ELNP 4

3.6K 48 0
                                    

Nasrra's Pov

Lumipas yung ilang araw mabuti naman at hindi nagpapakita si Paul John sa akin. Dahil hindi ko talaga alam kung paano ko sya pakitutunguan.

Yumakap ako sa braso ni Sunlie na nasa gilid ko. Sabado ngayon kaya nandito kami sa theatre room nila nanunuod ng movie kasama sila Starlet.

Tinignan nya naman ako saka ngumiti.

"May gusto ka kainin?" he asked.

"Hmmp! Gusto ko ng burger." kinurot nya ng pabiro yung ilong ko bago kuhanin yung cellphone nya.

"Sige order tayo." sabi nya habang nagda-dial sa cellphone nya.

Inagaw ko naman sa kanya iyon. Pagkatapos ay umiling ako sa kanya.

"Ayaw ko ng order gusto ko luto mo." lambing ko sa kanya.

Kinurot nya muna ako sa pisngi bago tumayo. Hinatak nya ako patayo rin.

"Oh saan kayo pupunta?" tanong ni Reese.

"Magluluto ako ng meryenda natin."

"Ayos yan! Damihin mo ah?" nakangising sabi ni Reese sa kanya.

"Opo Boss." nakasimangot na sabi ni Sunlie.

"Gumawa ka rin ng mango shake okay? Ikaw Larlen ano gusto mo?" sabi naman ni Starlet.

"Mango shake nalang din haha."

Natatawa akong tumingin sa kanila pinagkakaisahan na naman nila si Sunlie.

"Opo mga boss." Hinawakan naman ni Sunlie yung kamay ko sabay hila sa akin papalabas ng theatre room.

"Ang cute mo talagang mainis." sabi ko sa kanya sabay talon at kapit ng bisig at binti ko sa katawan nya.

Tumingala naman ako sa kanya at tinignan ko sya kung maanis ba sya. Pero makita ko ngumiwi lang sya saglit pero ngumiti din. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Hay Kumapit ka mabuti baba tayo ng hagdan." sabi nya sa akin bago inayos yung kapit sa bewang ko.

"Ready ?" tanong ko naman sa kanya.

"Aye Love!" sabi nya sabay ngisi.

Nakaka-inlove talaga itong lalaki na ito. In his simple moves nai-inlove ako lalo. Hiling ko na sana pang habang buhay na kami at  ayaw kong may aagaw sa kanya sa akin.

NANDITO kami ngayon sa gargen nila. Kinakain naman yung parte namin sa nilutong meryenda ni Sunlie ang of course masarap talaga ang luto nya.

Ipinatong ko yung mga paa ko sa binti nya. Magkatapat kasi  kami dito sa upuan at gusto ko lagi na dinadantay yung mga hita ko sa kanya.

Hindi rin naman nagtagal inilagay na nya yung kamay sa hita ko at masahe dito papunta sa binti ko. Isa din ito sa gusto ko kay Sunlie. Magaling syang magmasahe at hindi lamang sa simpleng masahe, dahil magaling din sa ibang masahe.

"Saan mo gustong pumunta bukas?" tanong sa akin habang dinidiinan yung masahe nya sa binti ko.

"Hmm! Wala naman talaga akong gustong gawin bukas, pero naisip kong pumunta sa mall." tinitigan naman nya ako gamit ang malamlam nyang mga mata.

"Are you going to buy your dress for the acquintance party?" ngumisi naman ako sa kanya.

"Yes! And I want you to be there kapag namimili na ako ng isusuot ko. Gusto ko magkakulay yung suot natin." ngumiti naman sya sa akin ng matamis sabay hatak sa braso ko para mayakap nya.

"Aww." napa-aray naman ako ng mabend yung katawan ko, tumawa lang sya saglit bago ako hinalikan ng matamis. Mabuti nalang at magaling ako sa streching.

NAGLALAKAD kami ngayon dito sa mall. Nakayakap ako sa mga braso nya, alam kong naasiwa sya ng konti dahil nakadiin yung dibdib ko sa kanya pero binalewala ko lang iyon. Sus for sure nagugustuhan naman nya yon!

"After natin kumain hanap na tayo ng isusuot natin?" tumingin sya sa akin.

"Yes" sabi ko sabay pout at turo sa labi ko. Umiling iling naman sya sa akin pero hindi din nagtagal ay yumukona sya para halikan ako sa labi ko.

"Tamis." sabi nya sabay ngisi sa akin. Namula naman ako dahil sa sinabi nya. Kainis ang hilig talagang magpakilig nitong lalaki na ito.

Kumain lang kami ng saglit sa isang fastfood chain dahil doon ko napiling kumain kahit gusto nya sa restaurant kami kumain. Hinatak ko sya papasok sa isang sikat na store.

"I want us to wear color blue in our acquintance party." sabi ko habang tumitingin tingin ng mga dress.

Nilingon ko naman sya ng maupo sya doon sa upuan sa gitna nitong store. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Ako na ang pipili ng damit mo?" ngumiti naman sya sa akin.

"Sige. Maglalaro lang ako dito." sabi nya sabay taas nung cellphone nya.

Alam nya kaseng matagal akong pumili ng damit. Kaya humanap na sya ng puwesto para sa paghahantay sa akin.

Tumingin tingin muna ako ng para sa akin saglit, pero hinanap ko narin sya ng damit na bagay para sa kanya. Nakarating ako dito sa gawing dulo kung saan mas maraming magandang damit.

"Yosh!" kumaway ako sa kanya ng may makita na akong magandang damit para sa kanya.

"Try mo to." sabi ko sabay taas at lagay sa harap nya.

"Okay." humalik muna sya sa noo ko bago pumasok sa fitting room sa kanang bahagi nitong store dito din sa likuran.

Lumakad naman ako ng konti para tumingin tingin pa ng damit para sa kanya at sa akin ng may biglang nagsalita sa harapan ko.

"Picking up a polo?" hindi ko agad nakita yung nagsalita dahil mas mataas sa akin itong stand ng damit.

Kumabila pa ako para makita iyong nagsalita. At nagulat ako sa nakita ko.

Akala ko hindi ko na ulit sya makikita, pero bakit ngayon pang nandyan si Sunlie.

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon