming sosyal ang pumapasok. At syempre di nawawala ang heartthrob! At syempre kasama ako sa isa sa mga heartthrobs, kung noon sila gino at steve ay kabilang, ngayon ay hindi na.

Pero sa kabila ng kagwapuhan ko, diko alam na magkakandarapa ako sa isang babaing kung kumilos ay lalaking-lalaki. Siguro dahil sa angkin nyang kaastigan.

Napapansin kong mag-isa na siya palagi, isang buwan nang ganito sya. Gustong-gusto kona siyang lapitan kaso diko magawa dahil lagi siyang naka-earphone kada uupo sya sa bench. Kung minsan naman ay diko na siya naaabutan siguro umuwi na sya.

~~~

Araw ng biyernes at naisipan kong pumunta sa park. Gusto ko sanang magpahangin man lang kahit papano, pero diko aakalaing sa pangalawang pagkakataon makikita ko siya dito. Ang pinagka-iba nga lang ay bata pa kami nung makita ko siya dito. Nagkalakas ako ng loob na kausapin sya.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong ko sa kaniya.

"A-ah osge po" sagot nya.

Ang ganda nya lalo nasa malapitan.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha? Wala. Sige maupo kana" nakakatuwa naman siya, parang nahihiya sya haha.

"Alam mo espesyal 'tong lugar na'to sakin" sabi ko. "Alam mo kung bakit?" Bakit ba naitanong ko 'to sa kaniya?

"Ha? Eh bakit naman?" Sagot nya ng nagtataka.

"Dito ko kasi nakilala yung taong mahal ko" sabi ko habang nanonood sa mga batang naglalaro. Parang dati lang, nakalaro ko siya dito at nakuha ko pangalan niya.

"Ah" tipid nyang sagot.

"Kim!" Sigaw ng isang lalaki sa malayo. Si steve.

"Steve!" Tuwang-tuwa lumapit at niyakap ni kim ito.

"Sana ako rin mayakap mo." Bulong ko sa isipan ko.

"Namiss mo naman ako ng sobra? Haha" sambit ni Steve.

"Pano ba namang hindi? Mag-isa nalang ako palagi simula nung nahiwalay kayo sakin ni gino" sabay pout ni kim.

"Mag-isa? Eh sino siya?" Sabay turo sa akin.

"I'm bryan, just call me bry" sabay abot ng kamay ko para makipag-shake hands.

"Steve naman pare" sabay nakipag-shake hands.

"Kaibigan ka pala nya" ani ko.

"Ah oo. Bakit? Ano moba si kim?" Nakangiti ng nakakaloko si stev sabay tingin sa direksyon ni kim.

"Ano --" diko na pinatapos si kim sa sasabihin niya.

"Manliligaw nya ako" putol ko.

"Teka" sabi ni kim na gulat na gulat.

"Nako kim, babae kana ha. Sa loob loob mo pala hahahaha" tuwang-tuwang sabi ni steve.

"Steve!" Pagtataray nya.

"Nawala lang kami, pinalit mona kami sa iba ha" aniya.

"Hindi" sambit ni kim.

"Osge na uuna na ako, nakakagulo ata ako sa date nyo haha" pang-aasar nito kay kim.

Umalis na si steve at naiwang nakatulala ako kay kim, ganon din naman sya sa akin. Diko alam kung bakit nasabi yun, pero ngayon ang alam ko napabilis ata ako. Nabigla ako. Hindi pa ako handa na magtapat sa kaniya dahil ni anino ko di nya matandaan.

"Sino kaba sa akala mo?" Pagtataray nito sakin.

"Sa susunod ko na ipapaalam sayo" sabay talikod ko at nag-wave at umalis na ako.

"Sa susunod kona ipapaalam. Na mahal kita kim."

~~~

Naglakad ako pauwi at kinuha ang kotse ko. Ayoko kasing makita nya akong nakasunod sa kaniya, kaya gagamitin ko kotse ko para di halatang nakasunod ako sa kaniya habang naglalakad sya.

Sa pagsunod ko sa kaniya ay umulan ng malakas. Nakita kong nababasa sya pati mga gamit nya. Sa sobrang lakas ng ulan napatigil sya sa isang maliit na shed. Kaya naman tumigil agad ako sa harapan ng shed. At bumaba para ihatid sya sa kanila.

"Halika na, iuuwi na kita sa inyo" sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Ha.. P-pero" di na sya naka-angal pa ng tuluyan dahil hinila ko na sya sa kotse at dali-dali itong pinaandar.Halatang sa kaniya na natatakot sya dahil siguro i niya malaman kung sino ba ako.

"Lord wag naman sana ako mapasama" pagdarasal nya habang nakapikit.

"Hindi ka mapapasama okay?" Sabi ko.

"Ikaw?!" Pagtataray nya.

"Wag kana mag-paka-chossy dyan, di bagay sa suot mo" natatawang sabi ko.

"Bakit ba alam mo kung nasaan ako kanina?" tanong niya.

"Sa susunod mona malalaman okay?" Sabi ko sa kaniya.

"Okay, bilisan mo nalang at wag mo ng tignan yung kasuotan ko" pagtataray nya.

Natawa na lamang ako sa inaasal nya, bagay naman sa kaniya e. Pero alam kong may tinatago syang ganda.

Nakarating na kami sa bahay nila, nakatulog sya kaya naman ginising ko nalang sya. Alam na alam kona kung saan sya nakatira. Ikaw ba namang mag-iisang taong mag-susunod sa kaniya. Para lang malaman na safe sya nakakauwi.

"Andito na tayo" sambit ko. At dali-dali syang bumaba.

"S-salamat" tipid nyang sagot.

"Wala yun, sige na baka magkasakit kapa. Magpalit ka muna ng damit bago ka magpahinga." Aniko.

"Ha? Ah. O-oo alam ko gagawin ko. Sge salamat ulit" sabi nya.

"Bye" pinaandar ko ang sasakyan at nag-wave ako sa kanya.

"Kapag handa na ako kim"

My Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon