Chapter 5: Returned (Nagbalik)

549 14 0
                                    


" Raine.... " pakalabit na tawag sa akin ni Dina.

" O..Bakit? " tugon ko naman sa kanya.

" Hindi ba siya yung babae kanina na inakay nung mga kalalakihan? " wika ni Dina.

Ang pinapatungkulan ni Dina ay ang babae na binabantayan ni Lani nung mga oras na iyon ay siya ring babae na kanina ay nakita namin sa may gilid ng kalsada at isa sa mga naaksidente.

Tumingin ako sa kanyang mukha. Medyo nagbago ang hitsura ng babae mula ng makita namin siya kani-kanina lamang. Wala pang sampu o beinte minutos mula ng maganap ang aksidente. Mas namumutla na ito at parang halos namumuti na ang mga mata. Napansin ko rin ang mga malalalim na sugat sa kanyang mga braso at balikat. Maaring nasugatan siya nang lubos sa pagtagilid ng bus na sinasakyan nila.

" Oo siya nga. " pagkumpirma kong sabi kay Dina.

" Nababanggit niya kanina ...."sa bus"......"ung babae"... " dagdag pa ni Lani.

At naalala ko rin agad.

" Dina, may naiabot nga pala sa atin na cellphone yung babae, hindi ba?" tanong ko kay Dina.

" Heto nasa akin." tugon ni Dina.

" Nabanggit na niya sa amin kanina na parang gusto nga niyang matawagan o maitext "ung babae". Sa tingin ko ibig niyang sabihin ung anak niyang babae ay makontak sa cellphone niya." sambit ko kay Lani at Dina.

" Yun buti nalang at walang password itong cellphone! Sige, i check ko na yung contact number dito." wika ni Dina sa amin ni Lani.

" Sige, at i try mo na tawagan o i-text kung may makikita ka sa mga contact number, Ok? " sabi ko naman kay Dina.

"Ay Ay Kapitana! Scrollin'! " magiliw na tugon ni Dina.

At dahil naroon na nga sa lugar ang ilang mga media men. Si Ivan Castro at ang kanyang crew ang isa sa mga naunang dumating sa lugar dahil sila nga ay nasa malapit lang na vicinity at nagcocover ng balita patungkol sa bagyo at ulan kani-kanina.

Patungo si Ivan Castro at ang kanyang news crew sa mga tent kung saan kami nakapuwesto.

" O.. Si Ivan Castro andito baka mainterview na tayo. Kanina lang nabanggit natin. Pagkakataon mo na ito Dina. " wika ni Lani sa amin ni Dina.

" Sorry busy ako dito sa cellphone ni ate at hinahanap yung kontak ng anak niya. Sorry nalang kay Ivan Castro kahit pogi pa siya, di ko siya mapagbibigyan ng interview ngayon." magiliw na sambit ni Dina sa amin.

Sa katabing tent pala namin nilalapatan ng lunas ang driver ng bus na naaksidente. Kasama ng babaeng pulis na nakita namin kanina, sinamahan niya si Ivan Castro at ang news crew nito sa katabing tent namin upang makapanayam ang driver ng bus.

Sinimulan ko nang makinig sa interview ni Ivan Castro sa babaeng Pulis at sa driver ng bus.

(Si Raine,Dina at Lani kasama ang ilang mga tao ay nakikinig sa panayam ni Ivan Castro na sinisikap na ipaabot ang balitang ito ng live sa isang newsbreak)

"Andito po tayo ngayon at napasugod dito sa Quirino Grandstand malapit sa dating Baywalk kung saan tayo ay nag uulat ng lagay ng panahon kani-kanina lamang. Mabuti nga po at di na gaanong maulan sa mga oras na ito. Kasama ko po si SPO1 Sheena Santos para magbigay ng istorya ukol sa nangyaring aksidente dito sa may Roxas Boulevard na kinasasangkutan ng isang bus na sa mga oras na ito ay nakatagilid pa sa daan at inaasikaso ng ating mga MMDA rescue team. Magandang araw, SPO1 Santos..." wika ni Ivan Castro.

" Magandang araw rin. Ngunit nakakalungkot nga itong aksidenteng ito. Medyo hindi inaasahan." sabi ni SPO1 Santos.

" Maayos ang daloy ng trapiko dito sa Roxas Boulevard lalo na sa bahaging ito ng Quirino Grandstand at Rizal Park. Kaya nakakagulat ang ganitong aksidente ng bus na nakadamay pa ng ilang sasakyan at pedestrian." dagdag pa ni SPO1 Santos.

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon