Chapter 13! ♥

7.2K 141 7
                                    

After the incident happened earlier, Nagyaya si Prince na mag Lunch sila together with Brimmie.Papakainin niya muna si Brimmie,Sinabi nito sakanya na naiwan ang wallet nito sa school dahil nasa loob ng bag niya iyon.kaya si Prince nalang ang sasalo sa ngayon.Nahalata naman ni brimmie na kanina pa patingin tingin sa relo si Prince.Hindi niya naman alam kung may pupuntahan  ito.Marahil siguro Oo may lakad si Prince.Siguro nakaka abala na siya.

“Uh, P-rince.” Tawag niya rito. Tiningnan naman siya ni Prince at umayos ito saka kinuha nito ang juice at ininom.

“Bakit?”

Nilahad naman ni Brimmie ang kamay niya sa harap ni Prince dahil hihingi siya rito ng pera.

“Give me some money.Pang taxi ko.Promise, babayaran kita bukas.”

“Bakit?!” tanong nanaman ulit ni Prince.

“Alam ko na may pupuntahan ka pa.kanina ko pa kasi napapansin tingin ka ng tingin sa relo mo. Para hindi ako makaistorbo sa lakad mo, Bigyan mo nalang ako ng pera pang taxi pauwi.”

“wala akong lakad ngayon.” Pagdedeny ni Prince.”Ihahatid kita pauwi. Kasama mo ako ngayon kaya obligasyon kong ihatid ka sa bahay niyo.Uuwi tayo na kasama mo ako.Ayoko sa iba ka pa mapunta.”

“Ha? Ano yun? Paki ulit nga ng huli mong sinabi? Hindi ko masyado naintindihan.Nabibingi na ata ako.”

“Ha? WALA AKONG SINABI KAYA WAG KANA MAKULIT!”

“hindi eh! May narinig ako! Sabi mo ayaw mo ako sa iba mapunta?! Yun ang narinig ko eh!”

Tumayo na si Prince at kumuha ng pera sa wallet niya at inilapag iyon sa mesa nila.

“Tara! Ihahatid na kita!Tumayo kana diyan!” saka naglakad na si Prince palabas ng restaurant.

Parang narinig ko talaga iyon na parang naging asdfghkl yung pagkasabi niya sa huli naging alien words na hindi ko masyado naintindihan ng mabuti pero parang yun talaga. *sa isip ni Brimmie* kung ganun, bakit kaya ayaw ni Prince sa iba ako mapunta? Importante na ba ako sa buhay niya?

“Parang bumibilis ang tibok ng puso ko..”kapa ni Brimmie sa dibdib niya.” Hoy prince! Sandali!” sigaw niya at tumayo na rin siya.Sinundan niya si Prince, Nakalayo na ito sakanya kaya tinakbo niya nalang ang direksyon nito.

“Hoy! Sandali lang naman!” habol niya rito at pagsisigaw niya. Pinagtitinginan na tuloy siya ng mga tao na nakakasalubong niya.

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon