Chapter 6: Unexpected (Di Inaasahan)

507 14 5
                                    

“ DOOOKKKK!!!!!!!!!!!!!!!! “

At isang malakas na sigaw ang gumulat sa akin na narinig ko mula kay Lani.

Lahat ay biglang gumulo sa aking isipan. Ano ba talaga ang nangyayari? Anong mayroon sa aming paligid sa mga oras na ito na hindi namin maintindihan? Bakit kami narito at hinaharap ang ganitong sitwasyon? Nagplano kami ni Dina at Lani na ang araw na ito ay idagdag sa napakaraming araw na inipon namin para magkaroon ng masasayang alaala.

Malinaw na malinaw sa aking mga mata ang pangyayaring nagaganap sa aming harapan.

Isang sagpang sa balikat ng doktor ang aking nasilayan. Hindi ng isang hayop kundi ng isang tao.

Ang babae na kanina ay nawalan na ng hininga at ngayon ngayon lamang ay biglang nabigyan ng buhay ay parang isang leon sa gubat na kumagat sa doktor. Mabilis ang mga pangyayari.

“ Lani!!!!! “ pasigaw kong tawag sa kanya.

“ Umiwas ka diyan !!! “ dagdag ko pa habang inaabot ang kamay niya at mahila siya papalayo.

“ ....AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!......”

Malakas na pagsigaw ng doktor na nabigla rin sa nangyari.

Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay nagsisimula nang umakyat ang takot at kaba sa akin para sa aming magkakaibigan. Ngunit nangingibabaw parin ang tapang na alam kong mayroon ako at ito ang kailangan namin ngayon. Hindi ko naisip na tulungan ang doktor na maaaring mali ngunit mas pinili ko ang makaalis sa sitwasyon namin na sa totoo lang ay hindi ko parin lubos na maintindihan.

Abot ko na ang kamay ni Lani. Buong lakas ko siyang hinila papalayo dahil bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at takot sa nakita niya sa harapan niya mismo.

“ LANIIII!!!!!!!  Dali!!!! Bilis!!!! “…..

Pasigaw kong tawag kay Lani upang siya ay tulungang bumalik sa kanyang sarili ng mabilis dahil sa ang oras ay napakahalaga sa mga sandaling iyon. Oras para mailigtas ang aming mga sarili sa nagbabantang isang malaking delubyo.

“Raine… Lani… San tayo???.... “  malakas na tawag ni Dina sa amin na hindi narin malaman ang gagawin. Naputol narin ang paguusap nila ni Lean sa cellphone ng mga sandaling iyon.

“Kelangan na nating bumalik doon sa sasakyan… Ngayon na… tara bilis!!! “ .

Tugon ko kay Dina habang itinuturo ang direksyon kung saan namin ipinarada ang sasakyan kanina.

“AAAAAHHHHHH… TUUULOOONGGG!!!... AHHHHHH!!!!.... “ sigaw ng doktor habang kami ay unti unting lumalayo sa tent. May mga miron sa paligid na nagtangkang tulungan ang doktor.

Nakita ko ang dalawang lalaki na nagnais tumulong ngunit mabilis din silang nakagat ng babae sa may braso at kamay. Mabilis lang na sumagi sa isipan ko ang katanungan kung bakit biglang nangangagat na lamang ang babae na kanina ay hinang hina na at nalagutan na ng hininga.

Ngunit nakatingin lamang ako sa isang sitwasyon na nangyayari sa aming harapan.

Mas lumilinaw ang lahat ng nangyayari. Lumilinaw na kaguluhan.

“AHHHH… “

“AAARRRAAAAYYY… HUUWWWAAAGG.. “

“TUULOOONNGGGG… “

Lumilinaw ang aking mga naririnig na sigaw sa paligid. Mula sa malayo hanggang sa pinakamalapit sa kinatatayuam namin nila Dina at Lani.

Hindi ko alam kung hahakbang pa ako para kami ay makabalik na sa sasakyan.

Iniikot ko ang aking paningin. Sa harap. Sa likod. Kaliwa. Kanan.

Ang kaguluhan na nangyayari sa tent kung nasaan kame kanina ay parang eksenang kinopya din sa ibang mga tent na aking natatanaw.

May tumatakbo. May nagwawala. May umiiyak. Mayroon ding mga taong ang nais lamang ay tumulong ngunit nagugulat dahil sila ay sinusunggaban at kinakagat ng kanilang kapwa tao. Yan ay kung sila nga ay tao pa.

“ Dito Kayo!!!...  Dalian Ninyo!!!... “ malakas na sigaw sa amin na tinig ng isang babae.

Mabilis naming inikot nila Dina at Lani ang aming mga paningin sa tumawag sa amin.

“Ayun!!..  Raine… Lani… malapit sa estatwa ng kalabaw…”  Mabilis na sambit ni Dina sa amin ni Lani habang itinuturo ang direksyon kung nasaan ang tumawag sa amin.

Ang sinasabe ni Dina na estatwa ng kalabaw ay yung nakapuwesto sa malapad na hagdanan kung saan din makikita ang Kilometer Zero Marking na nakaharap sa Roxas Blvd at Rizal Park.

Hindi na kami nagaksaya ng panahon at mabilis kaming tumungo sa kinatatayuan ng babaeng tumawag sa amin. Hindi ko alam kung saglit ba akong nagkaroon ng sakit sa pagkalimot ngunit  saka ko nalang naalala kung sino ang tumawag sa amin para makalayo sa kaguluhang nakaamba sa amin. Ang babaeng pulis na kanina ay kasama ni Ivan Castro doon sa kabilang tent kung nasaan ang driver ng bus. Siya ay si SPO1 Santos. Sheena Santos.

Mabilis ko na ring napansin ang pagtakbo ng ilang mga tao sa parehas na direksyon kung saan kami patungo.

“Ate Pulis!!... Antayin mo kame… “ sigaw ni Dina habang kame ay tumatakbo papalapit.

“Doon po tayo sa labas ng police line tumakbo… Bilis po!!!”….  Pautos na sabi ni SPO1 Santos sa amin at sa iba pang tao na papatakbo rin sa kanyang direksyon.

Ang tinuturo ni SPO1 Santos ay ang mga nakapuwestong pulis sa bandang gitna ng Roxas Blvd tapat ng Rizal Monument. Nakapuwesto ang mga pulis mula pa kanina dahil sa hindi parin naiaalis ang tumagilid na bus sa kalsada.

Ramdam ko ang nangyayaring kaguluhan sa aming likuran ngunit wala na akong oras upang ito ay lingunin pa dahil  ang mahalaga para sa akin ay ang makalayo kami nila Dina at Lani.

Kasabay ng aming pagtakbo ay siya ring pagsalubong ng ilang mga pulis.

“Maximum tolerance tayo!!... “ Sigaw ng isa sa kanila na aking narinig habang kami ay tumatakbo.

At mabilis nga naming narating ang gitna ng Roxas Blvd.  Lumabas kame sa Police Line. Kapansin pansin na marami pala ang mga tao sa paligid. Mga miron. Usyosero at usyosera. Talaga nga naman.
“Kelangan makauwe na tayo. Sigurado ako na nasa balita at social media na to. Natatakot ako Raine,  Dina… Huuuuhh… “

Sambit ni Lani sa amin ni Dina ng kami ay saglit na nagpahinga at umupo sa may sidewalk ng Roxas Blvd. Dama ko ang takot dahil di narin napigilan ni Lani ang mapaiyak.

“Oo nga Raine… Tara na.. “ wika din ni Dina.

“ Sige… tawag ka na rin Lani kay mommy mo. Ikaw din Dina para alam nilang ok tayo…ako message ko rin si mommy…” tugon ko naman sa kanila.

“ Di ako makakatawag sa amin Raine… “ sabi ni Dina.

“…..wala na kong load… .” dagdag pa ni Dina.

Maiksing sandali na ngumiti kami sa bawat isa. Kailangan. At ang sandaling ngiti ay bumawas ng aming takot at kaba na naramdaman sa oras na iyon.

“Doon na tayo dumaan sa kabila papunta sa sasakyan natin. Tara.. “ wika ko kay Dina at Lani.

Di pa man kami nakakaalis sa kinatatayuan namin nang…

PAK… PAK… PAK..

BANG… BANG… BANG…

Ilang mga putok ng baril ang umalingawngaw sa ere na ikinagulat naming tatlo. Agad naming binaling ang aming paningin kung saan nanggaling ang mga putok.

“Hala… “  pagtataka ni Dina.

“ Ano na Raine?... “ sambit din ni Lani.

Binaling ko ang aking paningin sa kung saan nanggaling ang mga putok ng baril. Naalala ko na may mga pulis kame na nakasalubong kani kanina ng kami ay papatakbo.

Hindi ko masyadong matanaw dahil sa mas mataas ang lugar ng Quirino Grandstand kung saan kame nakapuwesto sa sidewalk ng Roxas Blvd pero saka ko nalang ulit nakita ang mga taong nagkakagulo parin. Mas magulo kaysa kanina na andoon kami. Pati ang mga tao sa aming paligid sa may Roxas Blvd ay unti unti naring umiingay at gumugulo dahil na nga rin sa mga putok ng baril na lalong nagpataas ng tensyon sa aming paligid.

“Tara na… Dina, Lani.. Bilis!!!!... “ pagmamadali kong sabi kay Lani at Dina.

Ang masayang araw na iniisip namin nila Dina at Lani ay naging parang bangungot na unti unting nagiging buhay sa aming harapan at paligid. Isa itong araw ng mga pangit na alaala na kailangang kalimutan at dapat ay maibaon sa limot. Ngunit yan ay kung makakaalis kami sa sitwasyong ito pero dapat lang na makatakas at makalayo.

“Ha?..  anong?... “ bulong ko sa aking sarili.

Sa aming gagawing paglakad papalayo, may isang di inaasahang nakatitigan ng aking mga mata.
Alaala. Nakalipas. Ibaon sa limot. Haaay… Tunay ngang di inaasahan ang mga pangyayari sa araw na ito.

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon