ELNP 5

3.1K 38 0
                                    

Nasrra's Pov

"What are you doing here?"  kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Tumingin pa ako sa fitting room dahil baka lumabas si Sunlie doon. Humarap ako sa kanya na mukhang constipated.

"Are you okay?" lumapit naman sya sa akin.

Itinaas ko yung kamay ko para ipahiwatig sa kanya na okay lang ako. Sumilip ulit ako sa likod nya dahil baka lumabas na si Sunlie doon at magka-away pa sila nitong si Paul John.

"I'm okay. Naghahanap lang ako ng isususot ko para sa acquintance party." tumingin sya sa akin bago tumango.

"Okay. Sorry pero di na rin ako magtatagal at samahan ka may pinabili lang si Mommy sa akin and I just saw from a far kaya tinignan ko kung ikaw nga." ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Ikamusta mo nalang ako kay Tita ha?"

"Sige." sabi nya bago tinapik ang braso ko at umalis.

Laking pasalamat ko ng hindi na nya ako hinalikan. Hindi ko na alam gagawin ko kapag ginawa nya iyon,mabuti nalang at mukhang madaling madali na syang umuwi.

Ano daw samahan nya ako? May balak pa pala syang sumama sa akin kung hindi lang sya nagmamadali. Sorry but No thanks Paul John.

Tumalikod na ako at bumalik na ulit sa pagtingin ng damit ng may biglang kumalabit sa akin. Lumingon naman ako sa likod ko pero mga damit lang na nakasabit ang nakita ko.

Don't tell me nandito pa si Paul John?

Hindi ko pinansin yung kumalabit sa akin pero muntik na akong mapatili ng may biglang humitak sa akin kaya napaupo ako papasok sa loob ng mga nakasabit na damit. Pinilit ko na tumingin sa humatak sa akin ng biglang pumalupot yung kamay nya sa bewang ko.

"Shh" bigla akong nakaramdam ng ginhawa ng malaman kong si Sunlie pala ang humatak sa akin.

"Bakit mo ako hinatak dito?" bulong ko sa kanya.

Haharap sana ako sa kanya ng magtama yung ilong namin. Gosh ganito pala kami kalapit sa isa't isa baka mamaya magtama agad mga labi namin.

Inilagay naman nya yung kamay sa ulo ko at pinihit paharap para makita kung sino ang nandon. Nagulat ako ng makita si Mommy harap nitong store. Mabuti nalang hinatak nya ako papunta dito dahil nasa labas sila Mommy kasama si Tita Elaine mommy ni Paul John.

Akala ko ba nasa bahay yung Mommy nya? Hinantay naming makalagpas si Mommy sa store ng akma na akong aalis ng bigla nyang kinabig yung ulo ko paharap sa kanya kaya bigla kaming nagkiss.

Nanlaki ang mata ko dahil akala ko saglit lang iyon pero pinatagal nya pa ang halikan namin. Itinulak ko naman sya sa dibdib nya. Hindi dahil sa ayaw ko sa halik nya kung hindi dahil baka napapatagal na kaming nagtago at maghinala pa yung mga sales lady at bigla kaming nawala.

Nauna akong umalis sa kanya at sumunod naman sya sa akin. Mabuti nalang at wala atang nakapansin sa pagtatago natin.

"Sir, nandyan lang po pala kayo. Eto na po yung other size na sinukat nyo." namumulang bumalik ulit ako sa pagtingin ng damit habang sya ay kinuha yung damit na inabot ng sales lady.

Naramdaman ko na hindi sya natinag sa pagkakatayo at maya maya lang naramdaman kong lumapit sya sa akin sabay lapit ng bibig nya sa tenga ko. Naramdaman ko na tumaas yung balahibo ko sa batok. Lagi namang ganito nararamdaman ko kapag lumalapit sya. Parang mas naunang maexcite yung balahibo ko sa batok kesa sa akin.

"I can't take it anymore. Ipakikila mo na ako sa kanila." he whispered.

WALA sa sarili akong naglalakad papasok ng bahay. Naalala ko kasi yung sinabi ni Sunlie kanina. After namin kasing mamili ng damit at saglit lang kaming kumain ay nag-aya na syang umuwi. It is unusual, dahil madalas kapag nasa mall kami kung saan saan pa kami nagpupunta like what couple normally do.

Alam kong may pagpagtatampo sa kanya dahil kada makikita nalang namin sila Mommy or mga kakilala namin lagi kaming nagtatago. And that's not what couple normally do.

Gusto ko ng sabihin kila Mommy yung namamagitan sa amin ni Sunlie, pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako, napabuntong hininga ako bago nag-isip ng tamang gagawin.

Mabuti  pang aamin na ako kila Mommy I hope hindi sila magagalit. Dahil ayaw ko ng makitang nasasaktan si Sunlie everytime sa pagtatago naming dalawa. Gusto ko narin maging free sa mga itinatago ko.

Pagkabukas ko ng pinto hinanap ko na agad sila Mommy dahil malamang nasa bahay na sya, galing sa mall ilang oras narin ang nakalipas ng huli namin syang nakita.

Wala sila dito sa sala pero natanaw ko sila sa  kitchen. Mukhang may bisita na kasama nila. Pagpasok ko sa pinto sabay sabay silang tumingin sa akin at ngumiti.

"Iha nandito na ka na pala." sabi ni Mommy sabay halik sa pisngi ko. Ganon din ang ginawa ko kay Daddy.

"Oh god ang ganda at ang laki laki mo na Nasrra." napangiti ako dahil sa sinabi nya ngunit naglaho din ng makitang kasama niya si Paul John.

"Mom she's always beautiful." sabi nito sabay ngisi sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kung kailan na ako handa magtapat sa kanila saka pa walang pag-asa na masabi ko ito. Gusto kong masabi na iyon ngayong araw dahil bukas siguradong mangnginig na naman ako sa takot ,as if naman na hindi ako natatakot ngayon.

Lumapit ako kay Mommy para sabihin sa kanya na may ipagtatapat ako sa kanya. Sa kanya ko unang sasabihin dahil baka kapag kay Daddy ay bigla nalang syang magalit.

Ngumiti si Mommy ng makalapit ako.

"Mom mamaya po pal-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may inabot sya sa akin na card.

"May roong advance birthday party ang Tita Elaine mo sa Friday."

"I hope you will come iha."nakangiting sabi nito.

Inisip ko naman kung anong araw iyon ng biglang maala na.

"But Mom acquaintance party namin non." ngumuwi naman ng konti si Mommy sa akin.

"Pwede ka naman siguro na hindi pumunta sa party nyo?" tanong ni Daddy.

"But Dad."

"Mas magandang huwag na nga po syang  magpumunta sa  acquaintance party nila, because for sure marami lang magsasayaw sayo doon." singit ni Paul John sabay lapit sa akin at hawak sa likod ko.

Hindi ko na alam gagawin ko. Galit pa sa akin si Sunlie at sumasabay pa si Paul John. Gosh!


A/N: Sorry sa matagal na walang update. Super busy lang talaga. But I tried to update pero nasakto pa na under maintenance ang wattpad kaya laging error. Hays!

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon