Kabanata 20
TAHIMIK na kami sa buong byahe and it was the most awkward time of my life. Halos may marinig na akong kuliglig sa paligid at wala rin naman siyang imik habang nakasandal sa upuan niya at nakapikit.
He looks tired at panigurado'y antok na rin. It's... I think one or two in the morning at talagang nakakaantok na ang oras na 'to.
I wonder what happened to the party. Gayong nagkagulo sa parking. Did they evacuate?
I sighed.
My Mom, sana ay naroon sina Trece sa bahay. Pagkatapos kong gamutin si Zeijan ay uuwi ako kaagad kay Mommy.
Nananakit na rin ang katawan ko. Nakagat ko ang labi at naghanap ng mas maikling daan patungo sa building ng condo niya. I drove there within ten minutes at nang makarating ako sa parking ay kaagad kong ginising si Zeijan.
"Zeij?" I called him softly. He slowly opened his eyes, umayos siya ng upo at nakita ko ang pamumungay ng mata niya.
"Hmm?" aniya.
"Uh, we're here..." mahinang sabi ko. May sumalubong sa sasakyan na guard. Nakita kong ibinaba ni Zeij ang bintana ng sasakyan at sumilip.
"Kuya," aniya.
"Sir Zeijan! Nandito na po pala kayo."
"Pasok na po kami..." ani nito. The guard nodded, nakita kong sumaludo siya kay Zeij at ganoon din ang ginawa ni Zeijan.
I parked pagkapasok namin ng parking lot at pinatay ko kaagad ang makina pagkatapos at sumandal.
"Are you tired?" Mabilis akong sumulyap kay Zeij at umiling.
"Ayos lang," I smiled. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tumango.
"Dapat ako na ang nag-drive..." he sighed. Hinawi niya ang buhok niya at lumingon sa akin. "Stay there," aniya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang lumabas siya ng sasakyan dala ang hinubad niyang suit. Umikot siya at nagtaka ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Come on," aniya sa akin. I stared at him at nang inilahad niya ang kamay sa akin ay napalunok ako pero tinanggap ko iyon.
Inalalayan niya ako palabas. Kaagad niyang isinara ang kotse paglabas ko at nagulat ako nang hawiin niya ang buhok ko at inilagay ang suit niya sa balikat ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso lamang siya sa ginagawa habang kunot ang noo.
"Let's go..." aniya. He held my waist at naglakad kami pero napangiwi lang ako nang manakit ang paa ko.
It was probably because of that man at sa heels ko rin.
"Are you alright?" he asked. Nag-angat ako ng tingin at tumango sa kanya.
"Hmm, I'm just..." tumingin ako sa paa ko. Nakita kong napatingin din siya roon at binitawan ang baywang ko.
Dumukwang siya at nakita kong sinipat niya ang paa ko.
"Uy, ano, that's fine... Halika na..." sabi ko. Hindi naman siya nagsalita at napasinghap ako sa gulat nang sakupin niya ang likuran ng paa ko at mabilis na binuhat ako.
Napakapit ako sa leeg niya sa biglaang ginawa.
"Zeij..." mahinang sabi ko.
"Kumapit ka," aniya.
"I can walk... Ayos lang 'yong paa ko," gulat ko pang turan, mabilis ang kalabog ng puso.
"Let me carry you," he said. Ibinaba niya ang tingin sa akin habang buhat ako at nabakas ko ang lambot sa mata niya.
BINABASA MO ANG
A Bloodless War
ActionSandejas Siblings Third Installment: Z E I J A N "Let him pull the trigger and it will aim straight to your heart..." Alyx Riadna Alarcon feels perfect, 'yan ang iniisip at pinaniniwalan niya. She has no flaws, pretty face, a body to die for, fame...