Kabanata 17
Mabilis lumipas ang mga araw at nasa ICU pa din si Daddy. Pinilit nila tita na hindi mailabas sa media ang nangyaring aksidente sa amin.
Bukod sa pamilya ko ay wala ng may alam na nasa hospital ang daddy ko. Maging sila Stella ay wala ding alam. Pinilit kong maging normal sa mga sumunod na araw. Pero sa tuwing naaalala ko ang hitsura ng daddy ko ay hindi ko maiwasang hindi maiyak.
"Okay ka lang ba, Ila?" Tanong ni Axe sa akin.
Kasama ko si Axe ngayon dahil iyon daw ang bilin ni Alex habang hindi pa tapos ang klase niya.
Ang bilis ng panahon ano? Matatapos na kami sa junior year ng college life namin. Mas bumibigat na ang mga responsibilidad na nakalagay sa balikat namin.
"Oo naman, bakit?" Tanong ko.
"Ang tahimik mo kasi. Hindi ako sanay."
Nginitian ko lang si Axe, nasasanay na ako sa pagpepretend ko na okay lang ako kahit sa loob ko ay sobrang wasak na.
"Axe!"
Sabay kaming napalingon ni Axe sa tumawag sakanya, it was Kyline.
"Oh, hi Camila." Bati niya sa akin, sabay ngiti.
"Hello."
Ngumiti lang ulit siya at bumaling ulit kay Axe, "Where's Alex?"
"Ha? Bakit?" Tanong ni Axe.
Napakunot noo naman si Kyline. "Uh, he's my bestfriend?"
Bago pa makasagot si Axe ay may yumakap na sa akin mula sa likuran.
"Hi, misis ko!" Masigla niyang bati.
Napalingon kaming tatlo sa kanya, "Alex."
Hindi naman nakaimik si Kyline dahil sa ginawa ni Alex. Kita ko 'yung sakit na dumaan sa mata niya. Sana ako din, sana makita mo din 'yung sakit na nararamdaman ko.
"A-alex." Tawag ni Kyline sakanya.
Umupo naman sa tabi ko si Alex. "Uy, Kyline."
"May lakad ka ba today?" Tanong ni Kyline. "Pwede mo ba akong samahan?"
"May lakad kami ni Ila eh." Ani Alex, napatingin naman ako sa kanya. "Aalis na din kasi kami, Ky. Pasensya na."
Hindi ko makita 'yung reaksyon ni Kyline kasi iniwas niya 'yong tingin niya sa amin. Nagpaalam naman na siya at mabilis na nakaalis. Paano nagagawang tanggihan ni Alex ang fiancee niya?
"Tara na." Ani Alex sa akin at bumaling kay Axe. "Salamat tol."
Tumango lang si Axe, sabay na kaming naglakad ni Alex papuntang carpark. Pareho lang kaming tahimik habang pinagtitinginan ng mga kapwa naming estudyante.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Kung saan tayo dadalhin ng tadhana."
Bumuntong hininga ako. "Uuwi nalang ako."
"Wag." Aniya sabay tawa ng marahan. "Basta may pupuntahan tayo."
Hinayaan ko nalang siya. Tahimik lang kami habang nagdadrive siya pero hindi ko rin maiwasan na titigan siya habang nagdadrive. Paano ba tayo napunta sa sitwasyong ganito?
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Paggising ko ay nakita ko 'yung arko na nakalagay ay Tagaytay.
"Nasa tagaytay tayo?" Tanong ko.
"May ipapakita lang ako sayo."
Tumango lang ako at tumingin na sa nadadaanan namin. Napaka-aliwalas ng daan at napaka-ganda ng mga tanawin. Binaba ko naman 'yung bintana at huminga ng malalim. Nilabas ko yung kamay ko na akala mo'y nahahawakan ang hangin.
BINABASA MO ANG
Us, Against All Odds
Fanfiction(c) 2017 | Will you do it? Even if the odds are not in your favor? Or you'll just forget everything and walked away?