Chapter 11.2! ♥

6.2K 146 5
                                    

Hindi alam ni Brimmie kung ano ang mararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kung masaya ba siya o Hindi.. Hindi niya naman alam kung sino ang babaeng tinutukoy ni Prince. “Sana ako ang babaeng yun” sabi ng malanditerang utak niya..

“Ah, Ganun ba, Goodluck nalang.Sana magustuhan ka niya.” Pilit siyang ngumiti kay Prince.

“Gusto niya rin ako.”

Grrr! Sino ba ang babaeng yun?May other woman pa pala bukod sakin? Gagang Francine na iyon, Nagsimula na ba siyang magparamdam kay Prince? Kung hindi si Francine, Wala naman ibang babae komokontra eh!

“Hindi mo ba gets?!” iritadong tanong ni Prince sakanya.

“Na alin?” inosenteng tanong ni Brimmie.

“Hindi ko alam na mahina rin pala ang proseso ng utak mo!” inis na sabi ni Prince.

Teka,, bat nagagalit ang isang to? Anong problema nito? -_______-

Napakamot nalang si Prince sa sobrang inis.Ni Hindi lang naman nagets ni Brimmie ang ibig niyang sabihin. Paano nga nito ma gegets ang pinahihiwatig niya na kung ang ginagawa niya kay Brimmie ay hindi naman makatarungan. Lagi niyang pinapakitaan na ayaw niya rito at worst sinabi nga niya dito noon na Wala siyang gusto rito at kailan man hindi niya magugustuhan ang isang Brimmie Buenavista.He didn’t remember calling her name ever since they’ve met and Ever since they talked.At least, Alam na niyang unti unti na siyang nahuhulog sa babaeng ito.Siguro dahil sa presence nito na lagi siyang kinukulit at pag wala naman si Brimmie sa paningin niya kapag hindi niya ito nakikita pakiramdam niya ay parating may kulang.

Unti unti niya rito ipadama na kinain niya ang lahat ng sinabi niya kay Brimmie at  Gusto niya pala ito.Nagkamali siya.Hindi niya nga hawak ang panahon.Sa isip niya, Ano nga ba ang meron talaga kay Brimmie at bakit bigla niya itong nagustuhan?Ayaw na ayaw niya kay Brimmie pero isang araw nagising nalang siya na gusto niya na ito..Hindi niya talaga alam kung paano siya pinana ni kupido.

Biglang dumilim ang kalangitan.

“Uulan ba?” tanong ni Brimmie na tinitingnan ang mga ulap. Tumingin rin naman si Prince.

“Paniguradong Oo, iligpit na natin ang mga gamit natin.”suhestiyon ni Prince.Niligpit nga nila ang mga gamit. Ganun din ang mga tao sa paligid na nagmamadaling nag aayos sa kanilang mga gamit.Ang iba nagsi-alisan na sa lugar na iyon.

Hindi na nila nailigpit ang mga gamit nila dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.Hinubad ni Prince ang leather jacket niya at ipinatong sa ulo ni Brimmie  upang hindi ito mabasa.Hinawakan ni Prince ang kamay ni Brimmie.Malaya nila tinakbo ang malawak na plaza papunta sa kinaroroonan ng kotse.Habang tumatakbo sila ni Prince pakiramdam ni Brimmie lumulutang sila sa mga ulap.Nasa slow motion ang paligid.Magkahawak kamay sila ni Prince at may kung anong salbotaheng kilig na dumaloy sa mga katawan niya.Sumisigaw si Prince sakanya pero para yatang nabibingi siya. Ngumingiti pa siya kay Prince.For the first time in the History, Prince held her hands.It’s just feel so right and warm.

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon