Kabanata 8
"ARE you fine?" kaagad akong napatingin kay Zeij nang magsalita siya at kaagad na tumango.
We were sitting on my sofa, kanina lang ay dumating ang mga kaibigan niya sa unit niya. He took me back to my room after that, sabi niya ay may pupunta raw na pulis roon at mag-aasikaso.
He took me to my unit, so I won't be seen there, panigurado kasing kapag umabot pa ito sa media at masangkot ako ay malaking gulo kung nagkataon.
Mabuti na lang at marunong si Zeijan makipaglaban kaya hindi kami nahirapan.
"Sino ang mga 'yon?" I asked him. Nilingon niya ako at nagkunwari akong nagtataka at natatakot.
"I don't know," he sighed, filling the gaps in between my fingers with his.
"P-Paanong nandoon sila?" I asked again.
"I just woke up when I heard noises, hindi ko na dapat papansinin but when I heard them saying a certain name, I don't know who was it, tumayo ako," aniya. "I walk outside and find them ruining my unit," he sighed. "Of course, I tried talking but they attacked me," paliwanag niya.
Sumulyap ako sa mukha niya at doon ko nakita ang pasa at sugat sa may gilid ng labi niya. It must have been the punch from one of those bastards.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. I gently held his face and touched his bruise, making him whimper.
"Ree..." reklamo niya. I sighed.
"Bakit ka kasi nakipaglaban mag-isa do'n! They have guns, Zeijan! Paano kung napuruhan ka?!" inis kong sabi.
"I can fight," aniya at napatango ako. "I trained in the military before, baby."
Nagitla ako pero napatango.
"Yes! But what if—"
"I'm safe, okay? Ikaw lang inaalala ko kanina, the men attempted to go inside the room kaya hindi na rin ako nakapagpigil."
"You should have called me so, I can help!" sabi ko.
"If I called you, dalawa tayong mapapahamak!" His forehead creased. "Tapos kanina, I told you to stay inside the room, but you didn't!"
"I-I stayed!" sabi ko pa. Nakita ko ang titig niya sa akin nang sabihin ko iyon, tila naninimbang at binabasa ang nasa utak ko.
"I stayed! Hindi mo nakita kasi abala ka, 'di ba?" ulit ko at nang bumuntonghininga siya at tumango ay napanatag ako.
Damn, I thought he saw me fighting!
Tumayo ako at pumunta sa banyo para kumuha ng medicine kit at naupo ako pabalik sa harapan niya. Sumunod ang tingin niya sa hawak ko pabalik sa akin.
"Why?" aniya. Kinunutan ko siya ng noo at napailing.
"Anong why? Let me clean your bruises," sabi ko at umayos siya ng upo.
"H-huh?"
"Sabi ko gamutin natin 'yang pasa tsaka sugat mo sa may labi," sabi ko sa kanya. He stayed still, nakita kong napatulala siya nang ilabas ko ang alcohol.
"M-misis, magaling naman na ako," aniya at hinanap ang mata ko.
"Magaling? Look at your face, namumula tapos may dugo pa 'yang sugat mo!" I hissed. Nilagyan ko ng alcohol ang cotton at nang i-angat ko iyon ay nanlaki ang mata ko nang biglang umatras si Zeijan at napunta sa kabilang dulo ng sofa.
"What are you doing?" takang tanong ko.
"I-I am completely fine! You don't have to..." Lumapit ako sa pwesto niya at napasinghap siya at mas sumiksik sa gilid.
BINABASA MO ANG
A Bloodless War
ActionSandejas Siblings Third Installment: Z E I J A N "Let him pull the trigger and it will aim straight to your heart..." Alyx Riadna Alarcon feels perfect, 'yan ang iniisip at pinaniniwalan niya. She has no flaws, pretty face, a body to die for, fame...