Kabanata 21

252K 9.2K 2.8K
                                    

Kabanata 21

WHY did you have to lie?

That was my only question while staring at my husband's sleeping face. Kanina pa malalim ang tulog niya sa tabi ko habang ako'y nanatiling gising at tahimik siyang pinagmamasdan.

He fell asleep after he cried, I couldn't say anything, hindi pa rin ako makapaniwalang kasal pa rin kami. In those three years we're apart, I never tried checking if we're still married or not sa takot kong makitang hindi na.

That's why, I kept it all myself. Naisip ko nga noon, kaya siguro walang nag-me-message sa aking abogado ay nagawan na ng paraan ni Zeij ang annulment pero 'yon pala ay hindi niya ito ginalaw kahit kailan.

I stared at his face and smiled. I missed him so much, inabot ko iyon at hinaplos.

Still handsome as ever, life's never been this unfair... Napanguso ako at mas sinilip ang mukha niya.

His face was in the combination of his strong and soft features. Kahit anong tapang at seryoso nang mga ito ay bakas mo pa rin ang lambot.

He looked like those hollywood actors I've seen, more handsome and attractive, in fact. Wala ata akong makikitang lalaki na mas higit sa kanya.

I know I am being biased because he's my husband pero siya talaga ang para sa akin.

A grip on my waist stopped me from staring at him. Bumaba ang tingin ko at nakitang inaabot niya ang baywang ko at tumagilid pa ng higa para mas malapitan ako.

Humiga ako nang maayos at hinayaan siya sa gustong gawin. Dumikit ako sa dibdib niya habang siya'y, pinagkasya ang ulo sa leeg ko.

I felt his deep breaths. I know he's now awake kaya lumapit ako para bumulong.

"Zeij, uwi ako mamaya," bulong ko sa kanya. He hummed and I shivered when I felt his lips on the side of my neck.

"Dito ka lang sa tabi ko," bulong niya. Napalabi ako at hinaplos ang buhok niya.

"I can't..." bulong ko pabalik. "My Mom needs me."

"She's safe," bulong niya sa akin pabalik. "I made sure of that."

I stopped. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang sinilip ang mukha niya at nakitang may maliit na ngiti sa labi niya kahit nakapikit ang mga mata.

"How..."

"Trust me... Please, h'wag mo na ko iwan," he whispered and moved closer. Isiniksik niyang muli ang ulo niya sa leeg ko at napapikit ako at kalauna'y nakatulog din.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

I woke up and saw the rays of the sun sneaking from the white curtains. Sumulyap ako sa tabi ko at nakitang tulog na tulog pa rin si Zeijan.

Nakayakap pa rin siya sa baywang ko kaya umangat ang labi ko para sa isang ngiti.

Sa pagsulyap ko sa orasan ay nakita kong alas-syete na nang umaga at doon na ako nagdesisyong umalis mula sa tabi niya.

I quietly and slowly removed his arm on my stomach at matapos ay marahang umalis ng kama. I saw him moved a bit pero muling ngumuso at dumapa sa kama. Lumapit ako para ayusin ang kumot sa hubad niyang dibdib bago inabot ang telepono para tawagan si Trece.

"Oh, my god, Vipe! Where the hell are you?!" sa lakas ng boses niya ay nahalata ko ang pag-aalala.

"I'm safe," mahinang sagot ko at tumungo sa teresa.

"Nasaan ka?! We've been looking for you everywhere! Namatay nga 'yong Congressman yet you're not here? We're worried!" Natigilan ako kaagad.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon