Chapter 9
Pagbalik niya sa sitio, hindi na siya tinanong ni Trining kung saan siya galing. Tahimik na tinulungan niya itong ihanda ang pagkaing dadalhin nito sa sakahan.
"Matalik ko na kaibigan ang mama mo Andrea. Ngunit mas mahal ko ang papa mo. Hindi na nakayanan ng mama mo ang pinagagawa ng papa mo kaya naisipan niyang umalis dito. Ayaw niyang lumaki ka na palaging nagtatago. Hindi siya pinayagan ng papa mo na uuwi sa bayan. Papayag lang siya na aalis ang mama mo pag iiwan ka dito. Alam niya na hindi papayag ang mama mo na iwan ka dito. Binalaan niya ang mama mo na sa oras na aalis siya, susundan niya ito at papatayin kayo."
Nakikinig lang si Andrea sa kuwento nito sa kanya habang minamasdan ang pagluto nito ng pagkain.
"Isang gabi, nag operasyon ang papa mo sa Basilan. Isa lang ang nagbantay sa amin dito. Inakit ko siya at pinatay namin doon at inihulog ang bangkay sa may bangin. Doon tuloy-tuloy na ang paglayo ninyo ng mama mo dito sa lugar na'to."
"Gaya ng nangyari sampong taon na ang nakalipas, tutulungan ko kayong makalayo dito. Hindi ka para dito. At ano na lang sasabihin ng inay mo kung hindi kita natulungan."
"Pa'no n'ang anak mo? Ang kapatid ko?" tanong niya.
"H'wag kang mag-alala. Isipin mo ang sarili mo at si Greg. Mahal ka niya. Malalampasan din ninyo ang trahedyang ito. Magpakatatag ka. Sabihin mo sa mama mo, iniisip ko siya palagi. At nagpapasalamat ako sa kanya sa binigay niyang pagkakataon sa akin."
"Trining, may isang tutulong sa paglayas namin ngayong gabi."
"Alam ko. Nagkausap na kami," sabi nito na nakangiti ng may bahid na kalungkutan. "Si Lt. Gorrospe ang nagbigay sa akin ng ideya paano ito gagawin. Ipagdarasal na lang natin sa Panginoon ang lahat. Sana ipagkaloob sa atin ng Dios ang maayos na pag-alis mo."
Tiningnan ni Andrea si Trining habang nag-aayos ito ng mga pagkain. Hinaluan ni Trining ng katas ng ugat ng malungay ang mga kakanin ng mga bantay ni Greg. Nilagyan niya ng maraming dahon ng pandan para hindi mapansin ang pait na dulot ng lasong hinalo sa pagkain.
Inilahad ni Trining ang kanilang plano kay Andrea sa gabing iyon. Maghintay si Andrea ng isang oras bago susunod ito sa kanya sa sakahan. Hindi uuwi si Trining hanggang hindi makarating si Andrea sa sakahan. Pagdating doon, sisiguraduhin ni Trining na makakain ang lahat ng mga bantay sa pagkain. Kailangang makakain din ang kanyang ama sa pagkaing may lason.
Kinagibahan, hinugasan at inayos ni Andrea ang mga gamit na pangluto. Pag-alis ni Trining, doon na nag-umpisa ang kanyang kaba. Paano kung hindi sila magtagumpay, nasa isip niya. Ang Panginoon na ang bahala sa kanilang lahat sa gabing 'yon.
Wala pang isang oras, nakahanda na si Andrea na papuntang sakahan. Nang sigurado na siya na wala nang naglalakad sa daan, sumunod na si Andrea kay Trining kasama si Leon sa sakahan dala ang maliit na lampara.
Pagdating ni Andrea, nakahandusay na kanilang kinauupuan ang mga bantay. Itinali na nila Trining ang mga bantay, kasama ang kanyang ama. Itinapon nila ng mga baril sa maliit na balon sa gilid. Pag-akyat niya sa kubo, nakita niyang bugbog sarado na naman ang asawa. Wala itong malay dahil sa sakit na sinapit. Pinagtutulungan nilang tatlong kargahin ang lupaypay na katawan ni Greg. Isinakay nila si Greg sa isang kabayo at umalis na sila sa kubo. Malakas ang kabog ng dibdib ni Andrea. Parang deja vu ang lahat ng pangyayari. Sumuong sila sa mga matatangkad na talahib para maka - iwas ng hindi inaasahang komprontasyon.
"Naalaala mo pa ba Andrea? Dito rin tayo dumaan noong lumayas kayo ng ina mo. Maliit ka pa noon."
Nagbalik lahat ang alaala ni Andrea ng gabing 'yon. Kaya pala palagi siyang nagkaka - nightmare. Totoo pala ang lahat ng 'yon. Naalaala niya ang kanyang pagtakbo sa talahiban. Wala siyang nakikita kundi mga talahiban lang hangang nahulog siya sa bangin.
BINABASA MO ANG
Halik ng Hamog sa Kalachuchi
RomanceKukupas ba ang pag-iibigan kung sadyang inilalayo ng mga mapanghamak na sangkatauhan ang dalawang taong nag-iibigan? Hangang kailan ba magmahal ang isang tao kung hindi niya alam ang buong katauhan ng kanyang minamahal? Sapat ba ang pag-ibig upang m...