Hanggang sa makarating ako ng bahay tulala ako. Hindi ako makapaniwala na magkakagusto sakin si gino. Isang lalaki na habulin ng babae at marami ng pinikot na babae, ganon pa man ay di nawala sa kaniya ang pagiging mabait nya. Pero paano? Paano nya ako nagustuhan? Natatawa ako na natutulala sa nangyayari. Buong byahe kong di nakausap si gino ng ayos. Nakakahiyang kumibo, nakakahiya kasi yung isang tulad ko na ipakita na wala akong pake kahit na may gusto sya sakin. Hindi ko naman ito kinakalungkot, natatakot lang ako kasi 17yrsold lang ako.
"Paano kung nabigla lang pala sya?"
"Paano kung nabigla din ako?"
"Paano kung masaktan ako?"
"Paano ba ma-inlove?"
Yan ang mga nagpapagulo sa isipan ko ngayon. Nahihirapan ako masyado. Diko alam kung bakit. Ang hirap lalo na kapag pinakamatalik na kaibigan mo ang umamin sayo, pero ang sabi nya nga maghihintay sya hanggang sa magustuhan ko siya. Pero paano? Kung aalis at iiwan nya ako? Nadagdagan nanaman ang paano sa isip ko.
"Boooo" napatalon ako sa gulat dahil kay kuya kevs.
"Kuya naman e!" Inis kong sabi.
"Kanina kapa dyan sa labas ng bahay, nakatulala. May problema kaba?" Kitang-kita sa mata nya ang pag-aalala.
"Wala. Wala 'to kuya!" Nakangiti kong sabi.
"Wala ba talaga tibo?" Nakatitig nyang sabi.
"Oo wala 'to kuya! Wag ka mag-alala okay?" Nginitian ko siya.
"Oh sge, basta kapag may problema ka ha? Andito lang ako" aniya.
"Oo kuya! Salamat!" Ani ko.
"Wala yun tibo! Alam mo namang love kita kahit pangit ka e." Ginulo nya ang buhok ko na parang bata.
"Hays, kuya ko talaga!" Sabay yakap sa kaniya.
"Osge na. Pumasok na tayo, baka mag-ka-MMK pa tayo dito e haha" pagbibiro nya.
"Susunod ako kuya" sambit ko.
Napatingin ako sa langit, ang daming bituin. Nakakagaan nang pakiramdam yung may kuya kang kagaya ni kuya keven. Kahit maloko, napapakita nya pa ding mahalaga ka sa kaniya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at kumain. Di na ako nakausap nila mama dahil umakyat kagad ako, pagod na din kasi ako. For sure magtatanong sila sa unang araw ng pasok ko sa school. Kung ako magtatanong sa sarili ko, 50/50 na okay at hindi.
"Ano kayang pakiramdam na ma-inlove ang tulad kong kilos lalaki?"
BINABASA MO ANG
My Lady Gangster
Romance"Di naman masamang magbago, o tumanggap ng tao sa buhay mo. Love, hate etc. is part of your life!"