Kabanata 13

229K 8.7K 4.2K
                                    

Kabanata 13

"IS there any possible way para makita ko si Mommy?" I asked my Mom's nurse.

"Ma'am, nandito po si Sir sa mansyon sa ngayon. Marami rin pong tauhan kaya mukhang mahirap po makapuslit."

"Uh, do you have schedule kung kailan dadalhin ang Mommy sa hospital para sa check-up?" I asked.

"Wala pa po sa ngayon, Ma'am pero balitaan ko po kayo kung mayroon," she said.

"Sige, salamat..." I sighed and turned the phone off. Pikit-matang napasandal ako sa headboard ng kama at hinilot ang sentido ko.

Patay na lahat-lahat si Archer pero hindi ko pa rin nakikita ang Mommy ko. I asked Antonio about that pero ang sabi niya sa akin ay may tamang panahon para makita ko siya.

Gusto ko mang magalit ay natatakot akong masaktan ang Mommy kapag nagpumilit ako.

Just what the heck, right?

I did that for my Mom, yet he didn't allow me to see her!

Napatitig ako sa pintuan ng banyo kung nasaan naliligo si Zeijan. Mabilis kasi siyang tumakbo roon pagkasuntok ko sa tagiliran niya at hindi ko alam kung bakit.

He was almost crying in pain, tinatanong ko kung bakit pero umiiling lang siya at mabilis na tumakbo rito sa kwarto niya. Sumunod ako at nakitang nag-banyo siya.

I rose up from my seat and walked towards the bathroom's door.

"Zeij?" I knocked. Lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko.

"Zeij?" ulit ko. Walang sumagot kaya idinikit ko ang tainga ko sa pintuan para makinig sa ginagawa niya.

"Fuck!" mura niya roon sa loob kaya kumatok akong ulit.

"Zeij?" No one answered. "Mister!" I hissed.

"Huh, Misis?" sigaw niya roon. Kumunot ang noo ko.

"Ginagawa mo r'yan?" I asked.

"Nothing!" sigaw niya.

"Okay ka lang?" I asked, concerned now. Nagtataka sa nangyayari sa kanya.

"Yes!" aniya pero parang 'di ako kumbinsido.

"Weh? Sure ka? How about your waist? Patingin nga!" sagot ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot sa akin kaya napanguso ako.

"Hey, Zeij..." I said. Nang wala siyang sagot ay tumalikod ako sa pintuan ng banyo at iniikot ang tingin sa kwarto niya.

I can't believe he borrowed this from his friend. Ang bait naman nito para magpahiram ng mamahaling condo unit at sportscar?

The door creaked. Napalingon ako at napaatras sa gulat nang makita si Zeijan na nakasilip doon sa siwang ng pintuan.

My mouth parted when he smiled. Nakasilip ang ulo niya roon sa pinto at kitang-kita ko ang tubig na mula sa ulo niya na bumababa sa pisngi niya.

He was dripping wet! I held my breath.

"I'm fine, you see..."

"B-bakit ka nand'yan?" I stuttered.

I can see a glimpse of his chest from here! God!

"Hmm, sabi mo patingin..." he smiled again. Kumunot ang noo ko at nagseryoso ng pilit.

"Okay na!" tikhim ko. "P-pumasok ka na ulit!"

"Hmm, pasok ka?" bahagyang binuksan niya ang pintuan ng banyo kaya nag-init ang pisngi ko at napasinghap.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon