Chapter 11: Ang Pagtakas (4)- Planetarium / The Escape (4)- Planetarium

340 14 1
                                    

“ Raine!!!  Raine!!!  Dalian mo.. layo na tayo… nariyan na ang mga halimaw!!!!... “

“Ate Raine takbo!!!  mabilis… “

“ Ate.. Tara takbo na!!!… “

Mommy!!! Larry !!!  Lance!!! … antayin nyo ako!!!...

AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!

Isang mabilis na pagtayo ang aking ginawa. Dagling tumingin sa aking paligid.  Kaliwa at kanan. Harap at likod.

Isa ngang paniginip ang naganap. Wala sina Mommy,  Larry at Lance. Nasa loob parin ako ng kuwarto kasama sina Dina, Lani at Nancy na himbing parin sa pagidlip

Walang humahabol na mga Sombi. Wala rin sina Jeremy, Mang Ed at Kuya Jose.

Nakaidlip pala ako. Sa aking tabi ay ang cellphone ko na kanina ay sinusubukan ko pero mahina parin ang signal. Nakalapag din ang isang cellphone na iniabot ni Dina kanina. Ito yung pag mamay ari ng babae na naging Sombi nung kami ay nasa Quirino Grandstand kanina. Nilagay ko muna ito sa nadala kong bag, isang backpack. Samantalang tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko, wala pa palang isang oras ng ako ay makaidlip. Pakiramdam ko ay napakahaba ng aking pagkakaidlip. Saglit ko narin munang ibinulsa ang aking phone.

“ Ah wala paring malinaw na channel… saan kaya sila?... “ sambit ko sa aking sarili habang nakatingin sa bukas na TV.

Ang totoo ay nagtataka ako kung bakit mahina ang signal ng TV pati na ng mga cellphone namin. Hindi naman siguro ganoon kabilis na mawawala ang linya ng komunikasyon ng ganon ganon lang sa kabila ng nangyayaring delubyo na ito.

Nagpasya akong tumayo muna at saglit na silipin kung nasaan sina Mang Ed, Kuya Jose at Jeremy. Ang mga kasama ko ay nasa pagkakaidlip parin naman.

Lumabas ako ng kuwarto at napansin kong sarado ang pinto sa hallway. Naalala ko ng sabihin ni Mang Ed na mag iikot lang sila sa baba ni Kuya Jose. Medyo matagal na sila pero naisip ko na baka mayroon lang silang ginagawa sa baba. Naalala ko rin na si Jeremy ay naroon ulit sa may bubungan. Parang nag aalangan akong puntahan siya ngunit gusto ko rin munang silipin ang nangyayari sa labas. Wala naman sigurong masama kung kami lang dalawa doon sa bubungan. Sa tingin ko lang.

Sa aking paglalakad sa hallway ay napatingin ako sa maliliit na mga bintana kung saan makikita ang labas. Ang agad na pumukaw sa mata ko ay yung isang tao na nakalabas ang katawan sa bintana ng sasakyan habang kinakagat o sa tingin ko ay kinakain ng mga Sombi. Hindi ko man marinig ng malakas pero kita ko ang pagsigaw ng taong iyon. Hindi ko lang maaninag kung may kasama siya sa loob ng kanyang sasakyan. Wala na talagang awa ang mga Sombi na ito. Gutom na gutom sila sa laman at dugo ng tao.

Bigla ko ring naalala. Gutom din pala kami. Saglit kong tiningnan muli ang cellphone ko. Pasado alas Dos na ng hapon at hindi man lang kami nakapag lunch. Pero ayos narin yung biskwit at tubig kanina. Pantawid gutom at uhaw.

Sa pagbukas ko ng pinto papunta sa bubungan napansin ko agad si Jeremy….matahimik na lumuluha.

“ Oh Raine… bakit?... “ tanong ni Jeremy sa akin na medyo nagulat sa aking pagdating habang dagling nagpunas ng luha sa mukha.

“..Ah nagising kasi ako eh… andun pa sila naiidlip… Gusto ko lang  I check kung humupa na kaso mukhang mas magulo pa ata eh… “ sagot ko kay Jeremy.

“…Nakakalungkot ang mga nangyayari na to…. “ dagdag ko pa.

“…Ah Oo.. Naiiyak iyak nga ako kanina pa habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakagulo… Gusto ko mang tulungan yung mga taong yan sa baba eh mas mahalaga sa ngayon na manatili tayong buhay… Inaalala ko lang sila Mama at Papa pati narin si Jellie… Sana ay maayos sila… “ tugon ni Jeremy.

Naalala ko ang mama at papa ni Jeremy. Nakilala ko na sila nung kami ay magkakaklase pa sa High School. Pati ang nakababatang kapatid ni Jeremy na si Jellie ay napakilala na niya sa akin noon. Masaya at malungkot na alaala. Sana nga’y di na umabot pa sa Novaliches ang delubyong ito, kung saan sila nakatira.

“ Sana ay ligtas ang mga pamilya natin… kaya dapat makalayo talaga tayo dito… “ sambit ko kay Jeremy.

“ Makakaligtas tayo Raine… walang mangyayari sa iyo… pangako… “ tugon muli ni Jeremy.

Hindi ko alam kung nagkaroon ba ng “awkward moment” ng mga sandaling iyon sa sinabi niya.

“..Ah Raine… I mean…  Ah kuwan…  matapang ka kasi…  nakita ko.. Matapang ka na… “ paglilinaw ni Jeremy habang nauutal utal pa.
“… Ah Oo… pinatapang ng panahon… tama?..” tugon ko muli sa kanya.

“…Ah… ah… Tama… “ muling sagot ni Jeremy na napakamot ng kaunti sa kanyang ulo.

Saglit kaming nagkapalitan ng maliit na ngiti sa bawat isa ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung nagkaintindihan kami sa aming mga tugon.

Minsan talaga, kahit sa gitna ng delubyo, ng Zombie Apocalypse o kahit ng anumang kaguluhan, hindi parin dapat mawala ang mga sandaling kailangang kalimutan ang lahat sa paligid at saglit na ibalik ang saya. Saya na siyang gagapi sa mga takot na nararamdaman.

Malamlam o malungkot ang kulay ng kaulapan ng ako ay napatingin sa kalangitan. Nagpapatuloy pa rin ang kaguluhan sa baba namin. Tama si Jeremy na wala kaming magagawa sa mga sandaling iyon kundi ang siguraduhin ang aming kaligtasan. Masakit na sa mata at sa aking kalooban ang mga nakikita ko mula pa kanina ng magsimula ang delubyong ito ngunit unti unti rin siyang parang nagiging normal sa aking paningin. Ngunit hindi nawawala ang labis na takot at pangingilabot. Kailangan lang talagang maging matapang.

BEEP. Beep. BEEP. Beep. BEEP Beep

“Ano yun Raine?..  “ tanong ni Jeremy.

“ Ah?...  Cellphone ko!!!... Teka.. “ gulat na sagot ko kay Jeremy. Sunod sunod ang tunog ng message alert tone ng cp ko.

Mabilis kong binunot ang cp ko sa aking bulsa.

“Ah napakaraming messages, tweets at posts… mapupuno na yung screen ng cp ko.. “ sambit ko kay Jeremy habang ako ay nag che-check nito.

“May mga missed calls din… mukhang bumalik na ang signal… eh yung cp mo Jeremy?... “ dagdag ko pa habang patuloy ako sa pag check ng cp ko.

“Andoon sa bag ko yung cp ko eh. Sige tignan ko rin mayamaya… “ tugon ni Jeremy.

Nakita ko ang mga messages at missed calls sa akin ni Mommy at ng mga kapatid ko, si Larry at Lance. Mukhang di ko mababasa lahat ng ito.

“ Raine, how r u?  Nsa news yung nangyari jan sa Roxas Blvd and Grandstand, hope ur ok.. Please reply…”

Ito yung isa sa mga unang message ni Mommy sa akin. Agad akong nagreply kay Mommy upang malaman niya na ako ay nasa maayos na kalagayan.

“…ah Raine… “ sambit ni Jeremy sa akin habang ako ay nag memessage sa cp ko.

“ I am very sorry sa nangyari sa atin before… ? Tugon ni Jeremy na kaagad kong kinagulat at pinagtakhan.

“…ah… yung sa atin?...  “ sambit ko kay Jeremy habang nagtataka parin sa nasabi niya. Hindi ako sigurado kung ito ang tamang lugar at pagkakataon para mapag usapan ito.

“…Kasi… “ dagdag pa ni Jeremy.

“…Jeremy?.... “ boses na nanggaling sa may pintuan papasok sa bubungan. Si Nancy.

Napaka “Awkward” talaga ng mga sandaling iyon. Napatingin ako kay Nancy at siya rin naman sa akin sabay baling ng tingin kay Jeremy. Walang mga salita ngunit nabasa ko sa kanyang mukha ang mga katanungan kung bakit kami ay magkasama ni Jeremy.

“Ah… Nancy gising na pala kayo…? Bungad ni Jeremy kay Nancy.

“ Wala ka kasi don kaya hinanap kita. Naisip ko baka napano ka na eh. Buti at kasama mo si Raine… “tugon ni Nancy.

“…Nagbantay pa rin kasi ako dito…Naisip ko lang kasi baka may mga magrescue sa atin… para makahingi tayo ng tulong… Si Raine, kadarating din lang niya… di ba Raine?  ..” tugon ni Jeremy kay Nancy.
“…Oo tulog parin kasi kayo kanina. Sinilip ko lang din tong labas…Sina Mang Ed ba ay nasa kuwarto na?..  “ sagot ko naman kay Nancy.

“Ayun nga pala!... Wala pa sila Mang Ed at Kuya Jose pero nagising kasi kami nila Dina at Lani ng magkaroon ng signal sa TV. Sa channel 3. Mukhang may announcement mula sa gobyerno. Baka kasi gusto niyo rin marinig…” dagdag pa ni Nancy.

“..Ganun ba? … tara dali…  balik na tayo doon… “ sambit ni Jeremy.

“…Sige tara na… “tugon ko rin sa kanilang dalawa.

At hindi na nga natuloy ang mga sasabihin sa akin ni Jeremy. Tama nga ako. Hindi pa ito ang tamang lugar at pagkakataon.

Kami ay pabalik na sa kuwarto ng bumukas ang pinto sa hallway.

Si Mang Ed at si kuya Jose, may kasama pa silang isang tao. Babae. May mga dugo ito sa damit at may mga sugat sa braso.

Dagli narin kaming napatakbo papunta sa kanila upang tumulong sa pag alalay sa babae.

“…Mang Ed, ano po ang nangyari?  “ agad na tanong ni Jeremy.

“…Ah, mahirap… doon na muna tayo sa kuwarto para makapahinga siya… “ sambit ni Mang Ed na kinakitaan ko ng sobrang pagod dahil sa pagtulong nila sa babae.

Napansin ko ang suot na damit nito. Naka uniporme siya na pampulis. Agad kong sinilip ang kanyang mukha.

“…SPO1 Santos?... “ sambit ko sa babaeng akay akay nila Mang Ed at Kuya Jose.

“…O ikaw… salamat naman… “ tugon ni SPO1 Santos habang nakangiti ngunit siya ay kakikitaan din ng pagod at panghihina.

“ Sa loob na muna tayo…” sambit naman ni Kuya Jose.

Kami ay pumasok muna sa kuwarto.

“May anunsiyo ang Malakanyang ngayon. Nagkaroon na ng signal sa TV…” Salubong ni Lani sa aming pagpasok sa kuwarto.

“…Naghahanda na sila. Ang Presidente ang magsasalita…” dagdag pa niya.

Isang mapang asar na ngiti naman ang isinalubong sa akin ni Dina.

“Magkasama kayo ni Jeremy ano?... Nakita kayo ni Nancy?.. Ano nang away ba?... “ pabulong na tanong ni Dina sa akin.

“…Wala… baliw ka talaga… nuod nalang tayo sa TV… “pabulong ko ring tugon kay Dina na hindi mapakali sa pangungulit sa akin.

“…To all Filipinos watching now and to all of us here in The Palace,  let us all listen and understand the message of our President. …”

At nagsimula ng ipakilala ng Presidential Spokesperson ang presidente o mas kilala sa tawag na El Presidente.

“..Wag ka ng makulit Dina… makinig na muna tayo… “ pabulong kong sabi kay Dina habang kami ay nanonood sa pagsisimula ng anunsiyo na manggagaling sa Malakanyang at sa presidente mismo… kay El Presidente.

At nagsimula na sa pagtatalumpati ang pangulo.

“… Good afternoon to everyone or should I say it’s been a rough and tough day for everyone. I wanted to start right away by saying that let’s all be tough and strong for we don’t really know how long this disastrous event will be.

So magtagalog na lang muna ako para maintindihan ng lahat. Baka maubos tayo nito kung mag iispeech pa ko sa Ingles tapos di alam ni Juan at ni Pedro ang gagawin nila. Or paghaluin ko na lang. Taglish ba? Ok…

(tawanan sa paligid)

Hehe…ito talaga tayo. Kahit nasa gitna na ng kalamidad at delubyo ay nakukuha pang ngumiti at tumawa. Kailangan din talaga yan paminsan minsan. That is one of our secret weapon. We have a brave heart that is smiling and a resilient spirit that is laughing.

Though our situation right now is very dangerous. And we need to take this seriously. Very dangerous that a simple mistake will cause our own life.

Mamamatay kaagad tayo pag padalos dalos ang ating gagawinMaaaring nakita niyo simula kanina sa mga news update sa TV ang sobrang kaguluhan. Ang mga kababayan natin hindi alam ang gagawin. Kahit saan nalang , bahala na

And we apologise for some signal disruption especially dito sa Metro Manila. Sa TV signal man o sa mga cellphones niyo. A security prevention was done through NTC to ensure na hindi compromised ang lines of communication natin dito sa Metro. So ngayon alam kong nakakapanood na kayo nito.

Maaaring na notice niyo rin na isa lang ang live feed nating lahat kahit maglipat pa kayo ng ibang channel. So ako lang ang mapapanood niyo ngayong oras na to.

We have coordinated as well with our overseas counterparts about this since this is a massive chaos.

Alam kong hindi ko rin naman maitatago ang ibang mga balita para maiwasan sana ang takot sa ating lahat but I wanted to confirm what is circulating in social media…

We are looking on a possible TERROR ATTACK this. Manila is a Dead City.

Yes,  it appears na ang lahat ng ito ay parang pelikula lang. Yes we are on a brink of an apocalypse.

Nakita ko nga kanina sa mga tweets… people are tagging this as a Zombie Apocalypse… We can call it anything that we want but this is not a game or a movie anymore. Walang immunity, walang multiple lives… sabi ng assistant ko walang respawn.. Kung ano man yun…

If you get caught it is game over. Ah mabubuhay ka pa ulit but you’re not the same you anymore. You will be part of the undead. Eating flesh of other people then… .Boom! sabog ang bungo mo pag binaril ka sa ulo…Di  ba ganyan sa game o sa movie.

Seriously, this terror is much worse than the previous attacks. The US reported that most of the major cities around the world even in the States had been attacked this morning. So hindi lang tayo ang may dinaranas na delubyo ngayon.You ay have seen on the news or on social media posts coming from foreigners that they are also on this. New York, Los Angeles, Beijing, Hong Kong, Tokyo,  Paris, London etcetera.. Yes these are all true… walang fake News.

It was almost 4 or 5 hours ago lang ng mangyari ang kaguluhan diyan sa Manila, Roxas Boulevard and it spread like a wildfire. 

And yes I will also confirm that Metro Cebu and Metro Davao was also included on the attack.

So currently NDRRMC, The AFP and all concerned agencies are working very hard to fully stop the spread of this. We have received reports on the ground that the City of Manila, Pasay City, Paranaque, Mandaluyong, Makati and some parts of Quezon city at ng CAMANAVA AREA are being part of this chaos. So we are putting some lockdowns on these areas.

Nais ko pong sabihin sa inyong lahat na mag ingat po tayo. Huwag muna tayong lumabas ng ating mga bahay. Sa mga nasa trabaho o nasa malls o nasaan man kayo sa oras na ito, huwag na muna kayong lumabas hanggat hindi pa totally na ki clear ng ating mga sundalo’t kapulisan ang mga kalsada at ang buong Metro Manila.

Ang mga susunod na mga oras simula ngayon ay hindi magiging madali kaya kailangan namin ang inyong pang unawa. Let us all be vigilant on this.

Para sa Cebu and Davao, lockdowns will also be implemented in most areas. Yung mga local authorities natin diyan ay magkakaroon ng mga announcement.

For the rest of the Philippines, let still keep our cities, provinces and barangays safe. Be prepared always. The truth is hindi parin nating lahat alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. People form affected areas may flock on your own city so just welcome them and help them. So tulong tulong ba.

We are reselient enough to overcome this so let God guide us more.

The world right now is in a chaos. Pero lahat tayo maging ang mga tao ngayon sa ibang lugar na nakakaranas ng kaguluhang ito ay nagnanais na matapos din ang lahat ng ito.

I urge you not to spread more fear but rather encourage each other that we will all o through all of this. Tayo kasi hindi nagpapahuli sa social media. So lets update our love ones na ok tayo ngayon.

Later,  signal disruption sa TV at sa mga mobile dvices ay maaaring mangyari ulit so take this opportunity to contact them. Again we are just preventing intrusion on our communication systems dito sa Metro Manila.

We do not know what these mad people are up to. This is very well planned and well coordinated by all those evilish mind.

All this f@$#?ng idiots want to raise hell on earth…and No, we will not give up to them…ano masasabi ko sa kanila…

P@$#?*+! Nila.. Di tayo basta basta pababagsak

(Hi Wattpaders!  So "El Presidente" has spoken. I 'll go ahead and include him on future chapters. But for now,  thanks po ulit sa patuloy na pagsubaybay sa story, Manila Patient Zero. I hope you can always wait for my update either weekly or biweekly. Your comments, feedback and remarks about the story(from chapter zero) will be appreciated.

Thanks thanks po ulit. Happy Holidays din! )

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon