Chapter 14! ♥

6.8K 149 13
                                    

Naiwan na si Prince sa baywalk na wala na sa paningin niya si Francine. He is just alone now.Mag-isa siyang tumitingin sa mga tao sa paligid habang nakasandal sa harap ng kotse niya.Iniisip niya kung Paano niya ipagtatapat kay Brimmie ang nararamdaman niya dahil sa katunayan Pareho na nilang gusto ang isa’t isa.Ang pinagka iba lang Hindi alam ni Brimmie na gusto na siya ni Prince. Hindi niya alam paano siya magsisimula dahil lagi niya itong binabalewala dati.Hindi niya pinapansin ang mga ginagawa ni Brimmie sakanya para makausap lang siya nito.He was being rude to her.Napakasama niya pala kay Brimmie. Kaya pala Hindi na siya magtataka kung bakit ginagantihan rin siya ni brimmie sa pagiging masungit nito dahil in the first place. It is his fault after all.

“Ano ba talaga? Liligawan ko ba talaga ang babaeng yun o Hindi?!” Inis na sinipa ni Prince ang lata sa harapan niya.

“Ano ba ang pinoproblema mo iho?” agad naman lumingon si Prince sa likuran niya.Isang matandang babae na mahaba ang suot na palda na kulay pula at ang ipang taas nito ay kulay puti.simple at medyo luma na ang kanyang damit kung titingnan. May hawak hawak rin itong tungkod at nakasalamin ito.

Hindi naman siya nakakatakot mukha namang mabait.Umayos naman si Prince sa pagkakatayo lalo na ang itsura niyang hindi maipinta.

“W-ala na po akong problema lola.”

“Nasa malayo ako at kanina pa kita tinitingnan.”

Parang kinabahan naman si Prince dahil baka mamaya kukulamin siya nito ng matanda pag di siya umayos sa harap nito.

“Bakit niyo naman po ako tinitingnan?” tanong naman ni Prince.

“Halika, Maupo tayo banda roon. Sumasakit na ang aking mga paa at tuhod.” Inalalayan naman ni Prince ang matanda saka umupo sila sa upuan na nakaharap sa malawak na bay.

Gabi na at maraming mga bituin ang kumikinang sa kalangitan.

“Gabi na lola pero pagala gala pa kayo.Dapat nagpapahinga na kayo mga ganitong oras.”

“Sa Gabi talaga ako umaalis iho.Sa Gabi ako Active.”

“bakit ho? Bampira po ba kayo?”

“iho, Baka gusto mong mabatukan kita riyan? Kahit ugod ugod na ako at matanda kaya pa kita batukan.Tao ako Hindi ako Bampira. Wala na akong ngipin paano ako magiging bampira niyan.”

Napansin naman ni Prince na wala na nga pala talagang ngipin ang matanda. Ibig niya sana matawa sa pinagsasabi niya pero hindi niya nalang iyon pinansin.

“Patingin nga ng kamay mo iho.”

“Manghuhula ba kayo?” tanong naman ni Prince saka kinuha ng matanda ang kamay niya at tiningnan ang palad ni Prince.Hinawakan ng matanda ang palad niya at parang may tinetrace ito.

“Babae pala ang Problema mo..Mahal mo ba iho? Kung mahal mo, Wag kang matakot ipakita mo sakanya na gusto mo siya. Hindi mo alam kung gaano ka ikli at kahaba ang panahon na kasama mo siya. Wag kang matakot magmahal.Nakikita ko sa babaeng yun ngayon sa mga palad mo na Mahal na mahal ka niya talaga.”

Napansin ni Prince na biglang nanlaki ang mata ng matanda at nabitawan nito ang kamay niya na parang natatakot.Kinabahan naman si Prince.

“L-ola, Ano pong nangyayari? Okay lang po ba kayo?”nag alalang tanong ni Prince.s

“Iho, wag mo hayaang mawala sayo ang babaeng yun. Ingatan mo siya iho.Palagi mo siyang babantayan.” Natatakot na sabi ng matanda.

“Bakit po? Anong hong nakita niyo sa palad ko?”

“Pulang puno iho. Nakakatakot ang ganitong senyales. Ang pulang puno ang simbolo na may panganib na dadating iho na sana malampasan niyong dalawa.Hindi ito tungkol sayo pero tungkol  ito sa babaeng mahal mo.”

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon