Chapter 5! ♥

6.8K 138 12
                                    

dedicated sayo! ♥
Hi readers! kamusta kayo? :"))

----------------

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang maliit na sight seeing sa isang burol.May isang bench ito at napapalibutan ng magagandang iba’t ibang bulaklak.

Lumabas si Brimmie dahil hindi niya na kaya ang atmosphere nilang dalawa ni Prince. She should be in school right now! Pero what? Kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng puso niya! Naguguluhan siya kung bakit bigla bigla nalang siyang hinablot ni Prince at niyaya sumama sakanya at pinipilit pa siya nito na pumasok sa loob ng kotse niya. Tinapon pa nito ang cellphone niya dahil ayaw nito na may kausap siyang iba pag kasama ko siya! First time ko kaya to na kasama siya!

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa isang bench doon. Umupo siya at tinitingnan ang malawak na kapaligiran. Kita kita rin dito ang buong City.Ilang sandali ay nakaramdam siya ng relaxation.

Bumaba na rin si Prince sa kotse at sinundan si brimmie. Nakita niya itong may malalim na iniisip na para bang naguguluhan sa sarili at ilang sandali pumikit ito na parang nagrerelax.

Tiningnan niya ito ng maigi.Ngayon niya lang napansin na maganda ito, ang mga mapupulang labi na maihahantulad sa mga pulang rosas. Ang matangos nitong ilong. Ang Kulot nitong buhok na kumikinang pag natatamaan sa sikat ng araw.

Bigla siyang napailing! Mali ang iniisip niya! Make up your mind  Prince Villegas! Hindi mo dapat iniintindi ang babaeng yan!

“About the wedding..” bigla niyang open up sa topic. Dinilat naman ni Brimmie ang kanyang mga mata.

“Wedding?! Yan lang ba ang dahilan kung bakit mo ako kinaladkad paalis sa bahay ko ha Prince?!” Naiinis na sabi ni Brimmie.”If you don’t like their idea then that’s it! It’s so easy to cancel it Prince! Omyghad! Alam kong ayaw na ayaw mo dahil Hindi mo type ang isang babaeng tulad ko na parang baliw na sunod ng sunod sayo! Pwede mo naman akong ipagtaboy eh pero hindi ko kaya pag hindi kita nakikita! Kaya para akong tangang sunod ng sunod sa isang walang modong katulad mo! Hindi ko alam kung bat sayo pa! Hindi ko alam! GRRRRRR! Nakakahighblood pala noh? Kaya siguro ayaw na ayaw mo mapasok sa isang commitment! Ang bilis bilis ng mga pangyayari! Hindi ko alam bat ako nag eemote sa harapan mo! Naiinis ako sa sarili ko! Damn it!Dapat sa mga next chapter pa ito eh!” inis na inis na sabi ni Brimmie sa sarili.Tumayo si brimmie at lumakad papalayo kay Prince. She can’t take it anymore! Bumigay na ang mga luha niya!

“W-ait…” pinigilan siya ni Prince..

“What now?!” inis na hinarap ni Brimmie si Prince.

Tiningnan ni Prince ang babaeng nasa harap niya. Umiiyak ito dahil sakanya. Pinunasan niya ang mga luha nito na dumadaloy sa malambot nitong pisngi.

“A-NONG GINAGAWA MO?!”


Hindi sinagot ni Prince ang tanong ni Brimmie sakanya.. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya dito. Naalarma naman si Brimmie kaya wala siyang nagawa kundi mapapikit na rin at hintayin ang mga sandaling iyon kaso biglang tinampal ni Prince ang noo niya.. Naisip ni Prince na hindi tama ito!

“BAT KA PUMIPIKIT?!” Alam niya sa mga sandaling iyon namumula na ang kanyang mukha sa kahihiyan!

“NAGP-PRAY OVER!” Galit na iniwasan ni Brimmie si Prince.“Bumalik na nga tayo.! Hindi na ako papasok! Kasalan mo to! Absent tuloy ako! Nakakagigil ka! Ihatid mo na ako sa bahay!”

Pumasok na rin sa loob ng kotse si Prince at nagmaneho na ito pabalik sa bahay nila Brimmie. Dalawang oras pa ang biyahe nila pabalik sa Mansion ng mga Buenavista.Tiningnan niya si Brimmie na Mahimbing na nakatulog. Tiningnan niya ang oras sa wristwatch niya. Lunch time na rin pala! Medyo nagugutom na rin siya.

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon