ELNP 15

2.2K 43 0
                                    

Nasrra's Pov

Pagbalik ko sa bahay naghahain na sya ng tanghalian. Minabuti kong totohanin ang sinabi ko sa kanya na ala lang sa akin yun kaya ipapakita kong di ako naapektuhan sa sinabi nya.

"Ano ang ulam?"

"May hinanda yung mga taga dito sa atin na mga seafood at ibang potahe."

Tinignan ko ang lamesa marami nga doong pagkain. Maubos kaya namin to?

"May mga nakatira pala malapit dito pero nandon sila sa kabilang dako ng isla, pero konti lang naman sila." tumango ako sa sinabi nya bago umupo para kumain.

Pagkatapos nyang mag-ayos sumobra na naman ng tahimik. Walang kibuan so awkward ng atmosphere tatagal kaya kami ng tatlong araw na ganito.

"Uhm...pwedeng paabot nung kanin." kinuha ko ng mabilis yung kanin sabay abot sa kanya ng kinuha nya yun sa kamay ko natabanan nya ng konti yung kamay ko.

Napalayo agad yung kamay ko at nagulat sya kaya tumapon ng konti yung kanin mula sa lalagyan nito.

"IKAW KASE E!" inirapan ko sya ng nakitang tumingin sya sa akin.

"Can we please" nakita kong bumuntong hininga sya. "Please wala munang away for 3 days?"

Nakatingin lang ako sa kanya bago magprocess ang sinabi nya. Okay ayaw nya ng away for three days! Okay! No problem! Shit!

"Tama tama ang tagal pa natin dito sa isla at tayo lang ang tao kaya... kaya kailangan maayos!" tinignan ko sya sabay ngiti.

Ngumiti din sya sa akin. Ngiting nakakatunaw Shems!

"And can we savor every moment of our vacation?"

"Like what?"

"Let's enjoy this make fun of it unless ayaw mo?" nagulat ako ng parang sa tono nya ako pa ang may ayaw sa sinasabi nya.

The truth is yes! Gusto ko na ayaw ko sa ideya nya pero kung tatlong araw din kaming awkward dito nakakabored lalo yun! Pero natatakot ako sa nararamdaman ko.

"Okay! Game!" sinantabi ko muna mga iniisip ko, saka ko nalang ulit yun iisipin after nito.

After namin kumain ako na ang nagurong at nandon naman sya sa labas hindi ko alam ang ginagawa. Sabi nya may aayusin lang daw sya. Pagkatapos kong magurong nakita ko sya na inaayos yung mga tuyong kahoy.

"What are you doing?" lumapit ako at nakita ko syang medyo pawis.

Natulala ako dahil, Shit ang gwapo nya! Kinuha ko yung panyo sa bulsa ng shorts ko at authomatic na sa halip na iabot sa kanya umangat pa mismo ang kamay ko para punasan yung pawis nya.

Nanlaki ang mata ko na inilayo yung kamay ko sa mukha nya pero kinuha nya ulit yung kamay ko sabay lapit sa mukha nya.

"Pwede bang magpanggap na ayos lang lahat sa atin kahit sa loob lang ng tatlong araw?" tanong nya sa akin.

"Sunlie paano yung girlfriend mo? Paano" di ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.

"Please kahit ngayon lang then after this kalimutan na natin ang isa't isa. Gusto ko lang maranasan to ulit kahit ngayon lang."

Tinignan ko sya at nakita kong seryoso sya sa sinabi nya.

"Okay"

Okay after this siguro magiging okay na din ako mawawala na din yung mga nararamdaman ko specially the sense of guilt for what happen to us.

"Magbo-bonfire tayo later tapos nakita kong may bareque sa refrigerator magihaw tayo mamaya." ngumiti sya sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya why not am I enjoy this too.

"Ano gagawin natin ngayong tanghali?" ngumisi sya sa akin

"Gumawa ng baby?" nanlaki ang mata ko sabay kuha nitong isang kahoy malapit sa akin sabay bato sa kanya.

"WHAT? GAGO KA TALAGA" narinig ko yung tawa nya habang lumalayo sa akin.

Hinabol ko sya habang may hawak na kahoy.

"Wait ang bilis mong tumakbo di kita maabutan."

Ngumisi sya sa akin. Nasa harap ko sya  ngayon malayo sa akin. Nagpamewang sya bago nagsalita.

"Ayaw ko nga baka hampasin mo ko nyan."

"Hahampasin talaga kita nito dahil kung ano ano sinasabi mo!"

"Habulin mo ko!" rinig ko ang tawa nya kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.

Hinabol ko sya nakakapagod dahil ang bilis nyang tumakbo ang pa nga ba ang aasahan mo sa isang athlete.

Napaupo ako sa ilalim ng maliit na puno ng niyog.

"Ayoko na nakakapagod at nakakasawa kang habulin!"

Lumapit sya sa akin ng dahan dahan umupo sya sa gilid ko at kinuha yung kahoy na binaba ko. Tinapo nya yung sa malakas, sabay kaming natawa. Iniisip nya parin palang hahampasin ko sya non.

"Alam mo ako hindi ako marunong magsawa at mapagod sa taong mahal ko."

Napatitig ako sa kanya. Nagtitigan kami ng ilang minuto. Noon pa man alam ko ng ganyan ka Lie kaya ang laki ng pagkakamali ko ng iwan kita.

Ngumiti sya sa akin sabay tayo, naglahad sya sa akin ng kamay tinulangan nya akong tumayo.

"Tara manghuli tayo ng isda pandagdag sa iihaw natin mamaya."

Tumango ako sa kanya, binabawi ko yung kamay kong hawak nya pero ayaw nya. Hindi ko na pinilit kunin pa dahil ayaw naman nya bitawan. Nakangiti ako habang nakatingin sa mga kamay namin.

"May panligo ka ba?" tanong nya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Magkahawak kamay.

"Meron naman."

"Mabuti kung ganon pero balak ko sanang maligo ng walang saplot baka gusto mong gumaya?" tumingin sya sa akin sabay kindat at ngisi.

"Gago ka talaga!" sabi ko sabay hampas sa kanya.

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon