Chapter 13: AngPagtakas (6) Planetarium - The Escape (6) Planetarium

615 20 17
                                    

(Tunog ng Radio/Walkie Talkie… )

10 4 Bravo this is Juliet…nasa area pa ba kayo… over…

(…Lumipas ang mga ilang minuto…)

Bravo… Juliet to…safe ako… need assistance… nasa area pa ba kayo… over…

(…At lumipas pa ang ilang saglit… )

Juliet… Juliet… Bravo zero two… we are safe… saan ang location mo… over…

Bravo good to know na sa safe kayo… May mga kasama ako…police officer at mga sibilyan… current location namin ay Planetarium… over…

Ok… we’re glad to hear from you Officer Jose Peralta… akala namin ay nadale ka ng mga halimaw… over…

Hehe… Masamang damo eh… Nice to hear you back din Officer Bong Perez… saan nga pala ulit location niyo over…

Haha… kasama ko rin mga ibang civilians dito… nasa loob kami ng Intramuros… over…

Ok that’s good… posible ba na mag conduct kayo ng rescue for us para makarating kami diyan… Sa tingin ko mas safe kami diyan… over…

Posible yan…let’s plan it… o baka may suggestion ka… over….


Nagpapatuloy ang paguusap ng bawat isa sa amin sa loob ng kuwarto ukol sa mga nabanggit ni El Presidente sa telebisyon.

“ Nag declare ng Martial Law si El Presidente… hindi kaya makasama lang yun sa nangyayari ngayon?.. “ tanong ni Dina.

“ Depende iha… “ tugon ni Mang Ed.

“ Hindi naman parehas ang sitwasyon ngayon sa sitwayson noon ng unang magkaroon ng Martial Law. Kung makakatulong ito para madisiplina ang mga tao at makakilos ng maigi ang Gobyerno… lalo na sa panahong ito… sa tingin ko nararapat lang…” dagdag pa ni Mang Ed.

“ At hindi rin naman kasi ordinaryo ang kinakaharap ng bansa ngayon. Delubyong matatawag ito… kung kailangan talagang magdeklara para mapanatili pa ang naghihingalo nating lipunan eh wala naman sigurong problema… “ dagdag din ni Ate Sheena.

“…Ang mahalaga po ay nakikita parin natin na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matapos ito. Kasi either government or the whole society eh babagsak pag lumala ng todo itong delubyo na kinakaharap natin… “ tugon ko naman sa katanungan.

“…May Martial Law o wala… we need to live… at makasurvive sa Zombie Apocalypse na to…” tugon din ni Jeremy.

Bumukas ang pinto ng kuwarto sa gitna ng aming paguusap usap. Pumasok si Kuya Jose.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon