Kabanata 8
Nang nag-Thursday na ay pinilit ni Alex si kuya Harry na siya na ang maghahatid sa amin ni Ellie sa airport kaya silang dalawa ni Caleb ang kasama namin ngayon. Para naman kaming mawawala ng ilang buwan sa ginagawa nila.
"Hoy, tatawag ako lagi ha?" Paalala ni Alex sakin.
Napasimangot naman ako. "Ano ba naman yan? Kahit wag na!"
"Ingat kayo doon ha?" Wika naman ni Caleb.
"Grabe, isang araw lang kaming mawawala." Wika ni Ellie.
"Still, keep me updated, Misis ko." Bumaling naman sa akin si Alex.
"Please focus on your practice, Alexander."
"You know I can't do that, Misis ko." Sagot naman niya.
"Focus, Alexander. Malapit na opening game niyo." Wika ko.
"See you tomorrow then, mahal?" Wika ni Caleb.
"Yes, see you!" Ani Ellie at mabilis na bumaba sa sasakyan ni Alex.
Naglakad na kami ni Ellie papasok sa departure area. Tumingin kami ni Ellie kila Alexander at Caleb sakto namang kumakaway sila sa amin. I wonder if kakayanin kong makita na naglalakad palayo si Alexander sa akin?
He mouthed "take care" and "see you soon" sabay talikod. Maybe he doesn't want to see me walking away from him?
Paano nalang kung pang-matagalan na ang pag-alis ko? Paano kung siya naman ang aalis? Kakaynin ko kaya? Kakayanin ko pa kayang mawala siya sa buhay ko?
"Do we really need to update them?" Ani Ellie habang nag-aantay ng flight namin. "Yeah, I get it. Caleb's my boyfriend, but I need freedom too."
Napalingon ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. "May problema ba kayo ni Caleb?"
Nagkibit balikat lang siya. "Update, Alex. From time to time, he's too annoying."
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga kailangan i-update si Alex about sa paguwi namin ng Masbate ngayon, ang akala ko ay reunion namin sa mother side ko. Pero trip lang pala nila na pauwiin kami, nakaramdam din naman ako excitement na makita ang mga kamag-anak ko, pati kasi nandoon na din ang magulang ko.
Doon ko lang napagtanto na, tama si Ellie. Knowing Alexander, he's too annoying. Kaya naman expected ko na, na he'll annoy the hell out of me para lang makuha ang gusto niya.
Nang nakasakay na kami ng eroplano ay doon ko lng napagmasdan si Ellie. She doesn't look like okay. Alam kong may problema siya, kita at ramdam ko. Gusto ko man siyang tanungin ay nag-alangan ako.
"Don't stare, 'cous." Ani Ellie. "I'll tell you when I can."
Napabuntong hininga naman ako at nanahimik nalang. Hindi ko naman siya mapipilit kaya hinayaan ko na.
Nang nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin, ang anak ni Auntie Sol na si Ameerah na kapatid naman ni Ellie agad naming nakita paglabas namin sa arrival area. Si Auntie Sol ang nakakabatang kapatid ni Mama, tatlo silang magkakapatid.
"Ameerah!" Sigaw ko.
"Ate Ila!" Sigaw din niya sabay yakap sakin. Natawa naman ako dahil feeling ko galing ako ng ibang bansa na tuwing December lang umuuwi kaya sabik na sabik.
"Hoy, Eleonor!" Aniya.
Ellie rolled her eyes. "Wala ka talagang galang sakin ano, Maria?"
"So, ano ate? Singka-baho tayo ng pangalan?" Ani Ameerah na natatawa.
BINABASA MO ANG
Us, Against All Odds
Fanfiction(c) 2017 | Will you do it? Even if the odds are not in your favor? Or you'll just forget everything and walked away?