Chapter 8! ♥

6.7K 146 5
                                    

Panibagong araw para sa isang mag-aaral. Maagang pumasok si Brimmie sa araw na iyon. Busy na Busy ang araw na iyon dahil madaming pinapakopya ang mga teachers nila, After naman maglesson, Quiz agad. After ng Quiz magbibigay ng Homeworks. Hindi alam ni Brimmie kung sasabog na ba ang utak niya. Tiningnan niya ang mga kaibigan niya na parang sabog na sabog na sa sobrang pagod. Natatawa tuloy siya.

Nang mag dismiss ang klase. Tumayo na siya at kinuha ang box sa loob ng bag niya. Binake niya ng Cookies si Prince. Marunong naman siya mag bake dahil tinuruan siya ng Lola anette niya.

Napatingin naman si Carla sakanya at lumapit sakanya.

“Ano iyan Brimmie? Para kanino yan?” tanong nito.

“Ah eto? Cookies. Binake ko. Ibibigay ko kay Prince.”

“Hindi ka sasabay samin sa Canteen?”

“Hindi na. Pakisabi nalang pupuntahan ko si Prince.”

“Sige, ikaw bahala. Baka tanggihan ka nun! Magsabi ka lang dahil babatukan ko ang lalaking iyon.”

Lumabas si Brimmie sa Classroom at pupuntahan niya si Prince.Nakita niya naman ang isang kaibigan ni Prince at nilapitan ito.

“Hi.” Bati niya dito.Si Xavier ata ito.

Tiningnan siya nito at tinanggal ang earphones para marinig siya nito.

“Oh, Hi Brimmie.” Nakangiti nitong sabi.

“Andiyan ba si Prince?” Umiling ito at tiningnan ang bitbit nitong box.

“Ano iyan? Ibibigay mo sakanya?”

“Yes. Gawa ko. Baked cookies! “

“Patikim naman.” Akmang kukunin na sana ang box nito pero pinigilan niya.

“Hep! Wag na! Malasin pa ako ngayong araw eh! Sige, Salamat!” Paalam niya dito.

Saan naman niya hahanapin si Prince kung ganun na wala siya dito?

Naglakad lakad si Brimmie hanggang sa napadpad siya sa Mini Garden ng School nila. May mga upuan at Mini terrace sa Loob ng Garden.  Napaka cute ng Garden na ito. Maraming iba’t ibang uri ng halaman at mga bulaklak. Ang iba pa nga napaka rare kung tingnan ang mga ito.

Pumasok siya sa loob ng Mini Garden na may narinig siya nag-uusap. Nagtago muna siya sa isang malaking halaman.Sinilip niya ito at nakita si Prince at isang babae. Namumukhaan niya ito dahil si Francine bellitas ito.

Anong ginagawa ng babaeng to dito? Paano siya nakapasok sa Vinford gayong taga labas siya?

“Inistorbo mo ang klase namin.Nag abala ka pang pumunta dito.Alam mo naman na ayaw kitang makita diba? Bat ang tigas ng ulo mo Francine?!”hinarap niya si Francine at nilagay niya ang dalawang kamay  nito sa bulsa.

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon