Chapter 4: The Chaos (Ang Kaguluhan)

685 20 3
                                    


Magulo ang paligid. May mga tao na tumatakbo papunta sa lugar ng aksidente. Hindi alintana ang pag-ulan upang makapagbigay ng tulong.



Malinaw na ang lahat sa aming paglapit. Isang bus at limang sasakyan ang nadamay sa aksidenteng ito at may mga tao na galing sa loob ng bus na nakahandusay sa kalsada mula sa kanilang pagkakahagis matapos ang ilang beses na pagikot ng bus.



Mabilis na nakalapit ang ilang mga Pulis Maynila at mga MMDA traffic enforcer.



"Iwasan na po muna nating lumapit masyado dahil hindi po tayo makakatulong sa pag ayos ng aksidenteng ito kung magmimiron lang po tayo. Huwag na po nating i-crowd ang lugar. Pakiusap lang po!"



Sigaw ng isang babaeng Pulis Maynila na isa sa mga unang rumesponde sa lugar.



(Si SPO1 Sheena Santos ay isang babaeng Pulis Maynila na unang rumesponde sa lugar nang naaksidenteng bus. Siya ay malawak na karanasan at kahusayan sa baril at Martial Arts.)



Magulo parin ang mga sandaling iyon. Karamihan ay gustong umusisa sa nangyari.



Bigla kong naalala.



" LANI!!!!"



pasigaw kong tawag sa aking kaibigan.



" Ah... O... Oo Raine, baket? " tugon ni Lani na parng nagulat sa aking pagtawag sa kanya.



" Eto na, dito mo na gamitin yung mga natutunan mo sa nursing. Emergency ito at kailangan ang kasanayan mo dito." paalala kong sinambit kay Lani.



"Naisip ko na nga iyan. Pasensya na natulala lang talaga ako. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong aksidente eh." tugon ni Lani.



"Sige Raine, at lalapitan ko na yung babaeng pulis at maialok ang tulong natin. Naroon yung mga medical kit ko sa aking bag na dala. Pakikuha nalang ha." dagdag pa niya.



"Sige, kami na ni Dina ang babalik sa sasakyan para mailigpit narin muna itong mga gamit na dala natin." tugon ko kay Lani habang hinihila si Dina na natulala rin sa nasaksihan na aksidente.



" Tara Dina!... bumalik muna tayo sa sasakyan para maitabi itong mga dala nating gamit at kukunin ko rin yung medical kit ni Lani." sambit ko kay Dina.



" Ah... O .. Ok Raine...." pabiglang tugong ni Dina.



At pumunta na nga si Lani sa babaeng pulis para ialok ang tulong na mag assist sa mga nasugatan at naaksidente.



Patuloy parin ang kaguluhan at kalituhan ng mga sandaling iyon ngunit naiibsan dahil sa mga gustong magmalasakit.



Mayroong mga tumulong doon sa mga nadamay na pedestrian sa gilid ng kalsada at dinala patungo sa kung saan naroon ang mga tent dahil mayroon ngang nagaganap na medical mission sa lugar ng Quirino Grandstand ng mga sandaling iyon. May mga tao rin na nais lumapit at tumulong doon sa mga taong tumilapon mula sa bus na nakahandusay sa daan.



Hindi pa kami nakakalayo ni Dina mula sa pinangyarihan ng aksidente ng may ...



"Tulong... Tulong ... " isang impit na paghingi ng saklolo ang aming narinig sa isang babae na nakasalampak sa kalsada.



" May mga sugat po kayo. Tara at dalhin po namin kayo doon sa makapagbibigay ng paunang lunas sa inyo... "



Hirap makapagsalita at makahinga ang babae.


Isinuksok ang kanyang kaliwang kamay sa bulsa ng blazer na kanyang suot.



Cellphone. Iniabot ng babae ang kanyang cellpone sa amin ni Dina.



"Yung babae... arghhhh..aarraaay ... " paimpit paring nasambit ng babae sa amin.



" Ah sige po, wag na po kayong magsalita at mapupuwersa pa kayo niyan." tugon ko sa babae.



" Dina, ikaw na muna ang magtago ng cellphone. Gusto niya ata na tawagan o i-text natin yung anak niyang babae." sabi ko kay Dina.



" Sige i-check ko maya-maya." tugon ni Dina sa akin.



Kasabay nito ay ang paglapit ng ilang kalalakihan na nag alok na sila na ang magdadala sa babae doon sa mga nagbibigay ng first aid.



" Sige, pakidala nalang si ate doon sa may mga tent at para mabigyan ng paunang lunas." wika ko sa mga kalalakihan na tumulong sa babae.



Akay na ng mga kalalakihan ang babae ng bigla itong sumuka ng DUGO.



"Arggghhhh.... wooookkkkhh..."



"Pakidalian niyo na mga kuya ... " biglang sambit ko sa kanila.



At nagmamadali na ngang inakay ng mga kalalakihan ang babae upang ito ay mabigayan ng karampatang lunas.



Malasakit. Ito ang magandang bagay na napulot ko sa pangyayaring ito. Karamihan ay handang tumulong. Handang dumamay. Hindi alintana ang posibleng kapahamakan na maidudulot sa sarili makatulong lamang sa iba. Ngunit ang totoo, wala palang kamalay-malay ang karamihan sa paparating na mas malaking kapahamakan o delubyo na matatawag. Higit pang malasakit ang kakailanganin.



(Patila na ang ulan ng mga sandaling iyon. Ambon na lamang.)



At bumalik na nga kami ni Dina sa aking sasakyan. Ibinalik ang gamit namin at kinuha ang medical kit ni Lani.



" Raine, eto na yung medical kit ni Lani. Iwan ko narin siguro itong mga payong? " wika ni Dina.



" Sige, ambon nalang naman yata. Ako narin ang magdadala niyan gamit ni Lani." tugon ko.



" OK, medyo mabigat din eh... Saka dalhin ko parin tong backpack ko. Alam mo na..." pabirong sambit ni Dina. Hindi binalik ni Dina ang bag niya at para may baon daw kaming dala.



Bumalik at pumunta na kami sa mga nakatayong tent kung saan naroon dinala ang ilan sa mga naaksidente.



"Uy Raine! Dina! dito ..." pagtawag sa amin ni Lani.



Naroon na si Lani at nag aasiste sa mga volunteer na doktor na naroon sa lugar dahil nga sa isang aktibidad sa Quirino Grandstand.



" Kanina pa siya sumusuka ng dugo. Mas dapat na madala na sa ospital. Nakakadiri nga pero kailangang tiisin." Sabi ni Lani ng kami ay makalapit na sa kanya.



Kita nga namin ang mga mantsa ng dugo sa lupa. Maririnig din sa di kalayuang mga tent ang pagsuka at minsang pagsigaw ng ilan sa mga naaksidente na nilalapatan din ng paunang lunas.



" Paparating na raw yung ibang mga ambulansya. Iyong iba kasi na nakita natin na nakahandusay sa daan ay naisakay na at dadalhin na sa ospital." dagdag pa ni Lani.



"Ah oo nga. Natanaw ko nga kanina yung mga ambulansya na dumating. Mabuti naman..." tugon ko kay Lani.



Nakapuwesto ang mga tent sa may bandang gitna ng openfield ng Quirino Grandstand. Medyo malapit parin dun sa may hagdan kung saan nakapuwesto yung "kalabaw" at yung "Kilometer Zero marking". Tanaw mula sa kinapupuwestuhan namin ang lugar ng aksidente kung saan may mga Pulis at MMDA rescue team na nagaasikaso sa bus na naaksidente at dahil sa ito nga ay nakatagilid at nakaharang sa daan ng Roxas Boulevard.



Napansin ko rin ang pagdating ng ilang news crew van. Nais maibalita ang pangyayaring ito. Isang malaking balita. Kaguluhan na hindi inaasahan darating.

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon