ELNP 19

2K 41 2
                                    

Nasrra's Pov

Unfortunately last day na namin dito sa isla. Our short vacation was filled with joy and happiness. Kahit sa loob ng maikling panahon na iyon maraming nangyari sa status naming dalawa. Sabi nga nila kapag masaya ka mas bumibilis ang oras.

Gusto ko man na dito nalang kaming dalawa dahil alam kong pagbalik at pag-alis namin sa isla may mga magbabago, at natatakot ako na isa sa pagbabago na iyon ay mas lalo kaming lumayo sa isa't isa. Ayaw ko na ng turing nya sa akin noon na pagkatapos gamitin balewala na. Dahil sa loob ng ilang araw namin dito sa isla hindi ko naramdaman ulit yung galit nya sa akin, at hindi ko din naramdaman na pagkatapos nangyari sa amin wala syang pahalaga sa akin

Akala ko mabibigyan na ako ng pagkakataon na aminin sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay noon. Pero hindi ko masabi dahil mas gusto na puros kasiyahan lang isipin ngayon at sa susunod na isipin ang problema.

"Ow! Parang naging close kayo ulit dalawa ah?" napataas ako ng tingin ng marinig kong nandito na pala sa isla sila Reese na susundo sa amin.

"Yieee baka nagkabalikan na kayo nyan ah?" sunod naman ni Larlen na malaki ang ngisi sa akin.

Tumingin ako kay Sunlie at nakita ko syang sumimangot. Nalungkot ako sa nakita kong reaksyon nya. Ayaw nya na ba?

"Bakit ba ang bilis nyong bumalik hindi ba sa malayo ang naging honeymoon nyo?" inis na tanong ni Sunlie.

"Uyy gusto nya palang mas matagal sila dito!" tukso ni Larlen. Naramdaman ko na namula ako dahil sa sinabi nya.

Ganon ba yun?

"May inayos pa ako sa trabaho kaya kami hindi pa agad umalis pero okay naman na talagang gusto lang namin na kami ang sumundo sa inyo." rinig kong tumawa ng bahagya si Sunlie bago tinulak ng malakas si Reese.

"Shut up! Reese"sabi nya sabay hila sa akin pasakay sa bangka.

"You shut up brother! Bibili ako mamaya ng preganacy test baka mamaya naunahan nyo pa kami Hahahaha." ang lakas ng tawa ni Reese habang binubuhat si Larlen pasakay sa bangka.

Kinilig na hindi ko malaman ang naramdaman ko sa sinabi ni Reese.  Tinignan ko si  Sunlie na tahimik na nakatingin sa malayo pinagmamasdan ang dagat. May pag-asa ba na may nabuo?

"Oy! Lie saan ka after this?" tanong ni Reese.

"Bibisitahin ko muna yung restaurant ko ang tagal ko ding nawala."

Hindi ko na sila gaanong naintindihan dahil nag-usap na sila about sa business.

"Ikaw N.A balik ka na sa pagbabalita after nito?" tumango ako sa Larlen.

"Sana maayos nyo pa yung sa inyo" ngumiti sya sa akin ng matamis bago bumuntong hininga "Ang saya nyo kaninang tignan nung naabutan namin kayo. Sana talaga maayos nyo yung relasyon nyo dahil kahit hindi ko alam ang nangyari sa inyo saksi ako sa pag-iibigan nyo nung mga High school palang tayo" ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Ako man Larlen umaasa na magkakaayos kami.

PAGDATING ko sa condo naligo muna ako bago naglinis ng bahay. Ilang araw din akong nawala sa bahay kaya kailangan kong maglinis ng mabuti.

Nagpupunas ako ng lamesa ng di ko na naman mapigilang hindi tumingin sa cellphone ko. Pansin ko nga kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko. Umaasa ako na magtetext o tatawag sa Sunlie pero hanggang ngayon wala pa rin.

Ring

Mabilis kong binitawan yung rag na taban ko at sabay kuha sa cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung caller and to my dismay hindi si Sunlie kung hindi tawag mula sa trabaho.

Tapos na akong magbihis at magayos ng makarinig ako ng doorbell. Hindi ko makakaila ang saya na baka si Sunlie iyong nasa pinto, kaya mabilis kong binuksan yung pinto and to my dismay again hindi si Sunlie.

"Uyy napadaan ka?"

"Susunduin sana kita." sabi nya

"Bakit naman? at saka may sasakyan ako!" sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung papapasukin ko pa ba sya sa loob ng condo ko o ano.

"Hmm I just want to fetch you?" ngumiti ako sa kanya.

"Sus no need kunin ko yung bag ko sa loob convoy nalang tayo papuntang station?" tanong ko sa kanya.

Nagkamot naman sya sa batok nya saka namula ng konti.

"Hindi ba coding mo ngayon?" napaisip ko dahil sa sinabi nya.

My gosh bakit ako nakalimutan ko na iyon pero sya hindi? Talagang makakalimutan mo yung ibang bagay kapag masyado kang masaya.

"Gosh nakalimutan ko na!" tumawa ako para pagtakpan ang kahihiyan ko.

"Kaya nga ako nagpunta dito kase alam kong makakalimutan mo ilang araw ka ding umalis." ngumiti ulit sya sa akin na nagpapakita ng dimples nya. Aw cute!

"Sige na nga sasabay na ako sayo nakakahiya naman!"

Tatalikuran ko na dapat sya para kunin ang bag ko sa loob ng hawakan nya ang kamay ko.


"Basta para sayo Nasrra."

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon