PARK JIMIN'S POV
I'm still wondering, hindi ko talaga alam na may past pala sina Luhan at Nayeon, hindi ko alam.
Oo nga pala, bukas na yung school camping...
Gusto ko siyang kausapin...
Puntahan ko kaya ngayon?
Lumabas nako at nagdrive ng kotse at nakarating na kina Nayeon.
Kumatok ako sa gate nila.
Knock! knock! Knock!
[A/N: Knock knock by Twice?😂]
Not funny, author, ang corny mo!
Narinig kong may nagbukas ang pinto at nakita ko si Kuya Baekhyun.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Oh, bayaw? Andito ka pala?" pagbibiro niya.
"Kuya hin---"
"Oo alam ko hindi ikaw, si Taehyung diba? Nako, mas bagay ka pa sa kapatid ko kesa dun."
Huh? Hindi pa ba sinabi ni Nayeon sa kanila na hiwalay na sila?
"Uh, hindi kuya nagkakamali ka." sagot ko.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
Nag-exhale nalang ako.
"Kuya Baekhyun, si Nayeon dapat ang magsabi sa inyo niyan, baka magalit siya sakin kapag ako nagsabi eh.."
"Ahh.... "Sabi niya.
"Magandang ideya yan, pero ang ganda talaga ng kapatid ko noh?" sabi niya.
"Ah oo, pero kuya mas maganda kung papasukin mo nako diba?"sambit ko.
Tumawa naman siya at binuksan niya pa ng malawak ang pinto as a sign na pinapasok niya ako.
"Manang Rose! Pakisabi kay Nayeon, na nandito si bayaw este si Jimin sa labas at hinihintay siya." sigaw ni Kuya kay Yaya Rose.
"Ah sige," umakyat si Manang Rose at nung sinigawan niya na si Nayeon, narinig namin at napatawa kami, bisaya pala si Manang Rose hahaha.
"Nayeon! Andeto yung kaibegan mo, si Mr.Park." sigaw ni Manang sa kanya.
Nakita ko ang Mom ni Nayeon at lumakad ako sa kanya at nagbless.
"Buti ka pa ijo, binibisita dito si Nayeon eh yung bf niya? May nalalaman ka ba sa relasyon nila? Bakit paramg kaibigan nalang ang turing ni V sa kanya?" tanong ng Mom niya.
"Ah, tita siya dapat ang tanungin niyo diyan, anyways goodmorning po :)" sagot ko.
"Manang! Sabihin mo akyat dito si Jimin!" sigaw ni Nayeon.
Narinig ko siyang sumigaw at umakyat nako sa kwarto niya.
Nagbabasa siya...
Nakapatay ang ilaw ng kwarto niya at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa binabasa niya ay ang kanyang bintana.
Hindi niya napansin na pumasok ako sa kwarto niya kaya, dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya at...
"Booooo!!!" panggugulat ko.
"Ahhhhh!!!!"
Tumawa ako at pinagpapalo niya ako sa braso.
"Ih! Nakakainis ka!"
"Ih! Ang cute cute mo!" tapos pinisil ko yung pisngi niya at gumawa ng smile at tumawa ako.
"Ih! Wag ka ngang tumawa! Pati yung mata mo nag-iismile eh!" sigaw niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/131229979-288-k763858.jpg)