Chapter 7

110 9 0
                                    

Chapter 7

Masama ang panahon. Palagi na lang makulimlim ang paligid at umuulan buong maghapon. Ang dating maalikabok at matigas na lupa naging putikan. At ang labas-masok ng mga hindi niya kilalang tao ay lalong nagpapalambot ng lupa. Lalong lumakas ang kanyang kaba tuwing lumalapit ang mga ito sa bahay nila upang kausapin ang kanyang ama. Ang iba ay masama ang titig sa kanya. At ang iba pa ay para siyang huhubaran kung makatingin sa kanya. Minabuti na lang niyang huwag lalabas masyado sa bahay kung nagkataong wala si Trining o ang kanyang ama sa paligid.

Tuwing bumabalik si Trining galing sa sakahan, palagi siyang binabalitaan kungan ano na ang nangyayari. Sabi ni Trining, hinayaan na itong makababa ng kubo at mag insayo. Ngunit minsan may mga iba pang rebeldeng pumupunta doon sa bahay-kubo, kanila itong tatalian at pilitang ibunyag ang iba pang mga espiya ng pamahalaan.

Labis niyang ikinabahala, pinalitan na naman ang mga bantay ni Greg. Sa naririnig ni Trining, galing ibang bansa pa ang mga ito. Nagtraining sa Libya o Afghanistan. May dumating na isang magaling mag-ingles at mukhang isang intelihenteng tao. Walang makikitang may bitbit siyang baril. Ngunit minsan, dala-dala niya ang kanyang attaché case, binuksan niya ito at nasa luob pala nito ang isang kalibreng 45 na armas at meron pang iba't ibang mapa sa loob nito.

Hindi niya ito kilala, ngunit kilala siya nito. Minsan nginitian siya nito at sinabing, trabaho lang ang lahat Andrea. Kinilabutan siya lalo ng sinabi nitong alam niya ang kinalalagyan ng kanyang ina at kahit makalabas siya ng buhay, hahanapin siya nito at papatayin. Ganyan ang trabaho naming Andrea. Executioner!

Minsan, naitanong niya sa tatay niya kung sino siya.

"Wala kang pakialam," sagot ng kanyang ama. "Bakit? Gusto mo siya? Para siyang si Greg. Isang espiya. Isang napaka-importanteng espiya."

Tumindig ang kanyang balahibo ng sabihin nito na siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagsauli kay Greg sa awtoridad noong nagbayad sila ng ransom fee.

"Sinabi niya sa akin ang iyong address at kung saan ang iyong ina nakatira ngayon. Akala niyo, hinding-hindi ko kayo matatagpuan ulit? "

Hindi na niyang nagawa pang sumagot sa kanyang ama. Bagkos, tinalikuran niya ito. Pilit niyang tinakpan ang kanyang tinga upang hindi na niya marinig ang masamang halakhak nito. Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang gawin. Malapit na siyang mawalan ng pag-asa.

Minsan, lumalabas ang araw at ng mga panahong iyon sa nabigyan ng lakas na look upang harapin ang kanyang problema. Hindi rin naman siya pababayaan ng mga taong nagmamahal sa kanya, at ng Panginoon.

Sumama si Aling Gloria sa asawa nito ng lumikas ito. Sa ganitong pagkakataon, tulong-tulong si Andrea at Trining sa paghahatid ng pagkain kay Greg. Blangko lang ang mukha nito ito kung makatingin sa kanya. Sa isip niya, mabuti na lang 'yon kesa mapagkutyang tingin na ipinupukol nito dati sa kanya.

Nang iniwan silang dalawa lang sa loob ng kubo, napatigil siya ng biglang kina-usap siya ni Greg.

"Naka-usap mo na pala si Abner. Ikaw pala ang nagsabi sa kanya tungkol sa akin."

"Hindi-hindi ko siya kilala," sagot ni Andrea.

At hindi na siya kinibo nito ulit. Naging palaisipan niya kung sino si Abner at ano na naman ang mga kasinungalingan ang sinabi sa kanyang asawa. Masakit isipin na parang pinagkaisahan siya, lalo na't hindi pa naman niya ito kilala. At hindi rin makaliligtas ang kanyang ina.

Pagbalik sa bahay, naging maingat din siya sa paghahanda sa bahay para sa mga bagong dating. Ibang - iba ang dating ng mga bagong bantay. Tipong galing giyera ang mga ito. Walang makitang emosyon sa kanilang mga mata. Hindi rin ito nag-uusap kagaya ng nakalipas na mga bantay.

Halik ng Hamog sa KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon