ELNP 24

2.2K 41 0
                                    

Sunlie's Pov

Meeting the parents went smoothly. After ng personal na pagpapakilala ko kay N.A sa mga magulang ko kahapon ang pagkausap naman sa mga magulang nya ang inasikaso ko ngayon. Hiningi ko na sa kanila ang kamay at approval nila sa amin ni Nasrra.

I check my phone its already 5pm sakto malapit ng matapos ang trabaho ni N.A. Muli akong nagmano sa mga magulang ni N.A.

"Huwag po kayong mag-aalala papasayahin ko po ang anak nyo." sigurado kong sinabi.

Yes! That's true despite sa lahat ng nangyari ang tanging pangarap ko lang ay maging masaya ulit kami ni N.A hand akong tanggapin kung ano man ang nakaraan.

Nakita kong umiyak ang Mommy nya sa gilid.

"I'm so sorry Sunlie hindi namin nagawang ibigay ang gusto ni Nasrra noon. Gusto nyang pumayag kami ikaw ang mahalin nya pero pinipilit namin na si Paul John ang ibigin nya dahil sa utang na loob namin sa pamilya nila." umiling iling sya. "Sana mapatawad mo kami sa paghadlang sa inyo." ngumiti ako sa kanya.

"Tita huwag po kayo sa akin manghingi ng tawad kay N.A po dahil nasaktan man ako mas higit sya." tulad ng pinangako ko kay Nasrra hindi ko sinabi sa pamilya nya ang ginawa ni Pj. Ayaw ko man sa rason nya na kalimutan nalang dahil utang nya ang buhay nya sa pamilya nito.

Tumango sya sa akin  bago umiiyak na pumasok sa loob ng bahay nila. Tumalikod naman ako para pumunta sa sasakyan ko ng hinawakan ni Tito ang kamay braso ko.

"Salamat sa pagunawa mo Sunlie."

"Walang anuman po, mahal ko po talaga si N.A masaya po ako na natanggap nyo na po iyun." nakita kong nangilid ang mga luha nya.

"Naalala ko nung pagbawalan namin si Nasrra kita kong nalungkot sya masyado at sa mga kinikilos nya alam kong nilabag nya ang utos namin." nakita kong umiling iling sya. "Pero alam mo ba na ilihim man nya ramdam ko na ikaw yung minamahal nya? The way you two look at each other akala mong may sarili kayong mundo kahit kababata nyo pa." narinig kong bahagya syang tumawa.

Naalala ko din yung mga sandali na palihim kaming nagsesenyasan ni N.A ng kung ano ano na tanging kami lang ang nagkakaintindihan.

"Tanggap ko na noon pa man kung ano man ang meron sa inyo. Nakikita ko sa mga galaw at pagtingin mo na mahal mo talaga ang anak ko. Ang hiling ko lang sana ay alagaan mong mabuti ang nag-iisa kong anak." tumulo na ng tuluyan ang mga luha nya.

"Pangako po Tito mamahalin ko sya ng buong buo."

Pinaharurot ko ng ang sasakyan ko pagalis sa bahay nila. Tinawagan ko muna kanina ang mga kakailangin ko bago matamis ang ngiting papunta sa station kung saan nagtatrabaho si Nasrra.

Nasrra's Pov

"Ako po si Nasrra Lopez naguulat ng tama at totoong balita mula sa Patrol News"

Narinig ko ang palakpakan nila pagtapos ko bumaba na ako para lumapit sa kanila.

"Good job Nasrra!" ngumiti at nagpasalamat naman ako sa mga bumati sa akin.

Pagkalabas ko sa pinto may tumawag sa akin na staff na pawis na pawis.

"Ms. Nasrra kailangan ka po sa studio 8" pinagmasdan ko itong hingal na hingal.

"Hinay hinay lang. Bakit daw?" tanong ko.

"Hindi po makakarating yung host ng Search for Hottest Chef! Kailangan po ng papalit at ikaw ang pinapapunta ni Chairman." bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"Oh My now na?" natataranta akong sumunod sa kanya para magbihis.

Hindi ko gamay ang paghohost sa isang cooking contest. Pero may magagawa pa ba ako Chairman na ang pumili sa akin para pumalit sa host.

"Ano ba ang nangyari kay Camina?" tanong ko sa staff na nasa gilid ko.

Inaayusan na ako para sa pagho-host ko. Inabot na nila sa akin program sinumulan ko ng aralin ito habang inaayusan ako.

"May emergency daw po e"

"Okay Miss tapos na isuot mo na itong dress."

Kinuha ko ang damit at nagpunta na sa dressing room. Tinignan ko ang susuotin ko parang ang hapit naman masyado nito? Hindi ko nalang pinansin mabuti nalang at sanay akong magsuot ng mga ganito.

"Miss okay ka na?" tumango ako at nagthumbs up sa kanya.

Bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang pinto sa studio 7 nakaayos na ang lahat doon. Lumapit ako stage after paalalahan ng konti ni Derek. Simulan ko ng may kaba ang umpisa ng paghohost.

"Gusto nyo ba bang makatikim ng masarap na chef....Opps Just kidding! Ang masarap na luto ng ating mga kalahok mula Search for Hottest Chef?" narinig ko ang palakpak mula sa audience bago tinawag ang unang contestant.

"Our first contestant ang Chef mula sa Camarines norte ang poging mahiyaan pero masarap magluto.....
Jayson Cruz!"

Lumabas ang lalaki na naka topless at ang tanging suot lang ay apron. Napatawa ako ng medyo gumiling pa sya bago nagpakitang gilas sa pagluluto at pagpapacute sa audience. Sumunod naman ang pang huling contestant na tulad din nya  ay naka apron lang din at mas seductive ang ginagawang pagluluto. Sinasamahan pa ng pagsayaw. Psh! Kapag si Sunlie gumiling at sumayaw ng ganyan gusto ko sa akin lang!

Selosa much?

Nagulat ako ng mas lumakas ang hiyawan ng audience. Nakita ako ang sensyas ni Direk  sa mga staf at ang malaki nyang ngisi sa akin.

Gulat akong tumingin mula sa back stage ng may tutog na simulang pumailanlang at may mga petals ng roses at balloons ang bumagsak.

"OH MY GOD!" napatakip ako sa bibig ko ng lumabas sya gumigiling at sumasayaw.

Sabi ko sa akin lang ah?

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon