Chapter Zero: Panimula

1.3K 31 1
                                    

"...Takbo!!!  Takbo!! "

(May sigawan at kaguluhan sa paligid)
(May mga putok ng baril na maririnig sa kalayuan)

"Dito tayo bilisan niyo!!!  Ayan na sila maaabutan na tayo!!!

BLAAAAGGG!!!!
(Mabilis na pagkakasara sa pintuan)

" Ano ba talagang nangyayariBakit sila ganon?
Ahhh!!  Ang gulo!!!"

" Kumalma tayo!...  Kailangan nating makahingi ng tulong. Hindi puwedeng wala ang mga sundalo at pulis. Andiyan sila sigurado sa mga ganitong sitwasyon. "

" Huh...  Huh...  Huh..   Paano na tayo nito baka...
AAYYY!!!!!

KABLAAAGGG!!!!
(Pilit na may bumubukas sa pintuan)

"Aarrghhh...  Aarrghhh... "

"Bilis! Layo sa may pinto at baka bumigay na yanDito tayo dalian ninyo... "


Parang isang panaginip o kaya'y pelikula. O kaya serye sa telebisyon. Para sa akin totoo ito ngayon. Hindi ko mapigilan na balikan ang mga pangyayaring ito na nakuha sa camera ng cellphone ko.

Gusto kong magising na wala ang mga ingay at sigaw. Ang mga kaluskos ng mga taong walang patutunguhan at parang wala ring kapaguran. Ang hindi ko lang alam ay kung tao pa ba sila sa kanilang ginagawa.

Gusto kong bumalik sa totoong paligid.
Gusto kong bumalik sa masasayang alaala.

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon