Chapter 1

271 15 13
                                    

3:00 ng umaga

Naputol ang mahimbing na tulog ni Andrea nang tumunog ang kanyang celfone. Hindi niya pala ito nalagay sa silent mode dahil hinintay niyang tumawag si Greg, ang kanyang asawa na nasa Zamboanga City on a business trip. Tatlong araw na itong nasa Zamboanga ngunit, for the first time, hindi siya nito tinawagan.

Tiningnan niya ang celfone at napakunot ang kanyang noo nang nakitang si Armand pala ang tumawag, ang nakababatang kapatid na Marines ni Greg na nakadestino sa Zamboanga City.

"Hello."

"Bad news," sagot ni Armand.

"Anong bad news?" sagot ni Andrea na halatang kagigising pa lang.

Mga ilang sandali pa ang lumipas bago nakasagot si Armand. "Nakidnap si Greg noong isang araw kasama ang limang negosyante na kasama niya sa conference!"

Biglang napakabog ang dibdib ni Andrea. Dilat ang mata na napaupo sa kanyang higaan.

"Natagpuan ng AFP ang bangkay ng limang negosyante na kasama niya sa beach, mga 24 kilometro ang layo galing sa pueblo."

Parang sinabuyan ng malamig na tubig si Andrea. Nanlamig ang kanyang buong katawan. Napahawak siya ng dalawang kamay ang fone "Si Greg...?"

"Sa pagkakaalam namin, ginawa siyang human shield ng mga bandidong rebelde."

Bakit walang nagbalita sa 'kin? ,"bakit hindi ito ibinalita sa TV?"

"May news black out dito sa Zambonga dahil critical ang kumperensya na idinadaos dito ngayon. Hindi pa ito pinalalabas sa medya. Malamang sa mga susunod pa na mga araw ito ibabalita sa himpapawid."

Hindi makapaniwala si Andrea. Kahit naisip niya ang ilang mga reporters at mga foreign nationals na nakidnap at hawak-hawak ng mga bandidong grupo sa Zamboanga. Sapagkat hindi ito nangyayari sa mga pangkaraniwang taong tulad ni Greg.

"Andrea, kailangan magpakatatag ka. Hindi ka pa nadeclare ni Greg na kanyang maybahay. Baka malagay si Greg sa alanganin,... at pati ikaw."

"Pero... anong gagawin ko?" natanong niya kahit sa saluubin niya, eh naisip niya ano kung hindi pa siya nadeclare. Legal naman ang kanilang kasal.

"Tatawag na lang ako ulit sa 'yo para ma update ka sa mga pangyayari."

"Sige. Hihintayin ko ang tawag mo. Bye."

Ni hindi na nakuhang sumagot ni Andrea... nangatog na lang ang kanyang tuhod..

Dalawang buwan ang nakaraan.

Batangas

Family reunion ng kanyang bestfriend na si Emily. Kahit hindi siya kapamilya, niyakag siya nitong dumalo dahil wala siyang malaking pamilya na inuuwian. Gusto niyang ma-experience ang isang malaking family gathering. Nagkataon din na si Greg ay sumama sa isang second degree cousin ni Emily na kasamahan nito sa trabaho.

Parang lumagablab na apoy ang una nilang pagtatagpo, kasing-init ng kanilang pag-iibigan. Para bang magneto na pilit na hinihigop upang maging isa. Pareho silang nagpatianod sa kanilang nararamdaman, inisip na ang nararamdamang attraction ay sapat upang hindi sila mabuwal.

Pagpasok nila sa ancestral home nila Emily, napansin na niya kaagad ang makisig na tindig ni Greg. Magkasunod lang silang dumating sa bahay sa tantiya niya dahil nasa paanan pa nito ang kanyang backpack. Nagtama ang kanilang mga mata at parang may kung anong hangin ang humigop sa kanila sa ibang dimension kung saan, sila lang dalawa ang nandoon. Nakita niya itong ngumiti ng una siyang napalingon sa mala-hypnotic na titig nito. Nainis siya noon, ngunit inis na hinaluan ng kilig.

Halik ng Hamog sa KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon