ELNP 21

2K 41 0
                                    

Nasrra's Pov

Buong game kaba lang ang naramdaman ko. Habang pinapanuod ko ang magkalaban na dalawa hindi ko maiwasan isipin na wag naman sana silang mag-away dahil madalas kong napapansin ang pagtingin ni Sunlie ng masama kay George na isusuklian din ni George mainit na din ang ulo nila dahil lamang sila Sunlie.

Napatayo ako ng magsigawan silang lahat ng makapaghome run si Sunlie bago matapos ang oras. Hindi ko mapigilang makisama sa sigawan nila nakangiti ako habang pinagmamasdan si Sunlie nakita ko syang lumayo sa mga nagdidiwang nyang kasamahan tumingin muna sya sa gawi ko bago tuluyang umalis.

Mabilis akong bumaba sa bleachers kahit nahihirapan ako. Bakit ba kase hindi pa ako nagpalit kanina ng pantalon.

Tumakbo ako para masundan sya medyo madilim na sa nilalakaran namin nakita kong lumiko sya sa kanan kaya lumiko din ako doon ng bigla nya akong hinatak pasandal sa pader. Kinulong nya ako sa magkabila nyang braso at siniil ako ng malalim na halik. Hindi ko namalayang nilagay ko na pala ang magkabila kong kamay sa leeg nya pero mabilis nya din itong inalis.

"Ang galing mo din no? Parang balewala lang lahat ng nangyari sa isla ah?" lumayo sya sa akin sabay sipa sa bote sa gilid nya.

Napayuko ako dahil sa sinabi nya, nagu-guilty ako dahil nakita nyang kasama ko si George pero wala naman kaming ginagawang masama.

"Hinahantay kitang tumawag or magtext." sabi ko habang nakayuko.

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"Kaya sumama ka sa iba?" galit na tanong nya. Umiling iling ako sa kanya.

"NO! Coding ko ngayon kaya isinabay nya ako sa kanya saka wala akong alam na ihahatid at susunduin nya ako."

"At isasama sa game?" tanong nya tumango ako sa kanya.

"That was suppose to be me you know? Ako dapat ang mag-aaya sa iyo maaga akong pumasok para ayusin ang ang mga naiwan kong trabaho sa restaurant. Hindi ako makakatawag o makapagtetext sayo dahil gusto ko agad matapos ang mga gawain ko, tapos makikita ko nakasakay ka sa sasakyan ng iba." inis nyang ginulo ang buhok nya.

Lumapit ako sa kanya hinaplos ko ang braso nya. Hindi ko alam na may balak syang ganon.

"Sorry dapat tumanggi nalang ako sa kanya." niyakap ko sya at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso nya. Hindi nagtagal naramdaman ko na ding ang yakap nya.

"Fuck! Bakit ganito ako kabilis tumiklop sayo!" mas hinigpitan nya yung yakap sa akin at ako din.

"Walang namamagitan sa amin ni George I swear." sabi ko at lumayo muna ako sa kanya sabay taas ng kanang kamay ko.

Nakita kong tumawa sya ng bahagya sabay yakap sa akin ulit ng mahigpit.

"Sorry hindi ko na pigilan yung galit ko, Sorry sa mga nasabi ko sayong masasakit, Sorry sa pagtrato ko sayo ng hindi maganda " bumuntong hininga ulit sya "Natatakot lang kase ako na matulad sa dati." tumingala ako dahil sa sinabi nya.

"Natatakot ako na hanggang sa palihim nalang pala ako at nakakasakal pala akong magmahal" natigilan ako dahil sa sinabi nya.

Hindi ko mapagkakaila na napakadami kong kasinungalingan na nasabi sa kanya. Nagsinungaling ako sa totoo kong nararamdaman nung mga panahon na iyon.

Ayaw kong makipaghiwalay sa kanya labag sa loob ko ang mga pinagsasabi ko sa kanya para lang lumayo sya.

"Sorry I'm really sorry Sunlie." lumuluha na ako habang naalala ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon. "Alam kong wala tayong matinong closure before at marami akong masasamang salitang nasabi sa iyo."

Tumingin ako sa kanya sabay hawak sa magkabila nyang pisngi.

"Sorry sa lahat ng pagsisinungaling na nasabi ko sa iyo." hinawakan nya ang kamay kong nakalagay sa mukha nya sabay halik dito.

"Handa akong makinig sayo handa akong tanggapin kung ano ang naging dahilan mo basta't ipangako mo sa akin na hindi mo na ako iiwan." nakita ko ang luha nya. Pinunasan ko ang luha nya at ganon din ang ginawa nya sa akin.

"I know deserve mo ang paliwanag noon pa man pero hindi ko naibigay dahil natakot ako."

"Huwag ka ng matakot dahil noon pa man hanggang ngayon alam mong nandito lang ako."

Hindi ko alam na ganito pala katindi ang pagmamahal nya sa akin, at napakatanga ko ng binalewala ko iyon noon.

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon