Dedicated to @iMriaRozeei, thanks sa comment!Enjoy!
Chapter Eighteen:Another Rival's Move
___
Dashen's POV
Pagkalabas nila Jasper , umupo ako sa kama ko at tumingin sa labas ng bintana.
Hayy ,I wish we'll going to be fine.. I hope so.
Biglang kumunot ang noo ko nang mapansin kong biglang may pumalibot sa paligid ng hospital na mga taong naka-asul at gray na maskara at kasabay ng pagsulpot nila ay ang isang malakas na pagsabog.
Agad akong bumaba sa kama ko .. At pagkababa ko siya namang pasok nila Madam Elizabeth..
"Dashen,nagsisimula ng umatake ang mga taga-Secret,sinasamantala nila ang kahinaan ng mga Swirdian,kaya kailangan na nating ilipat si Headmaster I sa Swirden Palace habang may oras pa" sabi sa kin ni Mr.Torres sa kin at tumango lang ako at sinabing,
"Sige .. Basta po sana maging ligtas siya . at sana rin po bantayan niyo siyang maigi at wag niyo rin po sanang sabihin sa kanya ang mga nangyayari" sabi ko
Tumango sila,"Pero hindi kaba sasama sa amin?masama rin ang lagay mo at baka lalo pang lumala pag pinilit mong makipaglaban"nag-aalalang sabi ni Madam Elizabeth..
Nginitian ko lang sya at alam kong alam niya na hindi talaga ako sasama sa kanila..
Nginitian niya rin ako .. Pero alam kong nag-aalala pa rin siya pero hindi na lang niya pinahalata pa..
"Sige basta mag-iingat ka rito at suotin mo to.. Wag na wag mo itong iwawala .. Ipapamana mo pa yan sa anak mong babae" medyo nagtataka ako ng iabot sa akin ni Mr,Torres ang kwintas at bracelet na binigay sa akin nila mom at dad. At ano raw?ibibigay ko pa to sa magiging babaeng anak ko?
"Ho?ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kanya..
Pero ngumiti lang siya sa akin at tsaka sinabing..
"Basta .. Sundin mo na lamang ang bilin ko ,tsaka ko na ipapaliwanag ang ibig kong sabihin kapag naayos na ang lahat .. Kahit pansamantala lamang" sabi ni Mr.Torres tsaka niya inutusan yung mga kasama nila na kunin na si Dad at patagong ilipat sa Swirden Palace..
Bago sila umalis ay may binilin a sa akin si Madam Elizabeth na siyang nagpataka sa akin..
Pagkaalis nila ay nagbihis na ako at dumiretso sa CR kung saan nakatago ang isang secret door —na daan papunta sa isang napakalaking kwarto kung saan nakatago ang lahat ng mga personalized na armas na tanging mga Swirdian lamang ang nakakagawa o nakakagamit.. Yan ang sabi ni Madam Elizabeth sa akin.
Dumiretso ako sa isang parang kulungan na ang harang ay puro mga Glass Wall dito nakalagay ang mga personalized na mga armas para sa buong Gang .. Sabi ulit ni Madam Elizabeth
Tinapat ko ang kamay ko kung nasaan ang bracelet ko .. Sa isang detector dahil isa yun sa bilin ni Madam Elizabeth .. Di ko alm kung bakit yung bracelet ang kailangan kong gamitin pero sinabi lamang niya ay.. Basta .. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Biglang tumapat yung pulang laser sa pendant ng bracelet ko at tumagal yun ng mga tatlong segundo at bigla na lamang nawala tsaka dahan-dahang bumukas yung Glass Wall pataas at may mga puting usok na parang ulap ang sumalubong sa akin..
Hinawi ko ang usok na pumupunta sa mukha ko sa pamamagitan ng pagpaypay dito gamit ang aking kamay..
Unti-unting nawala ang usok at ang bumungad sa akin ay mga may katamatamang laki na Robot na nagta trabaho..
BINABASA MO ANG
Swirden High [ School Of Underground Society](On-Hold)
ActionSwirden High. A famous school for people who has an ability to be a Gangster nor a Mafia. Meaning to say,all students who's studying at this school is a illegal fighter. They do such an underground transaction and fight with other group. This school...