(A/N): VOTE, COMMENT AND SHARE! LOVELOTS ♥
ZAYNE'S POV
Mukha akong tanga na nakatitig lang sa iyak ng iyak na si Heiro, hindi padin ako makapaniwalang mahal niya ako...
Hindi ko maiwasang hindi maawa sa itsura ngayon ni Heiro, mukha siyang nanakawan ng pinakamahal na bagay sa mundo. Iniwas kona ang paningin ko sa'kanya, hindi kona kayang titigan pa ang itsura ni Heiro ngayon.
Hindi ko akalaing may nararamdaman na pala siya para sa'kin, hindi ko man lang napansing may feelings na pala siya para sakin sa apat na taong magkakilala kami wala akong ibang inisip kundi challenge kung paano ko siya matatalo, wala akong kaalam alam na may iba na siyang nararamdaman sakin...
'At hindi ko gusto ito...'
Nakita kong nagpahid ng mga luha niya si Heiro, pinagmasdan ko naman siya ng matapos niyang ayusin ang sarili niya ay pilit na ngiti ang iginawad niya saakin.
"I'm sorry, mukha akong tanga.. I-ihahatid na kita.." Nakangiting aniya nito saakin.
'Do something, Zayne!!!'
"A-ah, k-kaya ko namang umuwing mag-isa.." nauutal na pahayag ko dito, nakita ko ang sakit sa mga mata niya umiwas nalang ako ng tingin.
"P-please Zayne, k-kahit ngayon lang pagbigyan mo naman ako.. please.." nagmamakaawang usal sakin ni Heiro, hindi ko sukat akalain na ang hambog na Heiro Silva na'to ay nagmamakaawa sa harapan ko ngayon para lang pumayag ako na ihatid niya ako, bumuntong hininga ako.
'This would be the last, kapag umulit pa'to masasampal kona talaga to!'
"Fine! This would be the last, Heiro." malamig na pagpayag ko, nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Dali dali niya akong pinagbuksan ng pintuan, sumakay naman kaagad ako. Mabilis siyang umikot papunta sa Driver's Seat, pagkapasok niya sa loob ay nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan.
Katahimikan ang namutawi saaming dalawa habang nilalakbay ang bahay ko, hindi ko siya magawang tingnan kahit nararamdaman ko ang panay niyang pagsulyap saakin. Nadidinig ko din ang mahihinang buntong hininga niya, pinilit kong alisin sa'kanya ang atensyon ko pero nabigo ako.
Walang nagsalita saaming dalawa hanggang sa marating namin ang bahay ko, nagsimulang kumabog ang dibdib ko ng alisin niya ang seatbelt niya.
"Z-zayne..." napapikit pako ng banggitin niya ang pangalan ko, tiningnan ko naman siya at pinakita kong wala akong pakealam sa nangyayari.
"Salamat sa paghatid, papasok nako.." malamig na usal ko dito, nakita kong bumagsak ang mga balikat niya.
"Y-yung sinabi k-ko sayo k-kanina, t-totoo yun Zayne, I really like you.." nauutal na sambit nito saakin, this is not King Heiro Silva.
Bumuntong hininga ako, anong gagawin ko?
"Bakit ako?" tanong ko dito, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. "Pwede namang si Shakira o kaya si Florence? Pero bakit ako? Parte ba'to ng laro natin na nagsimula 4 years ago?" sambit ko muli dito, nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. This is great! JUST GREAT!
"Walang kinalaman tong nararamdaman ko sa laro nating dalawa, hindi ko alam kung paano to nagsimula gusto kong pigilan pero sa twing nandyan kana sa paligid ko parang mababaliw ako kapag hindi ko narinig ang boses mo. Hindi ito isang trip o ano man, ayokong dumidikit ka sa ibang lalaki maliban sa mga kaibigan natin, ayokong nakikipagkaibigan ka kung kanikanino lalo na't lalaki pa para mokong sinasaksak patalikod nun Zayne, sabi ko sa sarili ko sige sasarilihin ko nalang tong nararamdaman ko kasi alam ko naman na wala akong pag-asa sayo, pero hindi na kinaya ng sistema ko ang sobrang pagkaselos lalo na nung umeksena ang Calyx nayun. Pakiramdam ko aagawin ka niya sakin, kaya kahit alam kong iiwasan moko kapag umamin ako sinabi ko kapadin kasi pakiramdam ko sasabog na talaga ako e.." nagsimula na siyang umiyak na parang bata, umiwas nalamang ako ng tingin. "I'm sorry sa lahat ng masasakit na salitang nabitawan ko kasi gusto ko sakin lang ang atensyon mo, gustong gusto ko kapag nakikita kong asar na asar kana sakin kasi pakiramdam ko mas lalo akong naiinlove sa'yo, Zayne kaya kong ibigay lahat sayo just give me a chance, Mahal kita Zayne, I really love yo-----"