Chapter 9! ♥

7.5K 138 26
                                    

Yakap yakap ni Brimmie ang unan niya at Hindi siya makatulog.Iniisip niya parin ang pangyayari kanina. Kahit nasa delikadong sitwasyon siya kanina ay hindi parin niya mapigilan ang kilig na nararamdaman.Niyakap lang naman siya ni Prince kanina, Alam niyang mababaw lang ang kaligayahan niya pero Hindi siya makapaniwala na naging Knight in Shining Armor niya ito.Pakiramdam niya tuloy pinoprotektahan siya sa oras na nagiging tanga siya sa paligid.

Naalala tuloy ni Brimmie ang Dad at Mom niya. Paano pag nalaman nito na muntik na siyang magahasa sa tatlong manyakis na yon? Siguradong lagot siya nito, hindi lang lagot baka Hindi na siya makakalabas pa ng Bahay!

Walang magawa si Brimmie kundi gumulong sa kama ng mga sandaling iyon!

Hindi na siya nakatulog hanggang sa umabot ang Umaga.Sumikat na ang araw at nanatiling bukas pa ang kanyang mga mata.

“Naka Drugs ba ako?” tanong ni Brimmie sa sarili.Tumayo siya at sumilip sa bintana.Hindi niya na namalayan na umaga na pala. Tiningnan niya ang Orasan niya sa side table. 6:30 na ng umaga at paniguradong Late na siya makakapunta sa school.Kinamot kamot ni Brimmie ang ulo niya at napailing iling.Naglakad siya at humarap sa salamin.

O_______________O

“Huh?? Ano to? Bat ganito ang itsura ko? Bat may eye bags ako?! Natulog ba ako ng gising?Hang over ba to?!” natatarantang sabi ni brimmie habang pinagmamasdan niya at hinawak ang mukha.

“Ano bang nangyayari sakin huhuhu hindi mo ba ako pinatulog nanaman Prince? Na O-overload na ang utak ko sayo, Alam mo ba yun?! T______T” Kinakausap ni Brimmie ang sarili sa harap ng salamin.Mukha talaga siyang nababaliw na si Sisa.

Tahimik niyang tinungo ang banyo at naligo. Matapos makapag ligo, Nagbihis na siya at pinatuyo ang buhok niya habang sinusuklayan ito.Bumaba na rin siya para mag agahan. Parang Zombie siyang naglakad papunta sa Dining area ng Bahay. Napapatingin tuloy sakanya ang mga Maid.

Nabaliw ba si Senyorita?”Maid 1

Parang wala sa sarili.”Maid 2

Hindi ata nakatulog, Malamang may problema na yan sa utak at puso.” Maid 3

Oy! Wag niyo nga pinagtutulungan alaga ko!Marinig pa kayo niyan, At Hindi magdadalawang isip na ipapalapa kayo kay bogart!”sita ni yaya rose.

Napatigil naman sa pagkain si Kimmie at sinipa niya sa paa si Brice.

“Tingnan mo ang anak mo.Parang Zombie.” Mahinang sabi ni kimmie kay brice.

“Hayaan mo na, Baka Napuyat lang sa pag-aaral si brimmie.” Sabi naman ni Brice at pinagpatuloy ang pagkain.

Sinipa naman ulit ni kimmie si Brice.Napaupo naman si Brimmie at tahimik lang kumain.

“Tanungin mo na ang anak mo baka may problema.”walang magawa si brice kundi tanungin ang anak na si Brimmie.

BOOK 3: My Sweet Devil Princess(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon