ELNP 20

2.2K 50 0
                                    

Nasrra's Pov

"Nitong mga nakaraang araw puros kaharasan ang nararanasan sa ating bansa, pero sa kabila nito meron parin tayong Good news mula sa ulat ni Kara Merez sa Pasay City."

"Salamat Nasrra"

Ganito ang trabaho ko, minsan ako ang pumapalit kapag hindi makakapasok ang pinapalitan kong news anchor. Minsan nagfi-field reporter din ako.

Natapos ang programa mabuti naman at hindi ako na space out at naideliver kong maayos pagbabalita. Pangarap ko kasi ito kaya pinagsisikapan ko na mapromote into a regular news anchor nitong tv station.

"Oh Nasrra uuwi ka na?" tanong sa akin ng isa sa researcher namin.

"Oo e pagod pa kase ako kauuwi ko lang galing sa maikling bakasyon."

"Naku mabuti ka pa nakakapagbakasyon kahit saglit !" nagpout sya.

"Don't worry malapit na holidays makakapag leave ka din." ngumiti ako sa kanya at nagpaalam.

Paglabas ko ng station saka ko lang naalala na wala pala yung sasakyan ko ngayon. Hinatid lang ako kanina ni George papunta dito. Nakakahiya naman na pumunta ako sa pinagpapraktisan nya ng baseball para magpahatid.

Tinignan ko yung cellphone ko at naisip ko si Sunlie hanggang ngayon hindi padin sya natetext. Nag-alala  tuloy ako, baka kung napaano na sya pero iyon nga ba ang dahilan ko pagdating namin sa syudad balik din sa dati ang lahat.

Kinuha ko na yung bag at ilang gamit ko bago bumaba papuntang lobby. Sumakay ako sa elevator at pagbukas nito.

"Kanina pa kita hinihintay." napalingon ako sa nagsalita sa gilid ng elevator.

Nakita kong nakangisi sa akin si George at may dala syang cake. Nakabihis sya ng panglaro nya mukhang may laro sya ngayon.

"Oh my sorry hindi ko alam na maghihintay ka." inabot nya sa akin yung cake.

"No..no it was my fault really hindi naman din kase ako nagsabi sayo."  ngumiti ako sa kanya dahil sa mukhang nyang nahihiya.

"Its okay!" kinuha nya ulit yung cake sa akin kasama yung bag na pinaglalagyan ko ng report ko. "Uy wag na!"

"No ako na dapat sa mga babae hindi nagdadala ng mabibigat."

"Hindi naman mabigat yan."

"Still ako pa din ang magbubuhat." tumawa sya ng bahagya bago tumingin sa akin ng malamlam.

Hindi naman ako manhid pero nararamdaman ko na may something sa pagtrato nya sa akin, may something sa mga tingin at kilos nya.

Gusto ko man syang pigilan sa maaring abutin nito pero hindi ko magawa dahil wala din naman syang sinasabi sa akin.

Pagdating namin sa sasakyan nya pinagbuksan muna nya ako ng pintuan bago inilagay sa likod yung cake at bag ko. Akala ko magiging tahimik lang kami pero mabuti nalang at nagsimula sya.

"You're so good at new casting the way you deliver the line it was hmm fantastic!" sabi nya habang pinapandar ang sasakyan.

"Hindi naman masyado" namula ako sa papuri nya.

"And you're so cute too when you blush." napatakip ako sa mukha dahil sa asar nya.

"Hmm Nasrra?" nahihiyang tumingin ako sa kanya.

"Yes? huwag mo na akong aasarin." sabi ko pero tinawanan nya lang ako.

"Can I take you with me in our game?" napatingin ako sa kanya at sa relo ko. Maaga pa pala.

Hindi naman siguro masamang madivert kahit paano ang oras ko kesa sa matagal na maghahantay sa text ni Sunlie.

Tumango ako sa kanya kaya tuwang tuwa naman sya.

"YES! YES!"

Hindi naman sigurong masama na sumama sa game nila. It was not a date nandon lang naman ako para panoorin game nya and I'm just a friend to support him.

PAGDATING namin sa baseball field medyo marami ng tao sa bleachers. May nakita akong kakulay at katulad ng jersey nya kaya doon nya ako inaya.

"Uyy! Sino yan?"

"Girlfriend mo?"

"Ang ganda ah? Galing talagang pumili tol"

Puros pangaasar pa ang ginawa sa kanya ng mga kasamahan habang pinapaupo  ako sa medyo mataas na part ng bleachers.

"Wag mo silang pansinin mga kulang lang sa pansin yun." sabi nya habang tumatawa.

First time nya kayang nagdala ng babae sa game nya? Parang ang daming kantyaw ang ginagawa sa kanya haha.

"Watch me okay? If I set the goal we will go out again." tinignan ko sya na nakaupo sa tabi ko.

Naririnig ko pa ang kantyaw ng iba.

"Bro warm up na!"

"Tama na yan"

"Kiss muna para goodluck charm"

"Para saan?" tanong ko.

"A .....hmm friendly date I guess?" namula sya at lumabas ang dimples nya sa sinabi nya.

Kinabahan naman ako dito nagsisimula iyun baka umasa sya. Should I turn him down? Pero kung titignan alang masama dahil single ako pero naka reserve na ang puso ko.

"Hmm ... ano ... ano kase"

"George! Come on man! Warm up na muna mamaya na yang labing labing magagalit si coach!" sigaw ng isa sa teammate nya.

"Okay after ng game mo sabihin sa akin yung sagot mo." ngiti nya sa akin sabay tayo. "Wala bang goodluck dyan?"

Ngumiti ako sa kanya sabay thumbs up. "Goodluck sa laban!"

Bumababa nya sa pero nakakadalawang hakbang palang sya bumalik na agad sya sabay halik sa pisngi ko.

"Thanks!" Ilang hiyawan pa sa mga kateam nya ang narinig ko.

Nahihiyang napayuko naman ako dahil sa kahihiyan. Nakakahiya naman! Baka magexpect sya sila. Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring ito.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang nakaregister na number.

"Sunlie" bulong ko. Kinakabahan ko itong sinagot pero alang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello?"

"So? kaya pala wala ka sa bahay kanina may kasama ka pala."narinig kong bumuntong hininga sya.

Luminga linga ako dahil feeling ko nandito lang sya sa paligid.

"What? Where are you?"

"Nasa malamit lang aayain pa naman sana kita but nevermind." at pinatay nya ang tawag.

Tumingin ako sa likod pero wala sya don pati sa kaliwang gilid ko. Pero pagtingin ko sa kanang bahagi kahit maraming taong nasa pagitan namin nakita ko ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa akin.

Ang tanga ko! Bakit nakalimutan na naglalaro din sya at maaring nandito din sya!

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon