Chapter 8: The Escape (1) / Ang Pagtakas (1)

532 15 3
                                    



"...At Siya ay muling nabuhay sa ikatlong araw... "



Yan yung mabilis na sumagi sa isip ko.



Madalas kong marinig sa simbahan na ang Panginoon ay muling nabuhay matapos siyang maipako sa krus.

Kasama din ang mga katuruan na muling pagbuhay sa mga namayapa sa takdang panahon.



Mabilis ko tuloy na inisip kung eto na ba ang katapusan? Ang paghuhukom. Binubuhay na bang muli ang mga namayapa?



Ngunit parang napakabilis naman ata at dinaig pa nila ang Panginoon na nabuhay pa sa ikatlong araw.



Sa mga sandaling iyon, lahat ng ito ay sumaglit sa aking kaisipan. Nagtataka at naglalaban ang aking isipan dahil hindi ko matanggap ang nakikita ko sa mga oras na iyon.



Para bang saglit na huminto ang paligid. Ang lahat ay nagtataka rin o maaari ay namamangha. Ngunit mas ramdam ko ang tumataas na takot sa paligid.



Ang mga baril na ipinutok ng mga awtoridad ay saglit na tumahimik.



Malinaw na malinaw sa akin mula kanina , ng magkaroon ng malalakas na putok ng mga baril , na karamihan sa mga nagkakagulong tao ay tinamaan ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.



Humandusay. Nadapa. Bumulugta. Yan sila kanina.



Ngunit lahat ng ito ay nabago dahil ang mga ito ay parang nagdahilan lamang at muling nagsibangon sa kanilang pagkakahandusay, pagkakadapa o pagkakabulagta.



Ano nga ba talaga ang meron?

Hindi ko mawari sa oras na iyon.

Ang totoo para sa akin ang lahat ng mga taong ito, kung sila nga'y tao pa, ay mga halimaw.



"...Raine.. Tara na!!!... " dagling tawag sa akin ni Dina.



Saglit akong napatulala dahil sa hindi ko parin maintindihan kung bakit nangyayari ito ngayon.



"...Raine ...Lani... takbo na!!!...." minsan pang sigaw ni Dina sa amin ni Lani.



BAANNNGGG... BAAANNGGGG.. BAAANNGGGG...



Ang paligid ay muling umingay at mas malakas pa kaysa kanina.



Ang mga taong nagkakagulo at nagsusunggaban na kanina ay nakahandusay ay mabilis na ngang bumangon at lumapit patungo sa aming direksyon.



Sa kanila rin nakaumang ang mga baril at putok.



Ngunit ang karamihan sa mga tama ng baril sa kanila ay hindi alintana.



Mas naging mapangahas ang kilos ng mga ito. May nakakatakbo at may nakakalakad pa rin sa kabila ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.



Kita ko parin ang pagtalsik ng mga dugo. Ang paglaylay ng mga laman sa kanilang kamay, balikat, dibdib,tiyan at iba pang parte ng katawan.



Tunay ngang mga halimaw na sila sa aking panignin.



"...Raine!!!... Tumakbo na kayo!!!.... " pasigaw na tawag ni Jeremy sa amin.



Hindi na nga kami nagaksaya pa ng panahon.



"... Tara na.. Andun yung sasakyan.. " wika ko kay Dina at Lani.



Ang direksyon ng aking katawan ay patungo sa aming tatakbuhan. Ngunit pinilit ko paring ibaling ang aking paningin sa mga nagwawalang tao o mga halimaw na nga siguro.
Tinatanya kung gaano pa sila kalayo mula sa amin.

Manila Patient ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon