ELNP 7

2.6K 45 0
                                    

Nasrra's Pov

Namumula ako ng lumabas kami ni Sunlie mula sa locker room nila. Paanong hindi ako mahihiya kung pagkalabas namin mga nasapinto na ang ilan sa teammates nya kasama pa si Reese na nakangising aso.

"Woah! Init sa loob." sabi ng isang teammate nya at tinapat pa yung kamay sa loob ng pinto.

"Shh Wag kayong maingay secret lang natin ginawa nyo." sabi ng isa pa.

Pulang pula na talaga yung mukha ko. Hinatak naman ako ni Sunlie sa harap nya para yakapin at isubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Mabuti nalang at hiyang hiya na talaga ako. Grabe!

"Lumayo nga kayo mga Gago!" natatawang sabi ni Sunlie bago ako hinatak paalis na doon.

Dirediretso lang ang lakad nya habang naglalakad ako na nakaharap parin sa dibdib nya. Kulang naman ay iangat nya ako at buhatin para mapabilis ang lakad namin. Naramdaman ko na huminto na kami sa paglakad at pagtingin ko sa paligid nandito pala kami sa likod nitong gym.

"Kumain ka na ba?" tanong habang inaayos ang buhok ko at haplos sa pisngi ko.

"Umm.. Hindi pa" sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nakatitig sya sa akin ng mabuti bago bumuntong hininga.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Hindi ba at ayaw kong nagugutom ang mahal ko?" ngumiti sya sa akin ng matapis bago kinuha yung cellphone nya sa bulsa nya, may sinabi sya pero hindi ko na masyadong narinig dahil nawawala ako habang nakatingin sa kanya.

Inakay nya ako papaupo doon sa may mga upuan.

"Hintayin na kitang kumain bago ako bumalik sa gym at ikaw bago bumalik sa room nyo."  umupo sya sa upuang kahoy sabay hatak at senyas na umupo ako sa hita nya. Bigla na namang namula ang pisngi ko dahil sa gusto nya.

"Baka may makakita sa atin." umiling iling naman sya sa akin.

"Just this time N.a" unti unti ako naupo sa mga hita nya habang sya ay nakatitig padin sa akin.

"Hintayin lang natin yung lunch mo."

"Nag-lunch ka na?" tumango tango sya sa akin bago humalik sa leeg ko.

"Uhm. Lie!" napasigaw ako ng kagatin nya yung leeg ko pero balik ulit ng halik doon.

"I miss you and I'm sorry."

"Sorry for what?" tumigil sya sa paghalik sabay tingin sa akin.

"Sorry dahil nagalit ako about sa pagtatago natin." bigla akong na-guilty.

Sya pa ang nagso-sorry sa halip na ako. Miski man ako ay nahihirapan narin sa pagtatago namin.

Hindi nagtagal ay dumating na yung pagkain na inorder nya pala sa cafeteria. Mabuti nga at ako yung nakakita dahil kakilala ko pa iyung nagdala.

MASAYA akong bumalik sa classroom namin. Sakto at hindi ako nakita ng teacher namin na dumaan sa backdoor kaya hindi ako napagalitan sakto kasing may nagcr akong kaklase. Pagkaupo ko palang sa upuan ko kinalabit na ako ng katabi ko. Naka alphabetical kase ang seating arrangement namin kaya hindi kami magkatabi ni Rhian.

"Ipinagsulat na kita Nasrra iuwi mo nalang itong notebook." nakangiting sabi nya sa akin.

Alam ko na motibo nito, matagal ng nanliligaw ito sa akin pero hindi ko pinapansin. Ngumiti ako sa kanya pero ibinalik din iyong notebook na ibinigay nya.

"No need but thanks anyway." sumimangot naman sya sa akin.

Kinukulit nya pa ako habang nagtuturo iyong teacher namin. Hindi na ako nakatiis at hinarap ko sya.

"Tama na nga Diego!" mariin kong sabi para tumigil na sya pero naging trigger point ata sa kanya iyon.

Bigla nyang hinampas iyong table namin sabay tingin sa akin ng masama.

"ANG TAGAL KO NG NANLILIGAW SA IYO PERO HANGGANG NGAYON HINDI MO PARIN AKO PINAPANSIN!" nagulat ako ng bigla syang sumigaw kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin pati si Ma'am Pengson.

Hindi ko sya pinansin pero sa halip sa teacher naming nanlilisik ang mata sa amin Gosh! At ang kinalabasan ng pagsigaw nya at pinalabas kami sa classroom.

Nakatayo kaming dalawa sa labas na pinto. Pasilip silip ako sa bintana para tignan ang ginagawa nila pero lagi akong naabutan ni Ma'm Pengson na nakatingin.

Tinignan ko sya ng masama pero ngumisi lang sya sa akin. Napayuko ako dahil naguumpisa ng maglabasan ang ibang grade. Ilang sandali lang ay may naramdaman akong mga papalakad sa tapat namin.

"Ow Diego bakit nasa labas kayo with?" narinig kong tanong nung dumaan.

"Wala love quarrels lang."

"Sasusunod kase huwag kayo sa room mag-away nitong girl-" napaangat ako ng tingin ko ng marinig ko ang boses nya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sunlie kasama yung iba nyang teammates, pero hindi ata ito yung mga kasama ni Reese kanina.

"Siguro hindi ka nakahalik kaya kayo nag-away no?" tukso pa ng isa nilang kasama pero heto ako at naninigas na kaba.

Nakatingin parin sya sa akin na may galit sa mata.

"Kaya nga eh." sabi naman ni Diego sabay akbay pa sa akin. Mabilis ko namang inalis yung kamay nya pero bago ko maialis iyon ay naitulak na ni Sunlie si Diego.

Mabuti nalang at umawat agad ang mga kasama ni Sunlie sa kanilang dalawa dahil gusto pang bumawi ni Diego ng tulak kay Sunlie.

"Ano ba problema mo?" tanong ni Diego na  nanlilisik ang mata kay Sunlie.

"Stay away from her." mariing sabi ni Sunlie.

"WHAT COMMOTION IS THIS? " sabay sabay kaming napatingin kay Ma'am Pengson.

"Sorry po ma'am may pinaguusapan lang sila." alo ng mga teammates ni Sunlie kay ma'am Pengson.

Tumingin ako kay Sunlie na nakatingin ng masama kay Diego.

"Stay away from my girlfriend." Sunlie.

"Your what?"

" girlfriend?"

Ex-LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon