Chapter 4

138 9 1
                                    

"Chapter 4

Isang lingo na ang lumipas mula ng dumating si Andrea. Hindi siya kinikibo ng kanyang ama. Aalis ito ng madaling araw papunta sa kanyang sakahan. Gabi ng kung umuwi ito.

Pinalipas lang niya ang araw sa pagtulong kay Trining sa mga gawaing bahay. Nag-iigib ng tubig sa water spring na may isang kilometro ang layo sa bahay. Nagpapakain ng mga alagang hayop. Pinfamiliarize din niya ang sarili sa lugar. Kahit na wala na gaanong mga puno sa lugar, meron pa ring clumps of trees na nakapalibot sa maliit na sityo.

At kung paminsan minsan, binibisita niya ang eskwela na nasa likod lang ng kanilang bahay kubo. Dalawang lalaki ang na-assign na guro sa kanilang lugar. Mga bagong graduate sa kursong edukasyon. Naging masaya nitong kasama tuwing hapon, at minsan sa pag-tuturo sa mga bata. Nagvolunteer na rin siya ng isang oras sa umaga at sa hapon dahil kukulanganin talaga ang oras ng dalawang guro sa pagtuturo sa apat na baitang.

Sa kanyang pananatili roon, parang tumigil ang orasan, usad pagong ang takbo ng buhay. Tanging tinig ng mga manok sa umaga at mga huni ng mga ibong kalaw na namamahay sa mga puno ang kanyang guide na tanghali na o paparating na ang gabi. Malamig sa bundok. Walang gaanong pag - iiba dito. Ang patak ng hamog, parang yelong nakabitin sa bubong tuluyang naging tubig pagtapat ng araw. Ang kanyang dalang maong jacket ay kulang para mapalayo ang lamig. Laking pasalamat niya sa sarili na dala niya ang binili niyang malong sa bayan.

Naalala niya noong unang magkita sila ni Greg sa Batangas. Napangiti siya. Minsan kasi noong magkasama na sila, palaging hinihila ni Greg ang kanyang kamay dahil nalalamigan ito. Tuloy, hindi na niya iniinda ang lamig dahil ang warmth na nanggagaling sa katawan ni Greg ay sapat na manatiling mainit siya. Kaya't nakayanan niya ang lamig sa gabi sa mga ala-ala niya kay Greg.

Sa kanyang pagmumuni-muni, napapansin niya na sa lahat ng gawain sa bahay, ang paghahatid ng tanghalian sa bukirin ang ipinagbabawal sa kanya. Araw - araw, naghahatid ng isang basket na pagkain si Trining sa bukirin. Inaalalayan lang siya ng sampung taong anak nito. Hindi na ito nag-aaral dahil pinagpatulong na ito sa pagsasaka.

Hindi niya masundan ang mga ito dahil isa mga tauhan ng kanyang ama ang palaging nakabuntot sa kanya. Kaya alam niya na ino-obserbahan ang lahat ng kanyang kilos.

Maliban sa pagpunta sa bukirin, palagi siyang sinasama ni Trining. Isang umaga, pumunta sila sa batis para maglaba ng mga damit at maligo. Beyond the river, nakikita niya ang parang walang katapusang matayog na bundok. Walang kalsada doon, at tanging mga lumad lang ang naninirahan doon. Nasiyahan si Andrea dahil hindi nakabuntot ang mga bantay nila ng araw na iyon.

"Alam ko na meron kang pakay dito sa bukid Andrea."

"Ho?"

"Hindi ko lang alam kung gaano ka importante ito na inilagay mo ang sarili sa kapahamakan."

"Hindi ganyan ka importante ang buhay ko kung hindi ko ma-accomplish ang pakay ko dito."

"At pumayag si Meling na bumalik ka dito?" sumbat nito na parang hindi makapaniwala.

Hindi siya sumagot ng ilang sandali. Maya - maya, napagdesisyonan niya sa sarili na itanong kay Trining ang tungkol kay Greg.

"Trining, sino ang dinadalhan mo ng pagkain sa bukid?" ang nauutal nitong tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. Binalaan siyang huwag kumibo ng malakas. Kapag - kuway dali daling hinila siya nito paupo sa isang malaking bato.

Bantayan mo ang sarili sa lahat ng oras. Ilagi mo sa isip mo na hinding hindi mo sila kakampi. Naghihintay lang sila na magkamali ka. Wala tayong bantay ngayon dahil alam nilang hindi ka tatakas at nasa kabilang parte ng bundok ang landas pababa sa bayan."

Halik ng Hamog sa KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon