Chapter 6 ♥

7.3K 149 7
                                    

 Hi dedicated sayo! :"))
Mga mahal kong readers, updated na po!  ang kulit talaga ng lahi niyo kaya mahal na mahal ko kayo! nag mana kayo sakin! HAHAHAHHAHAHA ♥

---------

Prince was stun by Brimmie’s words. Pumasok na ito sa loob ng mansion at nanatiling nakatayo parin siya sa malaking gate ng mga buenavista. Inaamin niya sa sarili niya na mali ang ginawa niya, Ginamit niya ng ilang minuto ang damdamin ni Brimmie which is wrong and she’s clueless.Hindi niya na alam kung ano pinag gagawa niya dahil siguro nadala siya sa init ng ulo niya.He don’t have a choice at sinabi niyang Girlfriend niya si Brimmie sa harapan ni Francine. Ang pinagtataka niya lang at bakit sa lahat lahat ng babae si Brimmie pa? Natawa nalang si Prince sa naisip. Siguro mabuti nalang na magalit sa kanya ang makulit na Brimmie na yon para tantanan narin siya nito.

Nagpasya na rin si Prince umuwi. Nang makarating sa kanilang bahay, Nadatnan niya ang kanyang Ama na nagbabasa ng libro sa sofa at nagkakape ito. Si Druke naman ang kanyang kapatid ay abala  sa paglalaro ng PSP. Napansin naman siya ni Mr.Villegas kaya napatigil ito sa pag-iinom ng Kape at isinantabi ito sa center table.

“Ang aga mo yata nakauwi sa trabaho.” Sabi ni Prince at saka napaupo sa isang couch katabi ni Druke.

“Ang aga mo rin yata nakauwi. Tumawag ang school mo at hindi ka raw nakapasok pati na rin si Brimmie. Saan kayo pumunta?” Tanong ni Mr. Villegas sa anak.

Napatigil naman ang kanyang kapatid sa paglalaro at tiningnan siya nito.

“Sino si Brimmie kuya?” tanong ni Druke sa kuya Prince nito.

“Isang makulit na babae sunod ng sunod sa kuya mo.”

“Ipapalapa ko na ba siya kay Crunus?! “ Si Crunus ang taga bantay sa bahay nila. Pinapakawalan ito para magsilbing guardiya sa bahay. Well Trained si Crunus. Mabagsik ang aso na ito at malaki. Madalas ang tambayan nito sa harap ng gate nila.

“Why not Druke?” natatawang sabi niya Druke.

Druke flashed an evil smile.

“Umayos kayong dalawa.” Banta ni Mr. Villegas sa dalawang anak. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa mga anak niya. Minsan sumasakit ang ulo niya sa dalawang anak dahil sa pinag gagawa nito.Kung buhay pa sana ang kanyang asawang si Belinda, Isang larawan na masayang pamilya siguro sila ngayon.

“Be close to Brimmie Prince.. Wag na wag mong siyang sasaktan at wag mo siyang hayaang mapahamak.”

“Who cares? I don’t like her.”  Inis na sabi nito at tumayo.

“Pag kinakausap kita wag mo akong tatalikuran Prince! Prince!” tawag ng kanyang ama pero sadyang matigas ang ulo ni Prince at nagpatuloy parin ito sa paglalakad patungo sa kwarto nito sa itaas.

Nasa kwarto na si Prince ng hinubad ang sapatos at ibinagsak ang pagod na katawan sa malambot nitong kama.Umayos siya sa pagkakahiga.

“I don’t know  what’s wrong with my Life. Damn! Simula dumating ang bubwit na iyon at inamin sakin na gustong gusto niya ako naiirita na ako. Nakakapag init ng ulo! Hindi niya ba alam yon?!” inis na sabi ni Prince at tinapon ang unan na kinuha niya sa tabi niya.”Nakakabilib lang dahil ang tapang tapang ng kulot na iyon magtapat sa harap ko.”

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon